47) LOVE THIS WAY💕

568 10 0
                                    

Chapter Eleven ( page 47)
Title : LOVE THIS WAY💕
#ouch

       MATAPOS maareglo ang nangyaring kagulohan Sa bar ay umuwi na sila ng boarding house..  Sinamahan muna ni Jacky Si Vice sa boarding house nito upang gamotin ang namamagang kamao..

   Hindi mapigilan ni Jacky na ngumiti Habang ginagamot ang pagang kamay ng kaibigan..

Vice:  " Sis?  Natutuwa ka talaga Sa lagay ng Kamay kong yan? "     puna nito..

Jacky:  " oi hindi ah..  Masama Bang ngumiti? "

Vice :  "eh bat ka nga nakangiti?  Baliw to..  Paga na nga tong Kamay ko eh "

Jacky :  "Hindi lang kasi ako makapiniwalang kaya mong manuntok ng lalaki..  Nakita ko yung mukha ng kolokoy na yun sabog ang labi eh..  Hahahahaha..  Lakas mo pala manuntok Sis..! Unbelievable!! "

Vice :  "Hindi ko nga din alam eh..  First time Kong manuntok..  Sakit pala Sa kamay..  Huhuh.😢  Wawa naman ng hands ko.. "

Jacky:  "Di ko akalaing may lahi kang pakman Sis..  Hehe 😂 "

Vice :  "Aray Sis?  Dahan-dahan naman.. "

Jacky:  " sorry poh.. Pero thank you Sis huh?  Hindi mo ako hinayaang mabastos.?

Vice :  "Syempre naman Jacky..  Walang kahit na sinong pwdeng manakit sayo.  Kahit babakla-bakla lang ako Jacky..  Makakaasa kang hindi kita pababayaan.. "

Jacky:  "Salamat Vice... Ahmmm.  Yung sayaw pala natin kanina parang totoo noh?"

     Saglit silang nagkatitigan..  Na tila binabasa ang kapwa nila mga mata..

Vice :  "Ganun talaga siguro kapag...... "

    Hindi na natapos ni Vice ang sasabihin ng pumasok si Mika..

Mika:  "Guys?  Wait lang huh?ahm..  Jacky?  Anjan si Tom eh..  Gusto ka daw makausap.? "

Jacky:  "huh?  Gabi na ah? Sige pakisabing saglit lang huh? "

   Umiling iling nalang si Vice..

Vice :  "OK lang..kaya ko na to Jacky..  Salamat huh? "    malungkot nitong sabi.

Jacky :  "Text moko kapag kailangan moko huh? Matulog kana.. "   malambing na sabi ng dalaga..

   Pilit na ngiti lamang ang iginanti ni Vice.. Ramdam ang kalungkotan ng kanyang puso..😢

    PAGDATING ni Jacky sa boarding house..
Agad bumungad Sa Kanya ang nag-aalalang mukha ni Tom..

Tom:  "Jacky?  Sorry talaga huh? "

    Ikinuwento ni Tom ang nangyari..  Kung kayat hindi ito nakasipot Sa usapan.. Nagkagulo pala sa bahay nila.. Nag-away ang Mommy at daddy nya dahil Sa pambabae nito.. Hindi maiwan-iwan ni Tom ang mommy nya kasi baka atakihin ito Sa puso... Labis ang pag-aalala ni Tom para saber mommy nya kaya mas minabuti nitong manatili Sa tabi nito.

Jacky:  "Noh kaba? Ok lang yun.. Naiintindihan ko.. Wag kang mag-alala.. "

Tom :  "salamat Jacky huh? And congrats nga pala Sa nyo ni Vice..  Hihingi nalang ako ng allowance kay mama para makapag-enroll din ako..  Gusto ko kasi kasama kita lagi Jacky.. "

Jacky:  "Sige bah..   "

     Saglit silang dalawa nagkwentuhan tungkol Sa mga naganap Sa dance club..  Hindi nagtagal nagpaalam narin si Tom na umuwi.

KINABUKASAN nagising si Vice gawa ng mga mahihinang katok ng pinto..  Pilit syang tumayo na halos nakapikit pa ang isang mata....

    Nagulat sya ng makita Kung sino ang dumating..

Si Bella.. Nabuhay ang mga dugo Sa katawan no Vice ng malanghap ang mabangong dalaga..  Agad nyang iminulat ang kanyang mga mata.. At tinakpan ang kanyang bunganga..

Bella :  "Hi Vice😍 "

Vice :  "Bella?  Pasok ka?  Pupunta ka pala hindi ka man lang nag text?  Nakakahiya naman amoy amag pako eh.. Ang kalat-kalat pa pati ng kwarto ko.. " sabi nito Habang nililigpit ang mga nakakalat..

Bella :  "Sus!  OK lang yun! Kaw talaga..  "

Vice :  "napadalaw ka Pala?"

Bella :  "Bored kasi ako sa bahay eh..  Ok lang ba tumambay ako dito? "

Vice :  "Ha?  Ahm..  Oo naman..  Sige upo Ka muna anung gusto mo?  Juice kape?  Pandesal?  Anu? "

Bella :  "Ikaw...... "   seryoso nitong sagot.

Natigilan at natulala tuloy si Vice..

Vice :  "Huh? "

Bella :  "Haha..  Joke lang..  Later nalang Vice.  Gusto mo tulongan na kita magligpit? "

Sabi nito na hinawakan ang nakakalat na kumot.   Na agad naman binawi ni Vice sa pagkakahawak nya.

Vice : " Hindi wag na Bella "

Bella :   "Teka?  Anung nangyari jan sa kamay mo? "

   Napansin nito ang namamaga nyang kamay..

Vice:  "Ahh ito?  Wala to..  May masapak lang ako kagabi.. "

Bella :  "Ha?  Napaaway Ka? Bakit naman?  Patingin nga ako?  " anito na hinawakan at sinuri ang mga kamao ni Vice..

Vice:  "dahan-dahan lang Bella "

Bella :  "Ininuman mo na ba to ng antibiotics?  Namamaga eh oh? "

Vice :  "Hindi pa eh.. "

Bella : "Magbreakfast Kana kaya para makainum ka na ng gamot.  Mas lalong sasakit yan kapag hinayaan mo.. "

  Sabi nitong bakas ang pag-aalala..

Nagpresenta Si Bella na sya ang maghahanda ng pagkain..  Nagprito sya ng itlog at Longanisa..  Nagtempla din sya ng kape..

    Patapos na ng kain sila  Vice ng biglang dumating si Jacky...

Jacky:  "Hello Sis good morning!! May dala akong Break fast for you!! "

    Natigilan si Jacky ng makita si Vice kumakain kasama si Bella...

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now