71) LOVE THIS WAY 💕

485 13 0
                                    

Chapter fourteen ( Page 71 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Excuseme

       ISANG ARAW Nakatanggap ng tawag si Jacky sa pinsan nyang si Billy.. 

Jacky :  "Hello kuya Billy?  Napatawag ka?  Kamusta?  "

Billy:   "ito  . Excited na maging ulirang Ama  . Haha 😂 .. Sya nga pala?  Asahan ko kayong dalawa ni Vice sa  Baby shower insan huh? Magkakilala pala ng Bayaw kong si Vhong?"

Jacky :  "Aah..  Owo eh..  Dance instructor namin sya. "

Billy :  "Ganun bah?  So paanu nah?  Punta kayo ha?  Magtatampo talaga ako sayo insan.. "

Jacky :  "Grabe sya?  Oo nah..  Pupunta kami promise "

Billy :  "Sige.   Asahan ko yan ah?  Sige bye na insan"

Jacky :  "OK..  Bye.. "

JACKY POV

       Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos namin mag-usap ni kuya Billy..

       Malamang wala na akong choice nito kundi ang pumunta..  Ayuko kasing makita si Bella..  Baka anu lang magawa ko sa kanya..   Iisipin ko nalang na pupunta kami para sa magiging pamangkin ko. 

     Dumaan kami ulit ni Vice kina Ate Anne after Class..

Anne :  "Oh Tol?  Napadalaw ulit kayo? "

Vice :  "Oo Tol..  Gusto lang namin sabihin sayo na pupunta kami ni Jacky sa Baby shower.  Ikaw bah?  Sama kana Tol? Sama naman si Mika eh?  Sige nah? "

Anne :  "Nagdadalawang isip talaga ako Tol eh.. "

Jacky :  "Sige na ate Anne?  Hindi tayo magtatagal..  Uwi rin tayo?! "

Vice :  "Oh nga naman Tol?  Sige nah? "

     Wala ng nagawa si Ate Anne kundi ang sumang-ayon samin..  .

     DUMATING AND ARAW ng Baby Shower nina Colleen at Billy..  Personal na sinundo ni Vhong sina Anne, Vice at Jacky..  Kasama si Mika..

Vhong :  "Ikaw na bahala dito Grace ha?  Tawagan mo ako agad Kung sakaling may problema..? "

Nurse :  "Yes Sir.  "

      Bilin nito Sa private nurse na inatasan upang alagaan ang Ama ni Anne...

Anne : "Papa?  Babalik ako agad huh?..  Magpahinga poh kayo.. "

     Pagkatapos ay Tinahak na nila ang daan  papuntang Venue..

VICE POV

     HABANG bumabyahe kami..  Hindi Ko talaga maiwasang tignan ang Girlfriend kong si Jacky..  Grabe!  Ang ganda talaga nya..  Mas lalo lang tumingkad ang ganda nya dahil sa kulay dilaw nitong damit..  Nakakaakit..  Bigla ko tuloy namiss ang mga yakap nya.  Pati ang mapupula at malalambot nyang mga labi..

    Hanggang Kailan kaya namin itatago ang relasyon namin?!  Kung ako lang ang tatanungin..  Gusto kong ipagsigawan sa lahat na girlfriend ko na ang taong Mahal na Mahal ko..  Siguro kasi alam na alam ko na sa sarili ko ngayon kung anung gusto ko at sino ako..  Wala akong pinagsisihan at laking pasasalamat. Kong nahanap ko na ngayon ang aking sarili.. 

    Nang makarating kami sa Venue..  Agad kaming sinalubong ng mag-asawa... Nagkipagbeso.. Ibinigay ko rin ang aming munting regalo para sa Baby. 

Colleen :  "Thank you for coming Guy's.. Thank you brother for picking them up "
Baling nito sa kapatid na si Vhong..

Vhong :  "You're always welcome my dear sister.. 😂 "

billy :  "Insan?  Buti naman nakarating kayo..  Magtatampo na sana ako eh.. "

Jacky :  "Sus.. Ako ang magtatampo kung hindi mo ko inimbita?! "  

Billy :  "Pwede ba naman yun?!  Haha.. "

    NAUPO kami sa isang bilog na mesang naroroon.. Masyadong sosyal kaya nakakailang.. 

    Nasa 8 months na ang baby sa sinapupunan ni Colleen..  Bakas na nga rito ang hirap sa paglalakad dahil sa laki ng Tyan..

    Napansin kong nakaupo si Bella sa may gilid.  Busy ito sa kung anu-anung mga bagay.  Huli ko syang nakita ay noong may nangyari samin dalawa.  Tama ang naging hinala kong iiwas talaga ito sa akin matapos ng mga nangyari..

JACKY POV

     PAGKATAPOS ng speech ng mag-asawa..
Ay nag-excuse ako upang magCR.. 

     Nang nakalabas ako ng cubicle agad bumungad sakin ang nakataas kilay na si Bella.. Man-aasar na naman siguro ito.   Agad tumaas ang dugo ko sa katawan..  As if naman kasing magpapatalo ako sa Kanya?!

Jacky :  "Excuse me "  sabi ko sa kanya..  Nakaharang kasi sya sa dadaanan ko..

Bella :  "You know what Jacky?  May gusto akong sabihin sayo..?!  Pero wag kang mabibigla huh? "

Jacky :  "Anu yun Bella?  Baka nonsense na naman yan ha? Sayang lang ang oras ko.. "
Baling ko sa kanya ng makalagpas na ako..

Bella :  "well..  Gusto ko lang naman kasing sabihin na...... "    sandali itong huminto sa pagsasalita halatang inaasar na naman ako..       "Good kisser pala si Vice noh?  I couldn't Expect na ganun sya kagaling.. "

    Tawang aso ito habang kinakausap ako..  Anung gusto nyang palabasin?  Ang ipaalam sa akin na nag kiss silang dalawa..  Bigla kong naalala ang eksinang sinasabi ni Bella..  Nag-iba tuloy ang mood ko.  Nakakainis talaga.  Wala naba talaga syang ibang magawa kundi ang asarin ako?
Sige Kung yun ang gusto nya ibibigay ko..

Jacky :  "Alam ko... "   mariin kong sagot..

   Nakita ko ang gulat sa mukha ni Bella..  Siguro iniisip nyang nagkiss na din kami ni Vice kaya ko Sinabi yun.. 

Jacky :  "Kung ako sayo Bella?  Stay away from him!!  STAY AWAY TO MY BOYFRIEND!!!  kuha mo? "   diniinan ko ang huling salita para maintindihan nya..

Jacky :  "Excuse me? "

      Iniwan ko syang tulala.  Siguro naman ngayon alam nya nah Kung saan sya lulugar..

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now