61) LOVE THIS WAY 💕

443 9 0
                                    

Chapter Thirteen ( page 61 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Jacky..

       KINABUKASAN Habang nasa exam si Jacky..  Hindi makapag concentrate ang utak nya Sa pagsagot ng mga tanong sa test paper.   Tumatakbo kasi ang isip nya sa kalagayan ng best friend..  Kailangang kailangan sya nito ngunit nandito sya Sa school nagtetake ng exam's.  Kung Hindi lang talaga importante ang exam's ito ay nanaisin nya talaga sanang lumiban.

     Sa kabilang dako naman..  Agad na dinalaw ni Bella ng mabalitaan ang kalagayan ni Vice..

Vice :  "Bella?  Ikaw pala akala ko si Jacky eh. "    dismayadong pahayag nito..

Bella :  "Bakit?  Ayaw mo bang ako ang dumalaw sayo? "

Vice :  "Hindi naman Sa ganun.   Sige pasok ka Bella "

Bella :  "Nagdala ako ng mga fruits para sayo..  Masakit parin ba yang ulo mo? "

Lumapit ito Sa nakaupong si Vice at hinawakan ang ulo nito..  Ngunit umiwas ito at humiga..  Marahil dahil Sa ipinagtapat nyang pag-ibig nong nakaraan..

Vice :  "OK lang ako Bella..  Paanu mo pala nalamang may sakit ako? "

Bella :  "mahalaga pa ba yun? "   lika nga?  Hilotin kita...  

     Pinagpilitan nitong abotin ang noo ni Vice ngunit pinigilan nito ang mga braso nya.. 

Vice :  "OK nako Bella..  Baka dumating si Jacky eh. "

    Biglang nagbago ang ekspresyon Sa mukha ng dalaga..

Bella :  "Bakit ba si Jacky ang hinahanap mo Vice? Andito naman na ako ah? "

     Bumangon Sa pagkakahiga si Vice at hinarap ito.

Vice :  "bat mo ba to ginagawa Bella?  "

Bella :  "Kasi gusto ko... "

Vice :  "Bakla ako.. Alam mo yun diba? Magkaiba tayo ng mundong ginagalawan Bella.. "

Bella :  "Handa akong pumasok Sa mundo mo Vice...   Hayaan mo naman akong maging parti ng buhay mo? "   pagmamakaawa nito..  Habang hawak hawak ng mga palad ang mukha ni Vice..

Vice :   "Bella..  Please..... Hinnnn... "

   Hindi natapos ni Vice ang sasabihin ng bigla syang hinalikan ni Bella..

VICE POV

        Natulala ako habang hinahalikan ako ni Bella..  Para akong malulunod sa sensasyong nararamdaman ko..  May epekto na talaga ang halik ng isang babae sakin..   Napahawak ako sa mga bewang nya..  Gusto ko syang itulak pero hindi ko magawa..  Mas lalo lang humigpit ang kapit nya Sa akin..    Para akong tood na hinahayaang lapastanganin ang mga labi ko .. Good kisser si Bella..  Talagang nakakadala..  Hanggang Sa hindi ko na matiis ang nararamdaman ko..  Hindi naglaon lumaban narin ako ng halikan..  Ginagantihan ko ang bawat kagat nya sa lower lips ko.. Humigpit pati ang hawak ko Sa mga bewang nya..  Pakiramdam ko para na akong sasabog!!!  Tumaas lahat ng init ko Sa katawan..  Nabuhay lahat ng mga dugong dumadaloy saking mga ugat..  Labis labis ang pagnanasang nararamdaman ko Sa pagkakataong ito..  Kinabig ko si Bella pahiga ng kama..  Agad akong pumatong Sa kanya..  Muli ko syang hinalikan..  Sa tenga Sa leeg..  Unti-unting bumababa ang haplos ko Sa kanyang mga katawan..  Kapwa kaming naghahabol ng hininga...  Na tila sabik Sa mga susunod na mangyayari.. 

    Napaungol ako hanggang Sa Hindi ko mapigilang banggitin ang kanyang pangalan...

        "Jacky............ "

    Bigla akong itinulak ni Bella palayo..  Maluha-luha ang mga mata nyang tiningnan ako.. 

Bella :   "How dare you? para gawin mo sakin to Vice?  Nakikipag-makelove ka sakin na iba pala ang taong iniisip mo? "

    Tuloyan ng tumulo ang kanina pang nagbabadyang mga luha ng dalaga.. 

Vice :  "I'm sorry..  Hindi ko sinasadya Bella..  Ikaw ang unang humalik sakin..  Nadala lang ako..  "

Bella :  "Mahal kita Vice..  Handa akong ibigay ang sarili ko sayo.  Ganyan kita kamahal..  But Now I realized..  How could you know my worth Kung iba ang laman nyan Vice?!!"   umiiyak nitong pahayag...

Vice :  "I'm sorry..  "   nakayukong paghingi ko ng paumanhin..

     Matapos ayusin ni Bella ang sarili ay agad na itong umalis.. At hito ako ngayon naiwang mag-isa...  Bakit ko ba pinatulan si Bella...  Sana hindi ako nagpadala Sa ginawa nya.. 

    Nakaramdam tuloy ako ng guilt sa sarili ko..  Alam kong nasaktan ko sya..  Pero Hindi ko yun sinasadya..  Nadala lang talaga ako sa mga nangyari..  Paanu na ito ngayon?  Anu pang paihaharap ko sa kanya ngayon?  Lalo na sa kuya nya?  Mas lang nagulo ang utak at damdamin ko..  Paanu kapag nalaman ito ni Jacky?  Siguradong isa ito Sa mga magiging dahilan para magkaproblema kaming dalawa..  Hindi pa nga ako nanliligaw kanya mababasted na ako eh.. 

    Haaaayss..  Masyado akong naging mapusok..  Alam kong Hindi tama yun..
Nagkasala ako kay Bella m.  Ganun din kay Jacky..  Hindi paman nagiging kami ngunit nagawa ko ng pagtaksilan ang pag-ibig ko Sa Kanya ... Paanu ko paba itatama tong pagkakamaling nagawa ko. 😢😢😢

To be continued.....

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now