28 ) LOVE THIS WAY 💕

442 14 0
                                    

Chapter Nine ( page 28 )
Title : LOVE THIS WAY💕
#closeopen

     ANG NAKASIMANGOT na mukha ni Vice dahil Sa mga nakitang nakakalokang sweet pictures nina Tom at Jacky ay napalitan ng paghanga ng makita si Jacky habang pababa ng hagdan..  Suot ang kulay pulang gown..

    Hindi ito ang unang pagkakataong makita nya si Jacky na nakaayos halos ilang beses na at alam din nyang likas na rito maganda..

   Ngunit Sa pagkakataong ito.. Ngayon lang nya mas na-appreciate ang simple ngunit kaakit-akit na ganda ng best friend..

  Ang mga ngiti ni Jacky na pagkatamis-tamis ay lalo lang nagpapapukaw ng kanyang di maipaliwanag na damdamin..

Vice:  "Ang pretty-pretty mo Jacky 😍"

Jacky:  "Salamat..  Ikaw din ang gwapo-gwapo mo."

Vice:   "Hehe 😂 syempre.  Kailangan pumurma eh.  Chokz lang bah? "

Jacky: "chokz na chokz! " 😀

Vice:   "Nagustohan mo suot ko Jacky? "

Jacky:  "Oo.. Bagay sayo.."

Vice:  "talaga?  Nagustohan ko nga din yang suot mo Jacky  ikot ka nga? "

Jacky:  "😂 haha Shalamat😁"

Vice:  "Bagay din sakin yan.. "  biro ni Vice..

Jacky :  "haha 😂.. Gusto mo e-try? "

Vice:  " Jacky Waaag.. "     
           "Wag mo kong pilitin  ."

Sabay kaming napahagikhik..

Nang bumaba na sina Tita at Tito
Ay umalis na kami at tinungo ang simbahan kung saan mag-iisang dibdib sina Billy at Colleen.. Buti nalang at nakabalik na si Yaya Gracia galing Sa probinsya nila.. Upang magbantay kay Lolo..

   Pagdating namin Sa simbahan meju marami ng tao.. Nandon na din ang groom.. At Hinihintay nalang ang bride.

   Kapansin pansin ang mga usap-usapan..  Kasi hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na bakla ang groom...

JACKY POV

   Napansin kong kanina pa nakatingin si Vice kay Billy.. Tila sinusuri nito ang buong kataohan ng groom..  Siguro masyado lang syang na-amazed dahil ang baklang katulad ni Billy ay magkakaroon na ng isang pamilya.. Soon..

Jacky:  "Gwapo ni Billy noh? "

Vice:  "Mas gwapo kaya ako "

   Nagulat ako Sa sagot ng baklita kong BFF..

Jacky:  "Wow?!  Gwapo ka?  Kala ko ba ganda ka? " hehe..

Vice:  "alam mo Sis?  Panira ka kahit kailan.. Pag may nakarinig sayo naku talaga... "

Jacky:   "oh?  Bat ka napipikon?  Ooyyy? Gwapo daw sya.. "

Vice:  "tsk tsk.. Jacky... Behave.. "

Jacky:  "Ginawa mo naman akong si Moymoy eh.."   ( alagang  aso ni Vice )

Vice:  "Jacky?  Iwas-iwasan ang pagkain ng panis ha?  Iba epekto sayo eh. " hehe

Jacky:  "Grabe sya oh??? ",

Vice:  "pero alam mo Sis..  Tama ka..  Nakaka-amazed talaga ang love story nila..  Biroin mo yun?  Mas mukang baklang bakla pa kaysa sakin pero nakapag-asawa..  Eh di wow diba? "

   Pabulong na sabi sakin ni Vice..

Jacky:  "Posible ba sayo yon? "

   Sandaling nag-isip si Vice..

Vice :  "hmm...?  Posible sakin yun kaso baka hindi ako seryosohin ng babae Jacky.
Ikaw bah?  Posible ba sayo yun? "

   Galing talaga mangback to you tong kaibigan ko ah..

Jacky:   "Wala namang imposible basta bukas yung puso mo.. "

Vice:  "Bukas yung puso mo Jacky? "

Jacky:   "Oo naman "

Vice :   "talaga?  Bukas kasi yung puso ko.. Bukas din yong puso mo.  Sa palagay mo Jacky?  Anu pang bubuksan natin? 😂 haha "   pagpapatawa ni Vice..

Jacky:   "😂 haha 😂  puro ka kalokohan..  Syempre yung nakasara..!  Haha 😂 ",

Napatalon si Vice sa kinauupoan dahil Sa kakapigil ng tawa..

    "Ssshhhhhh...."  saway samin ng isang ginang Sa likod..

Vice:   "wag ka kasi patawa jacky"   sabi ni Vice na pigil na pigil ang tawa..

Jacky:  "wag kasi ikaw maingay.  "

Vice:   "Anu nga ulit yung bubuksan Jacky?"  

Jacky:  "yung nakasara... " pabulong kong sagot..  Hahaha..  Tawanan tuloy kami ulit..

  " Sssssshhhhhh"  sabi nong nasa likod..

Vice:   "Ssshhh" 🙊🙊🙊

To be continued...

    

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now