121) LOVE THIS WAY 💕

399 8 0
                                    

Chapter Twenty ( Page 121 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Isangsuntoklang

JACKY POV

    KINABUKASAN Kahit Hindi pa ako masyadong nakakabawi ng lakas ng katawan..  Pinilit ko na ang sarili kong pumasok.

    Sabay kaming pumunta ng school ni Vice..  Magkahawak pa ang mga kamay namin habang papasok ng campus.. 

    Ewan ko kung bakit feeling famous ang dating namin sa school..  Halos kasi lahat ng mga mata Sa amin nakatingin..  Alam kong punong-puno ng intriga ang relasyon namin ni Vice.  Pero wala na kaming pakialam.. Bahala sila jan.  Basta kami masaya at matatag.. 

   Yun naman ang importante diba?  Yung OK kami at kuntento sa isat-isa.. 

   Pagdating namin sa room..  Agad kami sinalubong ni Launch.. 

Launch :  "My God!!!  Akala ko Hindi na kayo magkakaayos!! "

Vice :  "Pwede ba naman yun?  Hehe. "

Jacky :  "Hmmp.  Sa aming dalawa Sya lang naman yung ma-pride Launch "

Vice : "Babe naman eh? "

Launch :  "Totoo naman ah?  Kaya yang pride2x na yan..  Pangkuskos lang yan sa damit eh? " haha 😂

Jacky :  "Sabon?  Haha 😂 "

Vice :  "OK sige..  Pagtulongan nyo akong dalawa.. "

    Natigil ang asaran naming tatlo ng pumasok na si Ma'am..

    AFTER CLASS

   PALABAS NA KAMI SA ROOM ng magpaalam si Vice Sa akin..

Vice :  "Ahm babe?  Mauna ka na umuwi huh?  Sumabay kana kina Mika?  May
eme-meet lang ako?  "

Jacky :  "Huh?  Saan ka pupunta?  Saan kita hihintayin? "

Vice :  "Ahm..  Hintayin mo nalang sa boarding house ninyo babe? "..

Jacky :  "Saan ka nga pupunta? "

Vice : "Basta.. Tsaka ko na sasabihin huh? I love you? "   

    Hinalikan nya ako pisnge bago sya umalis.

   Naiwan akong takang-taka?  Saan kaya yun pupunta?  Sino naman ang eme-meet nya?  Kainis naman..  Pwede naman kasing sabihin nalang..  Haaaaaysss..

   Anu pa nga ba ang magagawa ko kundi ang mauna ng umuwi..

VICE POV

      SA ISANG Food chain kami nagkita ni Tom.. Mga 10minutes ako naroroon bago sya dumating. 

Vice :  "Akala ko Hindi mo ako sisipotin? "

Tom:  "Gusto rin talaga kitang makausap Vice.. Gusto kong personal na humingi ng tawad sa sayo..  Sa inyo ni Jacky?  Kasalanan ko ang lahat..  "

   Naghanap ako ng hangin Sa katawan..  Baka kasi masapak ko na naman ang isang to pag Hindi ako makapagpigil..

Vice : "Alam mo Kung anung gusto kong gawin sayo ngayon?  Gustong-gusto kitang sapakin..  Gustong-gusto kong basagin yang pagmumukha mo. Pero Hindi ko yun gagawin..  Alam mo Kung bakit? Dahil ayuko ng lumaki pa ang gulo..  Isa pa..  Nagkausap na kami ni Jacky at alam ko na ang lahat.  Ay gusto ko lang malaman ngayon ay Kung bakit mo dinala si Jacky sa motel na yun?  Pwede mo naman syang ihatid sa boarding house nya diba? "

Tom :  "Alam kong malaking pagkakamali ang ginawa ko Vice..  Siguro nabulag lang ako sa subrang pagmamahal ko kay Jacky..  Hindi ko kasi matanggap na ikaw ang Mahal nya? Kaya sinubokan kong gumawa ng paraan para angkinin sya bago pa maging kayo?  Pero maniwala Ka Vice? Walang nangyari sa amin ni Jacky .."

Vice :  "Alam ko...at buti naman Hindi mo itinuloy?  Dahil baka mapatay kita pag ginawa mo yun... "

   Kuyom ang aking mga kamao habang pinapakinggan ang mga paliwanag ni Tom..

Tom :   " I'm so sorry. Kaya nga nagparaya na ako ng tuloyan kasi alam kong wala na akong pag-asa kay Jacky. "

   Kumunot ang noo habang nakikinig sa kanya.

Vice : "Kung matagal ka ng nagparaya?  Sino ang nagpakalat ng mga picture's na yon? May alam ka ba dito?  Sino ang kumuha ng mga picture na yun?  Sagotin mo ako? "

    Nakita ko sa reaksyon ni Tom ang pagdadalawang isip na sabihin sa akin ang totoo..  Kaya mas lalo ko lang napagtantong may alam nga ito..

Vice :  "Sino?  Sabihin mo?"

Tom:  "Si Bella... "

Vice :  "Si Bella? "

    Nagulat ako sa mga narinig.. Paanu nasangkot si Bella dito?

Tom :  "Mahal na Mahal ka nya Vice.. Kung minsan man akong naging desperado..  Pero mas naging desperada sya para lang makuha ka.. Alam ko nagawa nya lang yun dahil sa pagmamahal..  Kaya please?  Sana mapatawad mo rin sya? "

   Galit na galit ang aking damdamin dahil sa mga natuklasan..  Hindi ko akalaing magagawa ni Bella ang mga ganitong bagay.. Sa kabila ng galit at poot na nararamdaman ko ngayon..  Mas nanaisin ko paring maging mapayapa ang lahat..  Sapat na sa akin Malaman ang totoo..  Ang gugustuhin ko lang ngayon ay ang kausapin at harapin si Bella..  Upang itigil ang mga kahibangang ginawa at gagawin nya..

Vice :  "Wag kang mag-alala..  Kung anu man ang pinag-usapan natin..  Atin nalang to..  Ayuko ng ipaalam pa sa girlfriend ko na pinagtangkaan mo sya at si Bella ang may kagagawan ng pagpapakalat ng pictures.   Mas makakabuti Kung Hindi nya Malalaman ang lahat..  Dahil siguradong magkakagulo.. "

Tom :  "Salamat Vice. Kahit papanu nabunotan ako ng tinik sa dibdib.. "

   Tumango lang ako..

Tom:  "Tsaka sana..  Wag pababayaan si Jacky? Wag mo syang sasaktan..? "

Vice :  "Makakaasa ka.   So paanu?  Palagay ko wala na tayong pag-uusapan.. "

  Pagkatapos kong uminum ng soft drinks.. Tumayo ako saking pagkakaupo

Tom:  "Sige... "

Vice : "Aalis na ako?  Pero?  Bago ako umalis? Hayaan mong gawin ko to? "

   Kunot noo nya akong tiningala.. At takang nagtanong...

Tom:  "ang alin? "

Vice :  "ito? "✊

    Ipinakita ko ang aking kamao at malakas ko syang sinuntok sa panga...

    Halatang nagulat sya sa aking ginawa..  Kaya hindi ito agad nakabawi..  Umalis na ako pagkatapos ko ginawa ang bagay na yun..

   Wala naman yata itong balak gumanti dahil nanatili lang ito sa kanyang kinauupoan..

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackOnde histórias criam vida. Descubra agora