26) LOVE THIS WAY 💕

492 13 0
                                    

Chapter Nine ( page 26 )
Title: LOVE THIS WAY 💕
#Pushpamore

JACKY'S POV

PAGDATING ko sa bahay Nadatnan ko silang Naghahaponan..

Tita Amy: "Oh Jacky? Nandyan kana pala? Halika na at kumain.. " alok ni tita sa akin..

Bineso ko si Tita at nagmano ako kay Lolo.

Jacky: "Hala Tita. Busog na ako eh. Galing ako kina Tita Martha. Di ko napigilang mapakain dun eh. "

Tita Amy: "Oh sige. Maghimagas ka nalang.. " umupo ako at kumain nlang ng Fruit salad..

Jacky: "Tita? Kamusta na pala si Lolo? Parang nangangayat ah? Lolo? Kumain ka kasi ng madami huh? "

Tita Amy: "mas lalo lang nag-uulyanin ang Lolo mo Jacky..

Malungkot kong binalingan ang Lolo ko na parang batang paslit na patuloy Sa pagkain.. Sumusulyap-sulyap na lamang ito Sa akin.. Nakaramdam ako ng awa para sa Lolo ko. Bigla kong namiss ang Lolo kong masiyahin. Takbohan ko Sa mga hinanakit ko Sa aking mga magulang .

Alam kong Ginawa ni Mama ang lahat para magtarbaho sa ibang bansa para makapagtapos lang ako ng pag-aaral.. Pero noong nabalitaan namin na nagkaroon pala sya dun ng karelasyong hapon.. Unti-unti na akong kinalimotan ni Mama..

Nawalan na nga ako ng Ama. Pati ba naman Ina mukang mawawala narin sakin..

Noong una nagpapadala parin sya pero nong ibinuntis nya na ang magiging kapatid ko natigil na ang pagtustos nya sakin at ipinasa nya ang responsibilidad nya Sa akin at kay Lolo kay Tita Amy..

Noon...
Paminsan-minsan nalang ang pag-uusap namin ni Mama hanggang Sa kahit minsan wala na talaga.. Di ko na tanda Kung kailan kami huling nagkausap basta one year na yata ang nakalipas.. Ganun nya ako katagal tiniis.. Haaays.. 😕

Laking pasasalamat ko dahil nanjan Sina Tito at Tita para alagaan kami ni Lolo. Ang laki ng naging utang na loob ko sa mag-asawa.. Kaya pinagbubuti ko ang pag-aaral para sa kanila.

Isang malalim na nuntong hininga ang pinakawalan ko..

Habang kumakain ay may nabanggit sakin Si Tita.

Tita Amy : "sya nga pala Jacky? Kailangan mong sumama sakin bukas sa fashion designer kasi baka hindi kasya sayo yong gown na pinagawa para sayo.. Naku.. Paanu na baka magmukhang ibus ka. Eh parang tumaba kapa man din.. "

Jacky: "poh? Anu meron tita? Na-Shock ako ah.. "

Tita Amy: "Naalala mo ba yung pinsan mong si Billy? Ikakasal na sya!! At isa ka sa mga Maid of honor "

Jacky: "Wooooh?? Di nga poh? Totoo? Eh bakla yun diba? How come na??? Magpapakasal? " gulat kong reaksyon syempre..

Tita Amy : "exactly!! This coming Friday na ang kasal nya.. At ganun ka-Rush ang kasal nila ng mapapangasawa nyang si Colleen.."

Jacky: "Grabe naman.. Agad-agad poh? "

Tita Amy: "Nagdadalang tao na kasi si Colleen kaya kailangan madaliin.. Ayaw ng mga magulang nito na malaki na ang tyan ng anak nilang maglalakad sa altar "

Jacky: "Ahh OK.. I see.. Pero grabe . Hindi parin ako makapaniwalang ikakasal si Billy? Mas bakla pa yun kay Vice eh? Mmyyyy gossshhhh!!! " bigla akong naloka.

Tita Amy: "Sinong Vice? "

Jacky: "Ahhh.. Wala po tita.. Kaklase ko lang.. "

Tita Amy : "Aah OK.. Sabihin mo pala kay Jose Marie ha na pumunta sya.. Para naman May kasabay ka. Baka kasi mauuna kaming uuwi ng Tito mo Nyan. Anu ba naman kasi nagkasabay pa Sa kasal nina Billy ang libing nong matalik na kaibigan ng Tito mo ...

Jacky : "OK poh Tita. "

VICE POV
Nag-papahinga ako Sa Kwarto habang katabi ko si moymoy.. Nang biglang magring ang cellphone ko.. "Hello? "

Jacky: "hello Vice? Nasan ka? "

Vice: "nasa kwarto. Bakit? "

Jacky: "labas ka muna Sa terrace please.. "

Dahil magkatabi nga lang ang bahay namin.. At halos dalawang dipa lang ang pagitan ng mga terrace ng bahay namin ay dun kami madalas tumatambay ni Jacky.. Kapag meron kaming mga di maputol-putol na chikahan..

Paglabas ko nakita ko agad ang mga matamis na ngiti ni Jacky..

Vice: "inaantok nako Sis. "

Jacky: "May kukwento ako sayo kasi.. "

Vice: "baka mahaba yan huh? "

Jacky: "naalala mo ba yung pinsan kong si Billy? "

Vice: "Oo.. Yong laging nananalo Sa Ms. Gay? Bakit? "

Jacky: "Alam mo Bang ikakasal na sya? "

Tumawa ako ng malakas. Hinayupak talaga magbiro nitong kaibigan ko kasi. Corny ng jokes bah.

Jacky: "hoy. Bat ka tumatawa?! "

Vice: "kahit corny pero havey na ang jokes mo ngayon Sis ah? Si Billy? Haha 😂 Na pinsan mo? Haha 😂 Na bakla? Haha 😂 Ikakasal? Haha 😂 "

Jacky: "Sira!!! Totoo nga!! At ito pa huh? Makinig ka. Kaya sila ikakasal kasi magiging daddy na sya!!! Oha? Oha? Diba? Ang galing nya? "

Napanganga ako.. Di pala yun joke?

Vice: "as in? "

Jacky : "sureness "

Vice: "Kalokohan"

Jacky: "Malay mo ikaw din gumaya kay Billy? Heheh. 😂 Magpapatumba talaga ako ng baka Sis..!

Vice : "tigilan mo ako Jacky huh.. "

Jacky: " punta tayo nyan huh? Para naman ma-inspired ka.. Malay mo? Pag nakita mo yung kalahi mong ikinakasal mataohan ka? Haha 😂 "

Vice: "Alam mo Sis? Bakit ba push na push kang magpakalalaki ako huh? Sa lahat lahat ikaw yong May alam ng pagkatao ko diba? "

Jacky : "Kasi gusto kong makita kang masaya.. "

Vice: "Masaya naman na ako sa ganito.. "

Jacky: "Gusto mo kiss kita? Baka kailangan mo lang ng exercise para tuloyan ka ng maging buo? Hehehe.. "

Baliw talaga tong kaibigan ko. Alam kong nagbibiro lang sya.. Pero bakit parang gustong lumabas Sa mga bibig ko ang salitang Oo?

To be continued....

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now