93 ) LOVE THIS WAY 💕

440 12 0
                                    

Chapter Seventeen ( Page 93 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#SuperIntense

     ILANG SANDALI ay dumating galing sa pamamalengke sina Bella at ang Ina ni Vice..

    Nagpresenta naman si Jacky na tumulong sa kusina. Gaya ng lagi nyang ginagawa..  Bago sya nagpunta dito isa lang ang nais nya yun ay ang manatili Sa tabi ng nobyo.  Pero dahil sa mga nangyari..  Mas pinili na muna nyang dumistansya rito upang maiwasan ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa.. 

JACKY POV

      Sinamahan ko hanggang sa kusina sina Bella at Tita..

Jacky :  "Anu pong Lulutoin natin Tita? "

Tita Martha :  "Anu pa eh di ang paborito ninyong dalawa! "😀

    Nakangiti lang ako habang sinusulyapan ko si Bella..  Anu ka ngayon Bella?  Paborito ko at paborito ni Vice ang Lulutoin... Ako parin ang girlfriend!!  Kaya sampid ka lang dito!!  Natawa tuloy ako dahil sa Kung anu-anu tumatakbo Sa isip ko..

Bella :  "Naku Tita  . OK na OK!!!  Kasi lahat na po ng luto nyo eh paborito ko nah..  Hehe..  One day palang ako dito pero parang nagkaka-baby fat na ako..  Hehe "

Jacky :  "Talaga?  Kahapon kapa dito? "   tanong ko sa Kanya.. Nanggigil ako bigla ah.. Tinangoan lang ako ng loka.
So ibig sabihin pala talaga dito sya natulog?  Magkasama sila buong gabi ng boyfriend ko!!!  Bwesit.   Jacky kalma..  

Tita Martha :  "Abah..  Dahil sa mga luto ko eh Dito na inlab sakin ang asawa ko..  Kaya dapat tayong mga babae bilang ilaw ng tahanan obligasyon nating busogin ang mga asawa't anak natin..  Hehe..  Kaya laking pasasalamat ko at si Jacky  ang naging nobya ni Utoy.  Aba eh..  Sigurado akong Hindi mangangayayat ang anak ko.dahil sa masarap din magluto tong mamanugangin ko.  "😂😂

     Haha 😂 😂 😂..  Bumukadkad yung atay at balunbalunan ko ah..  Sa kabila ng badtrip ko..  Buti nalang napapagaan ang loob ko sa mga papuri ni Tita..  Nagkaroon ng saya sa puso ko..  Kung pwede ko lang e-voice out ang nasa isipan ko sigurado mag-aapoy si Bella sa galit.. Pero ngayon alam kong nanliit ito bigla sa sarili nya..  Kasi Hindi naman sya marunong magluto!!  Puro lang prito ang alam..  Kung alam lang ni Tita na may pagtingin tong si Bella sa anak nya..  Hindi siguro nito sasabihin ang ganun.  Haha...!!  Kahit Hindi na ako magsalita lumalabas parin ang Totoo..  Ako ang girlfriend!!!  Ako Lang!!!!

Jacky :  "Tita Talaga?  Mabola?  May pinagmanahan ang lablab ko eh..  Haha 😂"

Mama Martha :  "Aba.   Pa-humble..  Hehe..  Sya sige..  Mga anak pasuyo na muna ako sa paghiwa ng mga sahog ha?at ng sa ganun lulutoin ko nalang mamaya .. At akoy maliligo muna.  Parang dumikit ang amoy ng palengke sa katawan ko eh. "

Bella:  "Sige po tita!!  Kami na po bahala. "..

   A-ha?  Talagang gusto nyang makipagkumpitensya sakin huh?  Grabe din talaga ang fighting spirit ng babaeng to.

Jacky : "OK po Tita.  No prob... "

   Magkaharap kaming dalawa habang nagbabalat sya ng sayote ako naman ay naghihiwa ng sibuyas,bawang at luya. 

Bella :  "Ang lakas talaga ng dating ko sa nyong dalawang magjowa noh? Wala pa nga akong ginagawa huh..  Nag-aaway na kayo.. "    anitong may halong nakakalokong ngiti. 

Diniinan ko ang bawat paghiwa.

Jacky :  "Sa tingin mo bah masisira mo kami?  Nagkakamali ka. "

Bella :  "Huh?  Talaga lang ha?  Kaya pala ang cold nyo sa isat-isa..  😂"

   Bwesit... Baka ikaw matadtad ko mamaya  Bella... Andito na naman kami..  Inaasar na naman nya ako..  Jacky kalma.. 😶

Jacky :  "Gumising ka nga sa katotohanan Bella?  Bakit ba Hindi mo matanggap na ako ang mahal ni Vice? "

Bella :  "Dahil una syang naging akin.... "

Jacky :  "Nahihibang kana...  "

Bella :  "I don't care.  "

       Woo-hoo Kung pwede lang makapag teleport..  Dadalhin ko talaga ang babaeng to sa desyerto at dun kami magsasabunotan..  Pasalamat ka talaga Bella..  Marunong akong lumugar dahil Kung Hindi matatamaan kana talaga sa akin..

Jacky :  "Obsessed kana talaga Bella..  My God!!! "

Bella :  "Tsk. Takot ka lang? "

Jacky :  "Ako takot?  Huh...  Bakit naman ako matatakot? Hindi mo ba nakikita?  O nagbubulagbulagan ka Lang?  Boto sa akin ang parents ni Vice..  I am his girlfriend and he is my boyfriend!  Gising-gising din pag may time Bella.. "

     Kapwa mahina lang ang boses namin Habang nag-uusap..  Ngunit mariin at nakakapaso ang bawat bato ng salita..

Bella :   "OK?!  Let's say.  Boyfriend mo sya..  Girlfriend ka nya?  I knew it OK?  BUT?  Yes?  Sa ngayon...... kayo?  Haha... Did you think magtatagal ang relasyon ninyong dalawa?  We both knows Jacky that the
two of you have an issue!! Sa relasyon nyo? Kaya mo ba syang ipagtanggol?  Kasi Kung Hindi..  I can handle it all Jacky..  ? "

Jacky : "what a Stupid thought  Bella.... ?Mahal ko sya.... "

Bella :  "Sa tingin mo sapat na yon?  Fight for it Jacky?  And I will fight it on my own. .."

    
    Bullsh*t Bella...  Saksakin kaya kita ng matigil kana? Baka Hindi ako makapagpigil mabalatan kitang buhay.

Jacky :  "KAHIT NAMAN AGAWIN MO SYA?  BABALIK AT BABALIK PARIN SA AKIN YUN... "

To be continued....

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackOnde histórias criam vida. Descubra agora