166) LOVE THIS WAY 💕

384 10 0
                                    

Chapter Twenty-seven ( Page 166 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Kapatid

JACKY POV

    Kasalukoyan naming binabaybay ni Vice ang kahabaan ng daan.. Sa gilid ng aking mga mata..  Ramdam ko ang Hindi maipaliwanag nitong nararamdaman..

   Curious ako kasi sabi nya meron daw kaming pupuntahan?  Hindi ko na sya kinulit Kung saan kasi napaka seryoso nya at halatang malalim ang kanyang iniisip..

  Nanatili na lamang akong tahimik habang  tinatanaw ang nadadaanan naming tanawin..  Ang alam ko lang nasa labas na kami ng syudad ng Davao?  Saan kaya talaga kami pupunta?  Haaays. 

   Ilang minuto pa ay nasilayan kong papasok na kami Sa isang Memorial Park...

   Anu to?  Kinilabotan ako bigla dahil sa napakatahimik na lugar.. Nilingon ko sya pero bakit parang may pumipigil sakin ang magtanong..

Vice :  "Ready ka na ba? "

Jacky :  "Ready saan? bakit tayo nandito?"

   Sa wakas nakapagsalita rin ako..

Vice :  "Basta Babe?  Anu man yung mga matutuklasan mo? Nandito lang ako ha?  Mahal na Mahal kita... "

   Bigla akong kinabahan..  Wala akong kahit kunting idea sa mga mangyayari.  Ngunit may parti ng aking puso na nananabik malaman Kung anu man yun?

   Inalalayan nya akong bumaba ng Kotse..
Ewan ko pero parang biglang nanghina ang mga tuhod ko..  Sa di kalayuan..  Tanaw ko ang magkapatid na si Ate karylle at Macoy. 

   Sinulyapan ko si Vice pero nanatiling nakaurong ang dila ko..

Vice :  "let's go babe? "

    Para akong musmos na batang sumunod sa kanya..

    Ramdam ko ang di maipaliwanag na ekspresyon ng kanilang mga mukha ng makalapit na kami Sa puntod Kung saan sila nakatayong magkapatid..

   Gusto kong magsalita pero wala akong mahagilap na sasabihin..

  Kundi ang tingnan ang puntod na nasa aking harapan

   Halos madurog ang puso ko ng mabasa ang pangalang nakaukit sa lapeda..

   Lorenzo Cruz III

   Nanlambot  bigla ang mga tuhod ko.. Naramdaman ko ang paghaplos ng mga palad ni Vice saking Likoran..

  Ngunit tuloyan na ngang bumugso ang luha saking mga mata..

   Ang lalaking nang-iwan sa amin ng aking Ina? Ang lalaking ipinagpalit kami Sa isang sopistekadang babae? At ang lalaking kinamuhian ko sa mahabang panahon.. Ngayon?  Nasa ilalim na ng mga lupang kinatatayuan ko ngayon!!?  Huhuhuhuh 😭😭😭😭😭

   Bigla akong niyakap ni ate K..

  Umiiyak din sya?

Karylle:  "Mahal na Mahal ka nya Jacky..  Alam ko Mahal na Mahal ka nya.  "

  Gusto kong damhin ang kalungkotan sa mga nalaman ko pero Nagulohan ako bigla sa mga narinig ko mula sa kanya.  Kilala ba nya si Papa para sabihin nya yun?

  Hinarap nya ako Habang pinapahiran ang kanyang mga luha..

Karylle:  "Alam ko... Mahirap tanggapin Jacky pero...  Ito na nga?  Wala na si Papa..  Matagal na syang wala..  Almost 10 years ago.. "

   Mas lalo tuloy akong nagulohan!!!  Iyak lang ako ng iyak!!!  Hindi ko alam Kung anung nangyayari!!  Anu bang pinagsasabi Nya?

Karylle:  "Si Macoy at ako? Kami ang mga anak sa unang asawa ng Papa.. "

    Napaawang ang aking mga labi..  Totoo ba to?  Tama ba ang pagkakarinig ko?

Karylle:  "Magkapatid tayo sa Ama Jacky? Ate mo ako?!  Mga Kapatid mo kami ni Macoy.."

   Mas lalo lang akong natameme Sa mga narinig ko!!!

   Hindi ito maaring mangyari!!!  Anung ibig nyang sabihin? Kung magkapatid kami?  At Kung sila ang unang mga anak?eh di  Sila ang unang pamilya?  So anu kami?  2nd family?!  Kabit ang Mama ko?!!!

   Hindi!!!  Hindi yun Totoo!!!

Jacky :  "Hindi kabit ang Mama ko... Wala akong kapatid... "

   Mariin kong sabi sa Kanya..

Karylle:  "Jacky? Hindi yun ang point ko?"

Jacky :  " Pero yun ang lumalabas!!Hindi   Kabit ang Mama ko? Naiintindihan mo? Hindi yan Totoo!!  Nahihibang kana?!  "

Vice :  "Babe?  Please listen? "

Jacky :  "Nooooo!!!  Kayo ang makinig OK? Mabuting tao ang Mama ko... Hindi nya magagawang manira ng pamilya ng may pamilya!! "

Karylle:  "Pero Mga kapatid mo kami? Iisang dugo lang ang nanalaytay sa atin? Please maniwala ka? "

Jacky : "Hindi....!!  Wala akong kapatid!!!  Wala!!! "..

    Hagulhol akong tumakbo palayo sa kanila..  Dala-dala ang bigat ng aking nadarama.. 

Vice : "Babe? Sandali lang..  Babe? "

   NAIWAN ANG DALAWANG magkapatid sa puntod ng kanilang Ama..

Macoy :  "Anu ba yan ate?  Don't tell Me?  Ipagpipilitan mo paring mabuo tayong magkakapatid? "

Karylle:  "Macoy?  Yun ang gusto ni Papa? "

Macoy :  "Pero Ayaw nga nya tayong tanggapin diba? "

Karylle:  "kapatid parin natin sya? "

Macoy :  "Tsk... Dapat nga sila mahiya eh?  Kasi naging kabit yung Mama nya?!  Hindi mo ba naisip ate?  Ang daming nawalang oras at panahong makasama natin si Papa dahil sa kanila!!! Kaya Kung ayaw nya tayong tanggapin bilang kapatid nya?  Eh di mas lalong ayaw ko!!! "

To be continued..

  

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now