155) LOVE THIS WAY 💕

320 7 0
                                    

Chapter Twenty-six ( Page 155 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Palaisipan

VICE POV

      HINDI KO Talaga maintindihan si Jacky..  Bakit nya naman iisiping inaatupag ako ni Karylle?  Nagmamalasakit lang naman yung tao ah?  Haaaays..  Minsan talaga ang babae mahirap intindihin..

    Halos whole day ko rin inisip ang pagseselos ng aking Asawa..  Siguradong malamig na naman ang pakikitungo nito sa akin mamaya..

   Nakasakay ako ng elevator paakyat ng 5th floor Sa Condo Unit namin.. Paglabas ko ay kunot noo kong tiningnan ang lalaking kausap ni Jacky sa di kalayoan..

   Biglang nag-init yung tenga ko..  Kaya binilisan ko ang paglalakad..

Vice :  "Sino yun? "

Jacky :  "Ahhh..  May tinatanong lang.. Bago yata sya dito sa building.. "

Vice : "Wag ka ngang Kung sinu-sino ang kinakausap Jacky?  Hindi natin alam masamang tao na pala ang kausap mo "

Jacky :  "Teka?  So ibig sabihin mali yung ginawa ko?  Kawawa naman yung tao. Kanina nya pa hinahanap ang room nya? "

Vice :  "Wala naman akong sinabing ganun ah? "

Jacky :  "Eh diba yun naman ang ibig mong sabihin diba? "

    Ayukong makipag-away sa kanya kaya imbes na Hindi sana ako pupuntang bar ay minabuti ko nalang na magbihis ulit para umalis..

Jacky :  "Saan ka pupunta? "

Vice :  "Ayukong makipag-away sayo babe..?  Kaya hayaan mo nalang akong tumugtog tonight OK? "

Jacky : "Eh Kung ayukong pumayag ha? "

Vice : "Babe please? "

Jacky :  "Minsan nga lang akong humiling sayo hindi mo pa ako pagbibigyan? "

     Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko..

    Nanatili lang akong nakatayo Sa harap ng pinto na hinarangan naman ni Jacky..

Jacky :  "Anu?  Pipiliin mo parin bang umalis tapos iiwan mo akong malungkot dito huh?"

Vice : "OK...  Hindi na ako aalis..  "

    Umupo ako sa kama at isa-isang tinanggal ang aking sapatos. 

   Inaalala kong tyak na maghihintay sakin si Karylle sakin sa bar..  Pero di ko naman kayang suwayin ang gusto ng Asawa ko..  Eme-message ko nalang sya. 

JACKY POV

     NAKAHINGA AKO ng maluwang dahil kahit may mga hindi kami pagkakaintindihan ay mas pinili parin ni Vice na manatili saking piling.. 

  Kapwa kaming nakatihaya ng higa Sa kama..  Walang imik na nakatingala sa kisame... 

   Nagpapakiramdaman ang aming mga katawan Kung sino ang unang kikibo.

   Sa gilid ng aking mga mata ay napansin kong sinulyapan nya ako ng tingin..  Ewan ko pero parang gusto kong sya ang unang yumakap sa akin.  Kaya naman dahan-dahan akong tumalikod ng higa.

   Ilang minuto lang kami Sa ganong posisyon ng maramdaman ko ang init ng katawang yumakap sa akin.  Haha.  Napangiti ako kasi Hindi ako nabigo sa gusto kong mangyari.

Vice :  "Babe? "

Jacky :  "Hmm? "

Vice :  "I love you? "

Jacky :  "hmm... "

Vice :  "Wala bang I love you too? "

Jacky :  "I love you more? "

   Hinarap ko sya at tinitigan sa mata. 

Jacky :  "I'm sorry?  Di ko napigilang wag magselos? "

Vice : "Babe?  Magselos kana Sa iba wag lang Kay Karylle?  She is a good friend of us OK? "

Jacky :  "OK..  Sabi mo eh.. "

   Niyakap ko sya ng mahigpit..

KARYLLE POV

    NALUNGKOT ako ng matanggap ang message ni Vice.. Na Hindi sya makakarating..  Bigla tuloy akong kinabahan..  Baka naman nag-away sila ni Jacky dahil baka na- miss interpreted nito ang pagyakap namin ni Vice Sa isat-isa..  Ramdam ko kasi ang panlalamig sa mga tinig nya kanina..  Halos di rin sya umiimik ng magpaalam ako sa Kanya..

   Na-guilty tuloy ako.  Pero wala naman akong ginawang masama.. Magkaibigan lang kami ni Vice.  At Kung meron man akong Hindi maintindihang nararamdaman sa Kanya..  Ginagawa ko naman ang lahat para pigilan yun.. Ikakasal na ako at sigurado na ako kay Yael.. 

   Nahinto ang malalim kong pag-iisip ng maalala ang ikaSampung taong pagkamatay ng aking Dad.  Namatay sya sa sakit na Cancer...

    Ilang taon din ang paghihirap nya bago tuloyang sumuko ang kanyang katawan.. 
After two years nyang mawala ay muling nakapag-asawa ang aking Mommy.. 

   Ito ang tumayong haligi ng aming tahanan.  Si Daddy Gerald..  Isang half pinoy, half British..  Minsan ko ng ikinuwento kay Vice ang mga pinagdaanan namin ng mommy at kapatid kong si Macoy.. Minsan rin kaming iniwan ng aking tunay na Ama nong mga bata pa kami..  At sumama sa kanyang kabit.

    Halos gumuho ang mundo namin ng Mommy ng mawala ang haligi ng aming tahahan pero naging matatag kaming mga anak nya kahit na kami ay musmos pa lamang.  Maliit pa si Macoy nun kaya awang-awa ako kay mommy..  Buti nalang nandyan sina Lolo at Lola.  Halos isumpa ko ang aking Ama ng mga panahong yun..  Kaya naman nong sya ay nagbalik sa amin upang itama ang mga pagkakamali ay matagal akong nakapag-adjust..  Kung ako Lang ayuko na sana kaso iniisip ko ang kapakanan ng Mommy..  Isang taon lang ang lumipas ay unti-unti naman kaming siningil ng pagkakataon.  Nagsimulang magkasakit si Dad hanggang sa tuloyan na syang bumigay.. 

    Kahit na ganun ang nangyari.  Nagpapasalamat parin kami dahil bago sya nawala ay napatawad namin ang isat-isa..

    Ngunit isang bagay ang hanggang ngayon ay Hindi parin mamatay-matay saking isipan..  May sinabi kasi si Dad sakin bago sya nabawian ng buhay..  Yun ay ang salitang wag ko raw pababayaan ang mga kapatid ko?  Isang malaking palaisipan parin sakin hanggang ngayon ang narinig ko.. Mga katapatid?  Isa lang naman ang kapatid ko..  Si Macoy lang.. 

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #Vicejackजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें