81) LOVE THIS WAY 💕

425 9 0
                                    

Chapter Fifteen ( page 81 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Luha

VICE POV

   Sa ikaapat nyang atake.   Masasabi kong swerte ko na talaga..  Lumagpas ito sakin at sinipa ko sya mula Sa kanyang likoran.. 

   Mala-hayop itong lumingon sakin matapos masubsob sa damuhan..

  "Talagang Matigas ka ha?? "

   Marahas itong lumapit sakin habang sunod-sunod ang hagis nito sa ere ng panaksak nya.. 

  Napahawak ako ngayon sa braso kong dugoan.. 

   Nasa bingit ako ngayon ng kapahamakan..  Ang daming rumerehistro sa utak ko na paanu na Kung mapurohan ako ng saksak ng taong ito?  Marami pa akong gustong mangyari sa buhay ko..  Naalala ko agad ang pamilya ko..  Si Jacky?  Nakaramdam ako bigla ng Takot.. Hindi pa ako handang mamatay.. 

   Pero sa kabila ng aking takot nanatili akong matatag..  Hindi ako maaring lamunin ng takot ko lalo na ngayong kinakailangan kong lumaban.. 

  Pinulot ko ang Hindi kalakihang tubo na nasa gilid lang ng aking kinatatayuan . 

  Hinawakan ko ito ng mahigpit ramdam ko ang lagkit ng pagkakahawak Ko gawa ng mga dugong umaagos sa braso ko..  Ramdam ko rin ang sakit ng sugatan kong kamay ngunit Hindi ito ang magiging dahilan para sumuko..  Alam kong maya-maya darating din ang tulong na tinawag ni Jacky..  Kailangan ko lang mag-survive. 

  Muling umatake ang kalaban..  Bago pa sya nakalapit sakin ay nasapol sya ng pamalo kong tubo.. Sinapo nito ang dugoan nyang batok.  Napangiwi ang buwang mas lalo tuloy itong naging agresibong mapatay ako..

  Halos ilang beses nya akong muntik ng masaksak sa tyan... Hindi ko akalaing tatagal ako ng ganito sa pakikipagbuno..  Siguro nakatulong rin talaga ang kagustuhan ng Ama ko noong magsundalo ako..  Kaya ko naiilagan ang lahat ng atake nito sakin..  Kaya lang hindi naman talaga kasi ako ganun kagaling gaya ng Ama ko.. 

   Sa ngayon Wala na akong pakialam Kung anung susunod na mangyayari basta ang alam ko gusto kong makaganti sa taong ito?!  Hindi ako makakapayag na bastosin nya ang girlfriend ko!!  Obligasyon kong ipagtanggol ang kapakanan ng taong mahal ko..

   Ilang beses ko rin syang natamaan sa bawat hampas ko pero sadyang may malasa-pusa tong taong to.  Hindi man lang tinatablan.. 

  Naramdaman kong parang biglang nanlalabo ang mga mata ko?  Pilit kong inaaninag ang taong nasa harap ko.  Anung nangyayari sakin?  Hindi ako pwedeng mawalan ng lakas..  Pinilit kong iminulat aking mga mata..  Nakarinig ako ng Kung anu-anung ugong saking tenga..  May mga taong parating.. 

  Unti-unting nawalan ng lakas ang aking mga paa.. Hanggang sa Napaluhod ako saking kinatatayuan..
   Huli kong naalala ay ang narinig kong mahinang boses ni Jacky.. 

   "Babe?  Babe? Babe!!!!!! "😫😫😫😫

JACKY POV

     "Babe?  Babe? Babe!!!!!! "😫😫😫😫
Pasigaw Kong tawag sa Kanya!!

  HALOS Mabaliw ako ng makita ko si Vice na duguan.  Sa pagkakataong ito ay pinagtutuloyan na ng mga kakilala kong tambay ang taong lasing na gumawa ng karahasan samin. May mga tanod naring dumating..  Iyak lang ako ng iyak habang hawak ko ang walang malay kong boyfriend!!

   "Tulong po!!!  Manong!!  Tulong poh"
   😫😫😫😫😫😫😫😫😫😫😫😫😫😫😫

  Nawawala nako saking sarili.
    Ilang saglit namalayan kong nasa loob na kami ng ambulance..  Ang bilis ng mga pangyayari..  Halo-halong emosyon ang nasa aking dibdib..  Halos maubosan na ako ng boses sa kakaiyak.. 

   "Hindi mo ako pwedeng iwan Babe..   Please kapit lang.. Parang awa mo nah.. "

   Bulong ko sa kanya habang hawak ko ang kanyang dugoan ring mga palad..

    Pagdating namin sa hospital.. Agad na inasikaso ang pasyente..  Nanatili nalang akong nakaupo sa may gilid ng pinto Kung saan sa loob nito'y nire-revive ang buhay ng boyfriend ko. 

    Nagulat ako ng may lumapit sakin..  Sina Mika at Dawn..  Hindi ko alam Kung paanu nito kami nasundan sa hospital..  Pero siguro nakarating Sa kanila ang kagulohang nangyari kanina kaya nila nalaman. 

Dawn:    "Jacky? Anung nangyari? "   bakas rito sa mukha ang pag-aalala..  Lalo na't puro dugo narin pala ang mga damit ko..

   Hindi ako sumagot..  Kasi wala lang talaga akong ibang maisagot maliban sa pag-iyak!!!  Walang tigil sa pag-agos ng mga luha ko..  Halos hindi na maubos-ubos..  Napayakap lang ako Kay Mika at Dawn. 

Mika :   "Malalagpasan to ni Vice Friend..  Magtiwala lang tayo sa nasa itaas.."

  Habang hinihintay ang paglabas ng doctor sa silid Kung saan nandun si Vice.   Si Mika na ang nagpresentang tawagan ang mga magulang nito upang ipaalam ang mga nangyari..  Ipanaalam rin nito sa mga barkada namin ang tungkol rito.  Habang si Dawn naman ay nanatili sa aking tabi..  Inalalayan ako saking bawat paghikbi..  May hawak itong isang bottle ng mineral water na Maya't maya akong pinapainum..

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now