82) LOVE THIS WAY 💕

455 12 0
                                    

Chapter Sixteen ( Page 82 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Angkatotohanan

      DUMATING Ang mga magulang ni Vice na labis-labis din ang pag-aalala.. Galit naman ang makikita Sa mga mukha ng Tatay ni Vice

Henry :  "Nahuli na ba ang gumawa nito sa anak ko? "

Jacky :  "Opo Tito..  Kasalukoyan po syang nasa PAPA4.."

Henry :  "Mabuti..  Ikaw iha?  Nasaktan ka ba? "

Jacky :  "OK lang poh ako Tito..  "   mangiyak-ngiyak parin nitong sagot..

Henry:  "Hindi ako papayag na hindi magbabayad ang gumawa nito sa inyo.. Lalong-lalo na sa anak ko.."😡

Martha:  "Papa.. Hayaan na natin ang mga Pulisya.. "

Henry : "Mama?  Baka nakakalimotan mo?  Alagad parin ako ng Batas!! "

  Pagkatapos mag-usap ng mag-asawa lumabas Si Henry at may kinausap sa Cellphone...

JACKY POV

      NASA LIMANG ORAS nang walang malay  Si Vice..  Ngunit kahit papanu..  Gumaan na ang loob ko ng sabihin ng doctor na nasa mabuting kalagayan na ito.. 
    Malalim ang naging hiwa nito braso..  Ganun din ang sugat nito sa tyan..  Buti nalang at walang natamaang internal organs..  Masyadong madami lang nawalang dugo kaya sya nahimatay at hanggang ngayon hindi parin sya nagkakaroon ng Malay..

   Mag-aalasdos na nang madaling araw..  Hindi parin ako dinadalaw ng antok..

   Hawak-hawak ko ngayon ang mga kamay ng Boyfriend ko..  Gusto ko nasa tabi Nya lang ako lagi hanggang sa magising sya..

Martha :  "Jacky Anak?  Matulog ka muna?  Ako na muna magbabantay kay Utoy.. "

Jacky : "OK lang poh ako Tita..  Kayo poh?  Matulog na po kayo.. "

Henry :  "Oo nga Mama.   Matulog Kana at baka tumaas na naman yang dugo mo.. "

Martha : "Haaay naku..  Paanu naman ako nito makakatulog Kung ganito ang sitwasyon ng anak natin.... Utoy Anak?  Gumising ka na? "

Jacky :  "Oo nga Babe?  Gising kana please?  Nandito lang ako.. "     pinisil-pisil ko ang kamay nya bakasakaling maramdaman nya ang presensya ko..

     IKSAKTONG ALA-SAIS  na ng umaga..  Ng dumating sina Launch kasama si Bea..
Para dalawin ang kaibigang si Vice..

Nagbigay galang ang mga ito sa mga magulang ni Vice.. 

Martha:  " Buti naman at napadalaw kayo..  Matutuwa si Utoy nito pag nagising.."

Launch :  "Kagabi pa po sana kami pupunta Tita kaso Hindi ko maiwan mag-isa ang kapatid kong maliit.. "

Martha :  "OK lang yun..  Ang mahalaga andito na kayo.. "

Bea:  "Bat Hindi parin po sya nagigising? "

Jacky :  "Sabi ng doctor..  Maayos na ang lagay nya..  Baka mamaya magigising na sya "   malungkot pero puno ng pag-asang pahayag  ko..

VICE POV

     Halos hirap akong imulat ang aking mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag..  Unti-unti kong naaninag ang mga anino ng mga tao.. Rinig ko rin ang maingay nilang pag-uusap.. 

    Bahagya akong gumalaw pero napaungol ako sa sakit ng aking tyan.  Ganun din saking braso..  Pakiramdam ko bugbog ang buo kong katawan..

   "Anak??  Dyos ko!!  Salamat sa dyos at nagising kana!! "

    Boses yun ng Mama ko.. Pilit kong inaninag ang pinanggagalingan ng boses..  At nakita ko nga ang nakangiti kong Ina..

Vice :  "Ma? "

Mama Martha :  "May gusto ka bang kainin anak?anung gusto mo? "

   Naramdaman kong may dumampi ng halik sa aking kanang kamay kung kaya't idinako ko ang aking paningin rito..

Jacky :  "Babe ko? "     Ang maamong mukha ng girlfriend ko ang syang nagbigay ngiti saking mga labi..

Vice :  "Babe?? "   mahina kong tawag sa kanya..

Papa Henry :  "Anak?  Buti naman nagising kana?   Eh kayo na pala nitong si Jacky eh?  Kung di nangyari ang ganito aba..  Baka magkakaroon na pala kami ng apo eh hindi pa namin malalaman?!   Haha 😂 😂
Pero anak.. Hindi mo alam Kung gaanu mo kami pinasaya ng Mama mo. "

   Natulala ako sa mga nangyayari.. Mukang nagpapasalamat pa itong Erpat ko at nangyari sakin to ah?  Totoo ba to?  Parang nananaginip Lang ako ah..
Hindi Ko alam Kung anung isasagot ko..

Binalingan ko ulit ng tingin si Jacky..

Vice :  "Alam na nila? "

Jacky :  "Oo Babe..  Sinabi ko na..  Nabaliw ako bigla eh.  Ikaw kasi. Masyado mo akong pinag-alala.. "

Papa Henry :  "Huwag kang mag-alala Anak.  Ngayon palang binabas-basan ko na kayong dalawa ni Jacky kaya pagbutihan nyo yang relasyon ninyong dalawa ha? "

Vice :  "Makakaasa po kayo Papa... " ginawaran ko ng halik ang mga kamay ng aking nobya..

Mika :  "Grabe?  Kaya pala ang sweet-sweet nyo lately..? "

   Tsaka ko lang napansin na may mga ibang tao pa pala sa Loob ng kwartong iyon..

Dawn :  "Sabi ko sayo eh..  May something sila..!.. Anyways..  We are happy for both of you..  Lalo na sayo Vice?😂 "

  Samantala tahimik lang si Launch..  Wala syang maisip na sabihin..  Takot kasi ito sa Papa ko.  Hehe.. 😂 maging si Bea speechless din ngunit hindi maitago ang kilig dahil sa mga natuklasan..

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackOù les histoires vivent. Découvrez maintenant