147) LOVE THIS WAY 💕

413 13 1
                                    

Chapter Twenty-four ( Page 147 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Call

VICE POV

     PATAY NA TALAGA!!  Anung gagawin ko?  Sasabihin ko ba sa kanya tungkol dito sa mga iniisip ko?  Nagugulohan talaga ako?  Baka pati sya mapraning sa kakaisip eh?  Pero paanu nga kaya Kung Buntis sya?  Anung gagawin namin?  Paanu na pag-aaral namin?

    Ngayon ko na-realized lahat..At  Hindi ko maiwasang Huwag mapakali.. 

   Paanu na mga Pangarap naming dalawa?  Makakaya ko kayang Buhayin ang aking Mag-ina Sa aking murang Edad?

   Haaay naku?!  Anu ba tong pinasok kong ito? 

   Pero sa kabila ng aking mga pangamba.  Nandoon parin ang excitement na makita ang naging Bunga ng pag-iibigan namin ni Jacky?  Sana naman kamukha ko ang Baby paglabas?  At tsaka sana Baby Boy..  Hehe..  Para Kasing Pogi ng Daddy?🤔 Hehe

   Tama..  Bakit nga ba ako mag-aalala?  Tyak ikakatuwa ng lahat kapag makakabuo na kami ni Jacky? Lalo na Erpats ko!!

   Hindi ko namamalayang ang aking pangamba at pag-aalala ay napalitan ng pananabik.. Magiging Daddy na ako?!  YES!!!!

     KASALUKOYAN akong nagpepreto ng Isda ,  Ulam namin mamayang Haponan. Habang iniwan kong Tulog ang aking nobya sa loob ng kwarto..  Gusto kong makapagpahinga sya kaya Hindi ko na sya ginising. Napansin ko din kasi ang pagiging antokin nya lately..

   Bukas ng umaga ang Byahe namin pabalik samin..

   NagSpent muna kami ng Araw at Gabi sa boarding house upang makapagPahinga..  Tsaka di pa kasi ako maka-get over ng bigla-biglang pagsama ng pakiramdam ni Jacky nong nasa Outing kami eh.

   Napalingon ako saking Cellphone na nasa Mesa ng magRing.. At nang aking Tignan..? Kumunot ang noo ko Kung sino ang tumatawag..  Si Bella?

Vice :  "Hello? "

Bella:  "Hello Vice? "

Vice :  "Napatawag ka? "

Bella:  "Gusto ko lang malaman Kung OK ka? "

Vice :  "Ahm......  OK lang ako.... Ikaw? "

Bella:  "OK lang din naman..  Still Moving on... 😢"

    Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan..

Vice :  "Mabuti... "

Bella:  "Galit Ka pa ba sa akin? "

Vice :  "Kalimotan mo na yun.. "

Bella :  "Si Jacky?  Sana Hindi na sya galit sa akin? "

Vice :  "It takes time Bella? Alam mo naman Kung gaanu sya nasaktan.. "

Bella:  "Naiintindihan ko.. "

   Matapos ang pag-uusap namin ni Bella..  Inilapag ko ulit ang aking cellphone..  Nang bigla naman ulit magRing?

   Napabuntong hininga na naman ako sa pag-aakalang si Bella na naman ulit ang tumatawag.

   Ngunit ng aking mapag-alamang si Karylle pala?  Agad kong sinagot.

Vice :  "Hello Ms. K"

Karylle:  "Hello Vice? Kamusta? "

Vice :  "Ito?  Ayos lang naman ikaw? "

Karylle:  "Ito.. Alone..   Bored sa Condo.. Ikaw? "

Vice : "Ahm..  Dito lang kami sa boarding house.. Kasama ko si Jacky..  Saan pala si Yael? "

Karylle:  "Ayun..  Busy para sa Future naming dalawa. "

Vice :  "Sayang naman..  Puntahan sana kita dyan kaso Babalik na kami bukas Sa amin eh.  Tsaka medyo masama pati pakiramdam ni Jacky kaya nag stay nalang muna kami indoor.. "

Karylle :  "Ahh ganun bah?  Sige?  Baka nakaka-abala ako huh? "

Vice : "Hindi ah?  Ito naman.  Hehe "

Karylle:  "Na-miss lang kasi kita? "

   Natigilan ako bigla sa narinig ko..  Miss nya ako?  Totoo ba yun?  O nabingi lang ako?

Karylle:  "Vice? "

Vice : "Ahh.. Yes?  Hehe  . Talaga?  Miss mo ako? "

Karylle:  "Oo..  Namiss ko ang kakulitan at kabibohan mo. Hehe "..

Vice :  "Haha.. Ganun? ".

   Medyo. Mahaba-haba rin ang pag-uusap namin sa cellphone.. Bagay na namiss ko rin sa kanya..  Mga hagikhik nya..  Mga Tawa nyang nakakadala.

KARYLLE POV

     BAKIT ko nga ba nasabing namiss ko sya?  Nahiya tuloy ako bigla.. Pero ang totoo namiss ko naman kasi talaga sya.. 

    Ang mga joke's at mga Banat nya..  Nakakamiss..  Maging yung mabangong amoy nya hinahanap-hanap ko.. 

   Gusto ko ngang tanungin sa kanya Kung anung perfume gamit nya para makabili ako? Kaso nahihiya naman ako....

    Sa susunod na pagkikita ko nalang sa kanya itatanong..

  Kahit papanu gumaan ang loob kong nakausap ko sya..  Naibsan ang lungkot ko habang nag-iisa Sa apat na sulok ng kwartong ito..

   Halos wala na kasing oras at panahon Para sa akin ang aking mapapangasawa.. 
Bagay na labis kong ikinalulungkot at pilit kong inuunawa. 

   Sinasabi nya naman sa akin na para daw sa aming dalawa ang ginagawa nya kaya naman nagsusumikap syang mag-ipon para sa kasal naming dalawa..

   Ayaw kasi nitong tumanggap ng tulong mula sa mga magulang yun ang paninindigan nya..  Laki sa broken family si Yael kaya naman natuto itong tumayo sa sarili nyang mga Paa.

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now