9) LOVE THIS WAY 💕

520 22 0
                                    

Chapter four ( page 9 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Pushpamore

      LUNCH BREAK.. "Hi jacky 😄" nakangiting bati sakin ni Tom.. Syempre nginitian ko din sya pero plastic lang.  Hahaha..  " Sabay na tayo maglunch pwede?  "  yaya nya sa akin..
    "huh.. Eh sabay ko ang barkada eh sorry..  " tanggi ko naman..  Syempre diba nga iiwasan ko sya? 
     "bakit? Hindi naman kami nangangain ng buhay bakit hindi mo sya pasasabayin? " sabat naman ng bakla Kong beshy.  "para naman makilala namin tong si Tom at ng makaliskisan ng maaga. " dagdag pa nitong biro..  Natawa lang ang binata..  At ang barkada..  "Oo nga Teh..  Pinagdadamot mo tong boylet mo..!!" dagdag biro pa ng isa pa naming baklang kaibigan na si Launch...  Tawanan tuloy kami.  Pati ako natawa narin at wala ng nagawa.. Paanu ko Maiiwasan ang lalaking ito Kung push na push naman tong mga barkada ko..  Ito pang beshy ko kunwari pa eh.. Mas gusto pa nya makasama si Tom kahit hindi kami OK..  Hay naku..  I need air..  Ako na nga lang ang mag-aadjust.. 
    Habang nasa canteen kami..  Pansin ko panay ang sulyap ni Jose Marie kay Tom.  Tama talaga yung hinala ko..  Bet nya si Tom..  Natatawa ako sa isipan ko..  "Patay ka sakin mamaya sa bahay.  Tutuksohin talaga kita" sabi ko sa isipan ko.. 
    So far so good wala naman naging problema.. Kahit ang gugulo ng mga kaibigan ko nakakabilib din pala tong si Tom kasi naman marunong makisama..
    Feeling ko tuloy masusundan pa tong pagsabay nya samin kasi mukang bet nga ito ng buong barkada para sakin..  Bakit ganun?  Hindi pwede to?  Tinitiis lang ba ni Jose Marie ang lahat para sa kaligayahan ko?  Tapos anu?  Ako naman yung dideadmahin nya kasi lihim syang nasasaktan?  Nakakaloka din tong kaibigan kong to eh noh?  Masyadong mapagbigay..  Kailangan talaga namin mag-usap tungkol dito.. Hanggat kaya ko pang iwasan at layuan ang Tom na yun.  Baka mahulog ako delikado..  Eh mukang mabait naman kasi at Hindi lang puro yabang.. 

    To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now