144) LOVE THIS WAY 💕

368 9 0
                                    

Chapter Twenty-four ( Page 144 )
Tittle : LOVE THIS WAY💕
#Kaba

JACKY POV

    YAKAP-YAKAP namin ang isat-isa habang nakahiga sa loob ng Tent. ⛺

    Nandun lang kami habang hinihintay ang pagtila ng ulan..

   Kahit walang kumot at Malaking Jacket lang ni Vice ang nakatabon Sa hubad naming katawan..  Hindi parin kami nakaramdam ng lamig..dahil sa init ng mga katawan naming magkadikit..

   Kapwa kami tahimik habang pinapakinggan ang maingay na pagbuhos ng ulan..

   Nakahiga ako sa kanyang mga bisig habang nilalaro ang maliliit na balahibo sa kanyang dibdib. 

Jacky :  "Babe? "

Vice :  "Hmm? "

Jacky :  "Paanu pag nabuntis ako? "

Vice :  "Hmm..  Pananagotan kita... "

Jacky :  "Paanu pag-aaral natin? "

Vice:  "Ipagpapatuloy natin? "

Jacky :  "Hmm..  Sino magbabantay kay Baby? "

Vice :  "Hmm..  Si Mama?  Hehe .. Teka? Bat mo ba iniisip yan huh? "

    Hinarap nya ako at kinurit ang aking ilong..

Jacky : "Wala lang.. "

Vice :  "Babe?  Nag-iingat naman ako eh?  Kaya wag kang mag-alala OK? "

Jacky :  "Eh paanu yung first time? "

Vice : "Hmm..  Di naman siguro yun babe?  Nagkaroon kana naman diba? "

   bigla kong naalala..  Matagal-tagal na pala ako Hindi nagkakaroon ah?  My God?

Jacky :  "Hindi pa. "

Vice :  "Ha?  Hindi nga? "

Jacky : "Ewan ko..  Basta wala yata..  Tsaka ganito naman lagi menstruation ko..  Abnormal.. "

Vice :   "Ahhh..  OK.  Kinabahan ako dun ah..  "

Jacky :  "Yan?  Gagawa-gawa tapos kakabahan? "

Vice :  "Babe naman?  Bakit ikaw?  Ready ka ng maging mommy? "

Jacky :  "Syempre Hindi pa..  Pero pag nandyan na anu pang magagawa ko? "

Vice :  "Haaays.  Sige na?  Wag na tayo masyadong advanced mag-isip babe? OK?  Hindi yan.  Tiwala lang... Hmmmp"

VICE POV

     HAAAAYS... Ayukong advanced mag-isip kasi sa totoo lang Hindi pa ako handa eh..  Anu kaya ang mangyayari Kung yun talaga ang nakatadha?  Sigurado akong mahihirapan kami ni Jacky kasi di pa kami tapos mag-aral..  Sa totoo lang kinakabahan talaga ako.  Lalo na nong sinabi ng Ali na baka naglilihi ang girlfriend ko..  Tapos..  Takaw nya pa talaga kumain ngayon? Hindi kaya pinaglihian nya yung dinugoang kinain namin nong bumyahe kami?  Patay na talaga..  Iitim ang baby namin pag ganun?  Naku?! 

   Di talaga ako mapakali subra..  Pero ayuko namang ipahalata sa kanya..  Kasi dalawa na kaming mapapraning kapag ganun?  Tapos nalaman ko pang Hindi pa pala sya nagkakaroon? Kung mabubuntis si Jacky Sigurado ako sa unang beses naming ginawa yun? Patay na talaga.. 

   Pinawisan ako bigla sa sumasagi Sa isip ko ah..

  Lord?  Gusto kong maging Daddy pero pwede bang wag muna ngayon? Pwede po bang e-postpone ?

   Haaays..  Kung pwede nga lang sana ganun..

BELLA POV

     Tahimik akong nagmamaneho galing  school..  Meron kasi akong inasikaso at pinasa Sa teacher namin pahabol para makapasa..  Dami ko kasing absences eh. Habang naghihintay ng Green Light.  Bahagya akong napalingon sa gilid ng daan.. 

   Kumunot ang noo kong makita ang naglalakad na si Cardo?  Si Cardo nga ba yun? O baka namamalikmata Lang ako..  Tawang-tawa ako habang pinagmamasdan syang maglakad.  Siga nga talaga ang dating nya..  Pero parang may kabaitan naman yata itong taglay?  Curious ako sa pagkatao nya kaya naman gusto ko syang maging kaibigan..

   Nagulat ako ng may bumusina sa likod..

Nag-green na pala..  Eh di GO!!! 

    Nang nakatawid ako sa kabilang daan hininto ko mismo sa kanyang harapan ang sasakyan..  Sinipolan ko sya kaya napalingon sya agad.

Cardo :  "Oi?! Bella? "  😨

Bella :  "Saan ang punta? "

Cardo :  "Ito pauwi na? "

Bella :  "Maglalakad ka lang? "

Cardo :  "Hindi..  Dun ako sasakay 👉"

Bella :  "Aaah.. Tara?  Hatid na kita? "

Cardo : "Naku wag na?  Nakakahiya... "

Bella : "Tsk.  Sige na? "

Binuksan ko ang front door ng sasakyan..

  Hihiya-hiya pa itong pumasok ng kotse...

Cardo :  "Grabe?  Nakakahiya naman..?"

Bella : "Sus..  Hiya-hiya..  OK lang yan? Pambayad man lang sa panyo mo na siningahan ko..  " haha 😂

Cardo: " Haha...  Joker ka Pala?"

Bella :  "Joker?  Diba baraha yun? 🃏 "

   Haha..  Napakamot lang ng ulo ang kausap ko.. 

Muka namang Hindi talaga sya siga eh?

CARDO POV

    Halos Hindi ako makahinga habang nasa loob ako ng kotse nya..  Paanu kasi ang ganda-ganda nya..  Hindi ko akalaing pasasakayin nya ako sa Kotse nya at ihahatid pa?!  Ito na siguro yung magandang simula upang makipag-kaibigan ako sa kanya..

   Ang totoo kasi matagal ko na syang crush.. Una ko syang nakita nong minsang magkasama sila ni Vice..  Mula noon in-stalk ko na sya sa Social media.. Kaya naman selos na selos ako lagi nun kay Vice..  Kaya nong nagkaroon ako ng time asarin ang Vice na yun..  Hindi ko na pinalagpas..

To be continued
   

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now