4) LOVE THIS WAY 💕

684 25 0
                                    

Chapter Two (page 4)
Title : LOVE THIS WAY 💕
#masamangkaranasan..

Jose Marie POV's
     Pag dating ko sa bahay.  Isang napakalakas na suntok ang sumalubong sa sakin.  Na syang naging dahilan ng pagputok ng aking mga labi..  Suntok dito suntok doon..  Tadyak dito tadyak doon.. 
Tanging hiyaw lang at hagulhol ng mama ko ang naririnig ko habang umaawat kay papa..  Pakiramdam ko namanhid ang aking buong katawan. Nalalasahan ko na ang dugong tumutulo sa ilong at labi ko..  Wala na yata akong maramdamang sakit sa dami ng suntok at sipang sinalo..  Pero ang pinakatumatak na sakit na hanggang ngayun ay dala-dala ko pa ay ang mga binitiwang salita ng aking Ama.. 
    "P✖Tang Ina kang hayop ka!!!  Wala ka ng ibang idinulot sa pangalan ko kundi kahihiyan!!! Wala akong Anak na bakla!!itong tandaan mo huh?  Ito na ang huling araw na mkikita ko ang mukha mong babakla-bakla!!  Magpakalalaki kahh!!  Naiintindihan mo? Dahil sa pesting kuronang ito babakla-bakla ka!!!! " pagkasabi ng Papa nun sabay wasak nya sa munti kong kurona... Nakakapanlumo talaga..  At may pahabol PA talaga linya si erpat..  "isaksak mo to sa sintido mo Jose Marie .  Kung hindi mo magawang magpakalalaki.   Pwes wala kang karapatang Dalhin ang apelyido ng pamilyang to.  Dahil kahit kailan hindi kita ituturing na anak... "
    Ouch..  Madiin na bigkas ng aking sadistang Ama. 

  To be continued....

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now