157) LOVE THIS WAY 💕

318 7 0
                                    

Chapter Twenty-Six ( Page 157 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Bella&Zanjo&Cardo

    SA ISANG TAGONG Coffee shop nagtagpo sina Karylle at ang private investigator na si Niko...

Karylle:  "Anung balita? "

Niko :  "Ma'am? Sa tingin ko malapit na tayo sa katotohanan..  May nakapagbigay Sa akin ng picture na to?  Dating kapitbahay ng kinakasama ng Daddy nyo Sa Cotabato? "

    Masusing tiningnan ni Karylle ang isang lumang litrato..  Ang kanyang Ama ay may kasamang isang maliit na batang babae?  Nakalublob ang mga ito sa ilalim ng tubig. Nasa tatlo o apat na taong gulang palang ang bata sa pictures. 

KARYLLE POV

     Sigurado akong Hindi ako ang batang ito..  Hindi ganito ang mukha ko nong baby pa ako..  Kaya malakas ang kutob ko na ito ang hinahanap kong kapatid.

Karylle:  "Nasaan na daw sila ngayon? "

Niko : "Kung Hindi nagsisinungaling ang nakausap kong nagbigay ng picture na to ay baka nasa Gensan lang sila sa kasalukoyan Maam.. 

Karylle: "Ganun Bah?  Sige..  Ipagpatuloy mo lang ang paghahanap.. "

    Dahil sa Hindi ko naman maaaring kunin pansamantala ang lumang Picture ng Dad kasama ang hinihinala kong kapatid ay minabuti ko na lamang na kuhanan ito ng litrato upang mas masuri ko ang mukha ng batang ito..

   Familiar kasi masyado ang hugis ng mukha nito.  Hindi ko lang matukoy-tukoy Kung sino ang kahawig.  Pero basta..  Mas lalong lumaki ang kagustohan kong makilala ang aking kapatid.

   Anak man sya sa labas ng aking Ama.  Ngunit hindi parin nito maikukubli ang dugong nananalaytay saming buong katawan..  Kaya sana makita ko na ang kapatid kong isa.   At masaya akong malaman na posibleng isang babae ang kapatid ko sa Ama.. Sa wakas.  Maranasan ko man lang magkaroon ng kapatid na babae.

Niko :  "Makakaasa po kayo maam. Na Saking pagbabalik eh mahahanap na natin ang kabuoan ng katotohanang ito. "

Karylle:  "Sige..  Aasahan ko yan.. "..

BELLA POV

     TATLONG TAON na pala ang nakaraan ng makilala ko ang magpinsang sina Zanjo at Cardo..

    At napag-alaman kong kaya pala Hindi sinabi ni Zanjo ang totoong magkakilala kami kasi may lihim pala na pagtingin itong si Cardo sa akin?

   Dumating ang time na talagang niligawan ako ni Cardo pero minabuti kong ipagtapat sa Kanya na Hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon hanggat si Vice parin ang nilalaman ng puso ko..

   Grabe..   Hindi ko lubos maisip at maipaliwanag Kung bakit nga ba Hindi agad mamatay-matay ang pag-ibig ko para kay Vice?  Siguro nga kasi mga bata palang kami mahal ko na sya..  Pero dahil napatunyan kong Hindi talaga kami para sa isat-isa pinipilit ko namang kalimotan sya..  At buksan ang aking puso para sa iba..  Ang kaso lang hanggang ngayon eh Hindi parin makapagpasya ang aking puso't damdamin kong nararapat na nga bang magmahal ako ulit?

ZANJO POV

   NANG MALAMAN ko na ang babaeng napupusoan ng aking pinsan ay ang babaeng sinagip ko sa tulay dahil sa muntikan na nitong pagpapatiwakal ay minabuti kong magpaubaya na lamang.. Total naman kakikilala ko lang kay Bella samantala yung pinsan ko.. Matagal ng may gusto sa dalaga.. 

   Naisip ko na baka marami pa naman akong mahahanap na iba dyan..  Lalo na sa maynila..  Kaya nong bumalik akong maynila agad kong ibinaling sa iba ang aking atensyon.. Pero kahit na milya-milya ang layo ko sa lugar ng Mindanao? Lalong-lalo na sa Davao?  Hanggang ngayon Hindi ko parin maalis sa isipan ko ang mukha ng isang magandang babae na minsang bumihag ng aking puso..  Si Bella..

CARDO POV

    MATAGAL na panahon ko ring hinihintay ang salitang OO sa mga labi ni Bella..  Ngunit hanggang ngayon wala parin talaga eh?  Tinigil ko na ang panliligaw ko pansamantala..  Kasi sabi nya Hindi pa raw sya handang magmahal ulit.. Labis syang nasaktan kahit Hindi naman naging sila ng Vice na yun.. 

    Sa kabila ng lahat..  Naging mas pursigedo akong makamit ang kanyang matamis na OO..  Gusto kong iparamdam sa Kanya na may taong nakahandang mahalin sya ng higit pa sa inaakala nya.. 

   Dahil sa kagustohan kong magustohan nya ay binago ko ang buhay ko..  Natuto akong rumespeto sa mga nakakasalamuha ko..  Tumiwalag narin ako sa fraternity na kinabibilangan ko noon. Maging sa mga maaangas kong mga kaibigan..  Gusto kong bagohin ang tingin ng mga tao Sa akin.. 

   Lahat ng ito ay ginawa ko sa ngalan ng pagmamahal ko kay Bella..

To be continued

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now