24) LOVE THIS WAY 💕

473 16 0
                                    

Chapter Eight ( page 24 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#napapraning

NATAPOS ang isang masayang Linggong bakasyon ng magkakaibigan.. Na Magkahalong katuwaan, tampohan, selosan at lambingan, meron pang Kulitan, asaran, minsan pa'y kalandian ang naging bonding ng magkakaibigan palawan..
Isang hindi makakalimotang karanasan..
Ang baon nila sa kanilang pag-uwi..

Jacky's POV
Habang sakay kami ng Van pauwi.. Tanaw ko ang unti-unti naming paglisan sa lugar Kung saan maraming bagay ang hindi ko makakalimotan..
Ngunit May iisang ganap na laging sumasagi sa aking isipan.. Mga eksinang paulit-ulit nagfa-flashback sa isip ko..
At habang binabalikan ko ang mga alaala yun.. Napapakagat labi nalang ako at pagkatapos ay natatawa.. Ewan ko bah. Siguro kinikilig ako. Basta may kakaiba akong nararamdaman.. Hindi ko akalain na magkakaroon ng ganito katinding epekto sakin ang halik ng best friend ko..
Nasabi ko minsan sa sarili ko na nahihibang na ako at parang ang saklap naman nong umasa ako sa wala..
Sabagay.. Mas mainam na yatang umasa sa wala kaysa umasa sa isang bakla..
Totoo kaya ang kasabihan na yon?

Minsan nga natanong ko sa isip ko Kung May epekto din kaya kay vice yong halik na Yun? O talagang wala lang yun Sa Kanya? Kasi diba Kung ako lang itong nagmumukhang tanga Sa kakaisip ng kiss na yun diba parang ang unfair naman? Huhuhuh.. 😢
Bakit Nya kasi ako ki-niss? Di ako prepared sa mga ganitong feelings..
Ang daya talaga.. Gusto kong malaman Kung affected din ba sya. Pero paanu?
Hanggang kailan ako magiging praning ng ganito?

Haaaaayyyyyssss...

Sinulyapan ko ang natutulog na si Vice.. Actually ngalay na yung balikat ko kasi Sa laki nya talagang walang awa Nya akong ginawang unan. Haaay naku Vice.. Kung hindi lang kita love. Naku...

Opoh. Mahal ko si Vice.. Noon pa man Mahal na Mahal ko na sya.. Bilang kaibigan. Bilang kapatid. Bilang isang taong mahalaga Sa akin..

Siguro.... Kung naging ganap lang na binata tong bakla Kong kaibigan. Marahil ako na mismo ang manliligaw Sa kanya. Hehe.. Oo tunay. Hindi ako nagbibiro. Kasi.. Para sakin. Wala na akong ibang hahanapin sa isang lalaki kundi yung pagiging kumportable ko pagkasama sya.. At patitibokin yung puso ko..
Yun lang. At ganun lang kasimple ang standard ko Sa pagpili ng boy friend..

Sayang nga lang. Parehas kaming pusong babae.

Habang himbing ang tulog ni Vice ay nagnakaw ako ng selfie.. Haha. Ito ang gagamitin kong Pang-asar mamaya kapag nagising sya.

(Click)

Vi-niew ko yung kuha ko. Natawa ako Sa mukha ni Vice.. Nakanganga kasi ng kaunti.. Natigilan na naman ako bigla.. Habang tinititigan ang mga labi nya..

Nasapo ko ang mga bibig ko. Nagulat ako bigla Sa Kung anung sumagi sa isipan ko.. Oh my.. Bakit parang May bahagi ng puso kong gusto matikman ulit ang mga labi ni Vice?

"Hala.. Baliw kana Jacky!!! Wake up! Wake up! " sigaw ko Sa isipan ko.

Pinikit ko yung mga mata ko..

"Erase.. Erase.. Erase... "

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko..

Napasidok ako bigla ng naramdaman kong gumalaw si Vice.. Ipinatong pa talaga nito ang mga kamay Nya Sa may legs ko..

Pakiramdam ko Hindi na ako makahinga.. Para akong naloloka na Ewan..

At dahil naka off shoulder pala ako ng damit. Nakikiliti ako sa bawat dampi ng mainit nitong hininga sa mga balat ko. ..

Lumalakas pati ang kabog ng dibdib ko.

Paanu ko ba matatagalan ang ganitong pakiramdam? Parang hindi na normal tong nararamdaman ko.. Ang gulo-gulo..

Ni hindi ko to naramdaman kay Tom.. Kahit gaanu pa kami kalapit Sa isat-isa never ko to naramdaman kasama sya.

Pero ngayon..

Bakit ko to nararamdaman kay Vice?

Kay Vice na best friend ko..

Kay Vice na para ko ng kapatid..

At kay Vice na isang.....

Gay?

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now