150 ) LOVE THIS WAY 💕

379 12 1
                                    

Chapter Twenty-five ( Page 150 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#ThreeYearsAgo

JACKY POV

     NAPANGITI Ako habang inaalala ang mga panahong nakita ko si Vice na may karga syang baby pag labas ko ng CR.. 

   Nakita ko sa mga mata ng aking nobyo ang kagustohang magkababy kami.. 

   TATLONG TAON na pala ang nakalipas ng mangyaring muntikan na akong mabuntis..  Kahit na nakakapanghinayang pero ganun talaga ang buhay..  Siguro kong nabuntis ako nong mga panahong yun?  Baka parehas kami ni Vice na Hindi nakatapos ng pag-aaral..

    Kaya naman Sa mahigit Tatlong Taong itinagal ng aming relasyon natutunan namin ni Vice na mag-ingat..  Para sa kinabukasan ng aming magiging anak..  Sinikap naming abotin ang aming mga pangarap..

   Isa na pong Marketing Supervisor si Vice sa isang Selling company..  Magkatarbaho kami noon sa isang department pero mas gusto ko kasing tumayo ng sarili kong negosyo.. 

   Sa tulong ng aking Mama Louisa at ng aking nobyong si Vice..  Sa ngayon kasalukoyang ginagawa ang aking magiging munting restaurant ..

   Dahil sa kahiligan ko rin naman ang pagluluto..  Unti-unti kong tinuklas ang mga recipe, nagpatulong rin ako Kay Mama Martha. Upang kumpletohin ang magiging menu ng restaurant..

   Nagka-ayos narin pala kami ni Mama..  Napag-alaman kong kaya pala bigla-biglang Hindi nagparamdam ang aking Ina sa haba-baba ng panahon yun ay dahil nasa mga kamay pala  sya ng aking sadistang Amain..

   Kinontrol nito ang buhay ni Mama at pinagbantaang may mangyayari saking masama dito sa Pilipinas kapag hindi nito sinunod ang mga Gusto.. Kaya naman minabuti nalang ni Mama na putulin pansamantala ang aming ugnayang Mag-ina..

   Sa ngayon..  Kasalukoyang nililitis ang kaso sa ibang bansa.. Dahil sa walang humpay na pananakit at pananamantala ng Demonyong Arabong yun saking Ina. Ngunit dahil nga sa may pera at mayaman ang Arabong Asawa ng aking Ina..  Ay bumagal ang usad ng kaso..

    Sa totoo lang awang-awa ako saking Magulang.  Hindi ko sukat akalaing ganun pala ka tinding pananakit ang dinanas nya sa taong yun!  At talagang nagbunga pa ang ginawang kababoyan ng hayop na yun.. 

   Ang buong akala ko kagustuhan ni Mama ang lahat..  Yun pala ay biktima lang sya ng isang taong walanghiya....  

   Ngunit kahit ganun kalaki ang pagkamuhi ko sa lalaking yun?  Natutunan ko paring mahalin ang aking bunsong kapatid na si Jaho...  Walong taong gulang at kahit laking Saudi ay Natuto parin ito ng salitang Tagalog..

  
    Masaya akong makasama ang aking mga Mahal sa Buhay..
  
   Sa hinaba-haba ng panahon ngayon ko muling naranasang magkaroon ng isang masayang pamilya..  Wala man sa piling namin ang aking Ama..  Nandyan naman sina Mama..  Tita at Tito..  Ang kapatid kong si Jaho..  At syempre ang gwapo kong live-in partner na si Vice.

   Opo.   Maglive-in na po kami ng babe ko..  Minsan man naming lagyan ng pader ang aming pagsasama ngunit mas masaya parin kami kapag magkasama sa iisang bahay kaya naman napagdesisyonan naming tumira Sa iisang Condo Unit. Total naman..  Mahaba narin ang aming pinagsamahan at matibay ang tiwala namin sa isat-isa. 

   Kahit hindi pa kami kasal masikap Kong ginagampanan ang tungkolin ng isang Asawa saking pinakamamahal na si Vice  .

   Dama ko rin ang pagdodoble kayod nito para sa aming kinabukasan..

   Sabado at linggo ng Gabi ay tumutogtog sila ni Ate Karylle sa Gastrobar88 .. O Di kaya Proxy kapag wala si Yael..  Kahit papanu kumikita rin ng malaki ang aking nobyo sa pagkanta..  Kaya naman ang ginagawa ko ay walang humpay na suporta..  Batid ko din naman kasing mahal nito ang musika at Hindi na yon maalis-alis sa kanya..

  Dati rin akong naging Dance instructor..  Sa dance club ni kuya Vhong..  Ngunit pansamantala ko itong gi-nive-up upang ituon ang aking buong atensyon sa pagbubukas ng naming restaurant ni Vice. 

   Laking pasasalamat ko dahil napaka-supportive ng aking Nobyo sa bawat desisyong Nanaisin ko.. Bagay na mas lalo kong hinahangaan Sa kanya.

   Habang tumatagal ang aming pagsasama ay lalo lang akong napamahal sa kanya..  Ang saya-saya ko..  Tila isang panaginip lang ang lahat.. 

    Walang sawa ko itong pinapasalamatan sa poong maykapal na binigyan nya ako ng isang lalaking mapagmahal..  Maalaga at napakalambing..  Sa kabila ng kakulitan  na talaga namang hinahanap-hanap ko..  Hehe..  Kahit araw-araw kaming magkasama nandun parin yung Hindi mawala-walang sweetness ng aking Nobyo..  Ewan ko nga alam eh Kung dapat boyfriend parin ba dapat itawag ko sa kanya..  Kasi nga diba live-in naman kaming dalawa?  Namumuhay kami bilang parang isang mag-asawa..  Hindi man legal ngunit alam naman naming pinapatatag parin kami ng aming pagmamahal sa isat-isa.....

To be continued ...
  

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now