65 ) LOVE THIS WAY 💕

488 19 0
                                    

Chapter Thirteen ( page 65 )
Title :  LOVE THIS WAY💕
#themoment

JACKY POV

        NAGDAAN ang dalawang araw ng skwela ngunit walang Vice ang pumapasok..  Nag-aalala na ako  Maging ang barkada ay nagtataka narin..  Halos Sa akin sila nagtatanong pero wala naman akong maisagot.. Kailangan ko na sigurong lakasan ang look kong puntahan ito Sa boarding house nya.. 

    Best ko sya at baka kailangan Nya ako.   Isasantabi ko muna ang mga hinanakit ko para sa kapakanan ng aming pagkakaibigan..

   Nasa harap ako ngayon ng pinto ng kwarto ni Vice..  Lakas loob akong kumatok..  Ilang sandali walang bumubukas.. Kumatok ako ulit ngunit wala parin.. Kinakabahan nako.  Buong tapang kong binuksan ang pinto buti nalang hindi ito naka lock..

    Nagulat ako sa aking nadatnan..  Nagkalat ang mga basag na salamin sa sahig..  Nagkalat rin ang iilang buti ng beer.. At Sa dulo ng kama Kung saan nakaupo si Vice nakita ko tumungga ulit ito ng alak..  Hindi ako makapagsalita sa mga nakikita ko. Nilingon lang ako ni Vice.. Habang pinagpapatuloy ang paghithit ng sigarilyo.....

Vice :  "Oh Jacky?  Best friend?  Napadalaw ka?  Tara inum? "  alok nito sakin..  Habang inaabot ang bote ng alak sakin.     "Ayaw mo?  Bala ka.. "

Jacky :  "Anung nangyayari sayo Vice? "

    Tumayo ito papalapit Sa akin..

Vice :  "Anung nangyari sakin Jacky?  Tinatanong mo Kung anung nangyayari Sa akin? "       tumawa ito ng pilit.  Bago nagpatuloy sa pagsasalita.        "Wala!!"

Jacky :  "Anung wala? Nakikita ko ba yung sarili mo Vice ha? Kung May problema ka?  Pag-usapan natin wag yung ganito...!!  Akin na yan?  Tama na OK? "

    Pilit kong inagaw yung boteng hawak nya.. 

Jacky :  "Akin na yan? "

Vice :  "ayuko! anu bah?

Jacky :  " sabing akin na yan eh?  Vice please? "

Vice :  "Sabing ayaw ko eh!!  Wag mo nga akong pakialaman!!  "

    Sigaw nito sakin.. 

Naiiyak na ako..  Dahil sa magkahalong emosyong nararamdaman ko ngayon..

Jacky :  "Bakit mo ba to ginagawa Sa akin ha?    Vice ang sakit-sakit nah!! "

   Tuloyan ng bumagsak ang luha saking mga mata..

Vice :  "Talagang masakit Jacky!!  Ang sakit-sakit!!!  Bumalik kana nga dun Sa boyfriend mo!!!"

      Saglit akong napako Sa kinatatayuan habang pinapahid ang mga luha ng pagdadalamhati..

Jacky :  "Vice please?  Best friend mo ako?  Sabihin mo naman Kung anung problema oh? " humuhikbi kong tanong Sa Kanya.

Vice :  "Oo Tama ka Jacky.   Mag best friend tayo...  BEST FRIEND LANG?!!! "

   Lumapit ito sakin at hinawakan ang mga balikat ko.

Vice :  "Mahal kita Jacky?    Ang tagal tagal Kong nilabanan to kasi ayukong mag-iba ang tingin mo sa akin?  Ang tagal kong tiniis ang wag sabihin..  Sinubokan ko minsan pero tadhana na ang pumipigil Jacky.  Hanggang ngayon? Laging May humahadlang..  Tapos ngayon nalaman kong kayo nag ni Tom?  Jacky ang sakit?  Alam mo ba yun? Ang sakit sakit...!!!! "

      Umiiyak na pagtatapat nito.. 

Mas lalo lang bumilis ang daloy ng mga luha ko sa mga narinig.  

Jacky :  "Sinungaling!!! "   sumbat ko Sa kanya..

    Kumawala ako Sa pagkakahawak nya Sa akin..  Nikita kong nagtatanong ang mga mata nya..

Jacky : "Nakita ko kayong naghahalikan ni Bella!!! Paanu mo masasabing ako ang mahal mo?!!! "   galit kong sumbat sa Kanya..

   Nagulat ito Sa mga narinig mula Sa akin..  Marahil hindi nito akalaing alam ko ang bagay na yun..

Vice :  "Hindi ko yun ginusto Jacky?  Maniwala ka.. "

Jacky :  "Hindi mo ginusto?  Pero hinayaan mo?  Vice?  Kitang-kita ng dalawang mga mata ko Kung paanu mo sya hunalikan!!  Tapos sasabihin mo saking hindi mo yun ginusto? "

Vice :  "Jacky maniwala ka..  Nadala lang ako..  Ikaw ang nasa isip ko Sa mga panahong yun Jacky?  Please?  Maniwala ka Mahal kita? "

Jacky : " Alam mo?  Sa lahat ng sakit simula ng makita ko kayong dalawa ni Bella tiniis ko..  Iginapang ko lahat lahat ng sakit Vice!!!  Alam mo Kung anu yung mas masakit pa?  Kasi alam kong kahit ang sakit-sakit na MAHAL PARIN KITA!!!!! "

     Halos bumaha na ng luha sa silid na iyon.. 

    Humakbang palapit si Vice sa akin .. Hindi ko alam pero bakit parang may bahagi ng puso kong magsasabing yakapin ko sya.. 

    Hanggang Sa naramdaman ko ang parang magnet na nagtulak samin upang magyakapan.. 

Vice :   " I'm sorry..  I'm sorry "

   Paulit-ulit nitong sambit sa habang yakap-yakap ako..

    Wala ng salitang may narinig ngunit sa ngayon ramdam naming mahal namin ang isat-isa..  Magkayakap lang kami habang tinutuyo ang Luha saming mga mata..  Yun na yata ang pinakamasarap na moment?!  Yung pagkatapos ng lahat ng sakit at pighati at may isang malaparaisong naghihintay..  Kung saan wala kanang ibang mararamdaman kundi ang wagas na pagmamahal..

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now