35) LOVE THIS WAY💕

444 16 0
                                    

Chapter Ten ( Page 35 )
Title :  LOVE THIS WAY💕
#Neknekmo!

JACKY POV

      Nasa sakayan na kami ni Vice Habang hinihintay ang paimportanteng si Bella.  Haaay naku..  Kaya Kong maghintay Sa wala pero hindi ko kayang hintayin kahit na isang minuto ang Bella na yon.. 

    Nakaramdam na ako ng pagkabagot halos 20mins  na kaming nakatayo ni Vice..  Wala kasing upoan..  Walang asenso yung sakayan samin eh..  Haay naku..  Ang dami naman problema ng earth 🌍 tapos pati tong si Bella poproblemahin ko pa.. 

Jacky :  "tagal paba Yun?  Mauna nalang kaya Tayo? "   inis kong reklamo Sa kaibigan ko.

Vice:  "Jacky naman?  On Going nadaw sya.. "

Jacky:  "Bat ba kasi kailangan nyang sumabay samin? "

Vice:  "Jacky akala ko ba ayaw mo kay Bella kasi mataray sya?  Bakit parang ngayon ikaw tong mas nagpapakita ng pagkasuplada?  Wala naman ginagawa sayo yung tao ah? "

     Eh di Wow!!  Talagang tingin nya sakin kuntrabida huh?  Kainis to!!!

Jacky:  "Oh sige..  Kayo nalang dalawa magsama.."

Vice:  "Oh?  San ka pupunta? "

Jacky:  "Aakyat na ako ng bus..  Hihintayin mo si Bella diba?  Eh di sige mauuna na ako.."

Vice:  "Jacky...  Jacky...  Umaandar na naman yang pagka-childish mo "

    Sabi nito habang sinusundan ang bawat mga hakbang ko..

Jacky:  "Oh bakit ka sumusunod? "

Vice:  "Sis please?  Ayukong mag-away tayo? "

   Tumigil ako Sa paglalakad at nilingon ko sya..

Jacky:  "OK... "

   Nginitian Nya ako ng matamis, dahilan ng pagkawala ng inis ko..   Gumanti rin ako ng isang matamis na ngiti. Na agad namang napawi ng makita ko si Bella..  She is coming..  Whatever  ...

Vice:  "Oh?  Anjan na pala si Bella. "

Bella: "Hi Jose Marie? Hi Jacky?  "

     Isang matamis na ngiti mula kay vice ang sumalubong kay Bella.. Nong nagHi sya sakin.  Plastik ko syang nginitian..  Iba kasi ngiti nya kay Vice tapos sakin parang di-nrawing lang?  Akala nya hindi ko yun napansin..  Neknek nya noh?!

Vice:   "You can call me now Vice Bella OK lang bah sayo yun? "

Bella:    "OK Vice..  Let's Go?  Mukang inip na si Jacky eh?  Nilalamok Kana naman ba Jacky? "    sabi sakin na may kasamang nakakalokong ngiti..

Jacky:  "Hindi lang ako nilamok nilangaw pa kami ni Vice Sa kakahintay sayo. "

     Bahala sya Kung magalit sya sakin basta hindi ako magpapatalo Sa pan-aasar nya sakin. Kung noon tatahimik lang ako at magwa-walk out pero ngayon Hindi ko na hahayaang magpa-api sa Kanya..  Never!!!

    Naramdaman ko ang maliit na kurot ni Vice Sa tagiliran ko.. Siguro dahil Sa sinabi ko.  Bahagya kasing nanhilaw si Bella sa sinabi ko.

Vice:  "pasenya kana kay Jacky Bella huh?  Nagbibiro lang yan.  Hehe.. Mapagbiro talaga tong best friend ko.. "

Bella:   " It's OK vice..  OK nga yun eh. Hindi ko akalaing marunong na magbiro tong si Jacky ah..  Nakakapanibago..  Haha 😂"

   Nang maakyat na kami ng Bus..  Malas namin kasi hindi air-condition ang nasakyan namin..  Baka 1hour padaw bago ang susunod na dadating na rota.. Kaya naman wala kaming Choice.

   Pandalawahan Lang pati ang upuan.. 

Bella:  "Oi Jacky?  Dyan ka nalang Sa kabila huh?  Dito nalang kami ni Vice..  Para magkatapat lang tayo ng upoan "

    Grabe sya pa talaga ang nagpasya huh?  Magkatabi sila ni Vice samantala ako dito alone?  Wala tuloy akong masandalan ng Ulo ko mamaya sa byahe.  Para pa naman akong inaantok. Haaays....  Kainis.. Bakit ba  panira ka nalang palagi sa buhay ko Bella..  Kahit Kailan talaga hindi gagaan ang loob ko Sa Kanya..  Huhuhuh.  

    Ibinaling ko nalang Sa kawalan ang mga paningin ko.. Kailangan ko ng fresh air.. Unti-unting pumikit ang mga mata ko..  Meron kaming apat na oras para bumyahe.  Tiningnan ko ang wrist watch ko.. 1 pm pa pala.. Umidlip ako sandali.. 

After 2hours...

   Napamulat ako ng mata ng biglang nagpreno ang bus na sinasakyan namin.  Nauntog tuloy ako... At napaaray.. 

Vice :   "Jacky?  OK ka lang?  "

    Dali-daling lumipat ng upoan si Vice at tinabihan ako.. "aray. " yun lang ang naisagot ko.  Habang sapo ko ang namumula kong noo..

Vice:  "patingin nga ako?  "

     Kinuha nya yung kamay ko at tiningnan..   Nabigla ako sa sumonod na ginawa ni Vice sakin.   Inilapat nya ang mga labi nya Sa noo ko Kung saan may maliit na bukol.. Naramdaman ko ang init ng hininga nya..  Ganito kasi ang kinalakihan namin noon paman..  Kapag nabukolan yung mga maliliit na bata ganito ang ginagawa ng mga matatanda samin..  Madalas nga ito ginagawa ni Lolo sakin kapag nauuntog ako o nahuhulog dahil saking kakulitan...  Hehe.. 

    Sa totoo lang kinilig ako.  Para akong batang paslit na bini-baby Vice .. Anu ka ngayon Bella?  Neknek mo!!  Sigaw ng isipan ko..  Hahaha 😂 😂 😂

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now