48 ) LOVE THIS WAY 💕

445 8 0
                                    

Chapter Eleven ( page 48 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#intense

JACKY POV

     Maaga akong gumising kasi gusto kong ipagluto ng agahan si Vice..  Alam ko kasing hindi yun masyadong makakagalaw dahil sa kirot na dala ng namamaga nyang kamay..

    Binilhan ko rin sya ng gamot na antibiotics at pain reliever ..

   Masaya akong nagtungo Sa boarding house ng best friend ko at ng makita kong nakabukas ang pinto ay agad na akong pumasok..

Jacky:  "Hello Sis good morning!! May dala akong Break fast for you!! "

   Nagulat ako nang makita ko si Vice kumakain kasama si Bella..  Para akong binuhosan ng malamig na yelo.. 

Vice :  "Oi Sis?  Lika kain pala tayo? Anu yang dala mo huh? "

   Walang ka latoy-latoy kong inilapag ang niluto adobo para sa Kanya..  Para akong nanghihina..

Bella :  "Hi Jacky?  Parang gulat na gulat ka nandito ako ah.. ?"

   Nginitian ko lang sya.. 

Habang binubuksan ni Vice ang aking dala.. Napangiti sya ng maamoy ang adobong manok na paboritong paborito nya..

Vice:   "Hhhhmmmm.. Bago naman nito Sis..  Thank you!!! "sabi nito sabay yakap sakin..

  Napansin kong bahagyang umismid ang mukha ni Bella.. 

Vice :  " Namiss ko talaga tong luto mo Sis. mapapadami tuloy kain ko nito ah.. Hehe ..
Bella?  Tikman mo tong luto ni Jacky.  Masarap yan.. "

Bella:  "Sige... Thanks..  Busog nako eh.  "

   Sinabayan ko nalang kumain si Vice.. Pagkatapos Tinulungan akong magligpit ni Bella.. 

    Nasa harap kami ng lababo ng magsalita sya.

Bella:  "Ikaw na maghuhugas Jacky? "

Jacky :  "Nagtatanong kaba o inuotusan moko? "

Bella:  "Anu ba sa palagay mo ? "

   Napabuntong hininga nalang ako.. Ayukong patulan ang kawalang mudo ng babaeng ito. 

Jacky:  "Kaya ko na to Bella.. Paiinumin ko lang muna ng gamot si Vice.. "

Bella: " ako na Jacky "

    Sabi nito na agad umalis upang puntahan ang nanonood ng TV na si Vice..  Ibinalik ko nalang sa ang atensyon ko Sa mga plato saking harapan.. 

     Narinig ko ang maliliit na tawa ni Bella.. Marahil meron silang pinag-uusapan.

     Pagkatapos kong maghugas ng Plato bumalik ako Sa room.. Sa totoo lang ayaw kong kasama si Bella pero mas ayaw kong iwan si Vice kasama ang bellang ito..

    Nag movie marathon kaming apat .. Inivite namin si Mika kasi si Dawn umuwi muna Sa kanila kasi weekends..
    Horror ang pinanood namin..  Anabelle.. Nakakatakot..  Napapansin kong grabe Kung makapulupot tong si Bella kay Vice Habang nanonood ..  Nakakaasar talaga.. 

  Pagkatapos ng horror comedy naman ulit ang tinira namin.. Tawa sila ng tawa samantalan ako nganga..? Hindi ko kasi ma-efocus yung atensyon ko Sa pinapanood namin.. Naiinis kasi Sa mga tawa ni bella..  Ewan ko bah.  Ang bigat-bigat talaga ng pakiramdam ko Sa kanya..

   Hanggang sa natapos ang buong maghapon na sila lang ang nag enjoy..

Bella:  "salamat Vice huh?  OK lang bang gumala ako dito every weekends?  Bored kasi talaga Sa bahay..  Buti dito nakakatawa ako..

Jacky :  "wala ka Bang ibang kaibigan Bella na mapapasyalan?  Kawawa ka naman Bella? "    Hindi ko matiis eh.  Gustong-gusto ko na magsalita..

Vice :  "Sis?  Kaw talaga...  Oo naman Bella..   Pasyal ka lang dito kahit kailan mo gusto.. "

Bella :  "Thank you Vice.. Thank you Jacky.. Salamat din sayo mika..  I'll go ahead.. "

Vice :  "Hatid na kita sa labasan Bella..  "

BELLA POV

    Kahit kailan talaga harang Sa kaligayahan ko ang Jacky na yun!  Anung feeling nya?  Daig pa nya ang isang nobya kung umasta.. Kung Hindi lang talaga sya best friend ni Jose Marie ay naku..  Matagal ko ng pinatolan ang Jacky na yun.  Nakakainis talaga!! Lagi nya nalang sinasapawan ang lahat ng mga ginagawa ko para kay Vice.. Palibhasa May dala syang adobo kanina.. Nakakainis talaga..

   Noon paman di ko na lubos maipaliwanag ang damdamin ko para kay Vice..  Alam kong berdi ang dugo nya pero tanggap ko yun at mas lalo ko lang syang nagugustuhan dahil Sa pagkataong meron sya..  He always makes me smile and laugh.. Kahit pa noong mga bata pa kami.. Masaya ako pagkasama ko sya.. Sa mura naming mga edad noon..  Alam kong nakalaan na ang puso ko para sa Kanya.. Sa haba ng panahong hindi kami nagkita.. Akala ko nakamove-on nako Sa lahat..  Pero hindi pa pala.. Nong nagtagpo ang landas namin ulit nong kasal ng ate Colleen at kuya Billy nabuhay lahat ng mga ala-ala ko Kasama sya. Maging yung damdamin ko ay napukaw ng makita ko sya.  Kaya ngayon?  Alam kong May dahilan Kung bakit nagkrus ulit ang mga landas namin ni Vice.  And this time hindi ko hahayaang bigla-bigla nalang mapupunta Sa wala lahat ng pagkakataong kasama ko sya..

    Not now....  Never!!!  At lalong hindi ako papayag na hahadlangan kami ni Jacky..
Dapat nga magpasalamat sya sakin kasi tanggap ko ang best friend nya.  At maybe dahil sakin kaya kong gawing straight ang kaibigan nya.. Pwera nalang Kung ayaw nya sakin Kasi may gusto din sya kay Vice?

    Humanda ka sakin Jacky.. Hinding-hindi ako magpapatalo sayo!! 😠

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now