55) LOVE THIS WAY 💕

403 10 0
                                    

Chapter Twelve ( page 55 )
Title : LOVE THIS WAY💕
#problemsolved

MABILIS LUMIPAS ang mga araw.. At muling natapos ang pasok nila Sa Dance club.. Samantala masinsinang kinausap naman ni Vhong si Vice upang ekuwento ang pagkakaroon ng lamat ng relasyon nila ni Anne noon at Kung anu ang dahilan ng tuloyan nilang paghihiwalay..

Humingi ito ng isang pabor na Kung maaari ay tulongan nya itong muling makausap si Anne upang makapagpaliwanag.. Nagdalawang isip si Vice ngunit may bahagi ng puso nyang nagsasabing karapatan ni Anne malaman ang Totoo.

Kaya pumayag sya Sa pabor nito .

Vice : "Hindi ako mangangako Sir? Pero susubokan ko.. "

Vhong : "Maraming salamat Vice. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob..

NAGPASAMA si Vice kay Jacky na magtungo sa bahay nina Anne. Upang subokan itong pakiusapan na makipag-usap Sa dating X-boyfriend na Si Vhong.. Ngunit ng papalapit na sila Sa bahay nina Anne laking pagtataka nila ng makita ang nagkukumpolang tao sa may labas ng bahay? Nagkakagulo.. Nagpapanic..

Patakbong pumasok si Vice at Jacky sa loob ng bahay at nadatnan nila roon ang umiiyak na si Anne kalong-kalong ang ulo ng walay malay nitong Ama...

Vice : "Anung nangyari? Ambulance?!! Ambulance!!? "

"paparating na" sabi ng isang Ali.

Anne: "Tol tulong Si Papa!!! "😭😭😭😭😭

Ilang sandali ay rinig na nila ang wang-wang ng ambulansyang paparating..

HABANG nasa labas ng Ospital at hinihintay ang findings ng Doctor.. Nakaupo silang tatlo Sa upoang naroon.

Vice : "Tol. ?magpakatatag ka.. Malalagpasan to ni Ninong.. Malalagpasan natin to?! " sabi nito habang hinihimas himas ang likod ng kinakapatid..

Jacky : "Inum ka muna ng tubig Te Anne? Nandito lang kami ni Vice huh? Be strong"

Tinapik tapik naman ni Anne ang nakapatong na kamay ni Jacky sa balikat nya.

Anne : "Salamat ..."

Vice : "Kaya natin to Anne. Hindi tayo pababayaan ng nasa Taas.. "

Sabay silang napatayo ng lumabas ang doctor. Upang ipaalam ang kalagayan ng pasyente..
May pumutok na ugat Sa ulo ng kanyang Ama dahilan ng pagkaparalisa ng kalahating katawan nito. Kinakailangan itong sumailalim Sa isang kritikal na operasyon sa lalong madaling panahon upang tanggalin ang blood clot na namuo Sa utak nito. At ang pinakamasakit pang sinabi nito ang kinakailangan ihanda ang sarili Sa mga posibilidad na pwedeng mangyari...

Tila gumuho ang mundo at bumigat lalo ang pasan ni Anne sa mga narinig.. Paanu na Kung mawala ang kanyang Ama? Sapagkat ito na lamang ang natitirang pamilya nya? Hindi makapaniwala si Anne na darating Sa punto ng buhay nilang Mag-Ama ang ganito katinding pagsubok.

Napaupo si Anne sa sahig talukbong ang dalawang Kamay.. Ganun din si Vice.. Na tila nag iisip ng paraan.

Jacky : "bibili lang ako ng maiinum" nangangatog na paalam nito sa dalawa..

Saan naman nila kukunin ang panggastos ng operasyon? Gayong maliit na talyer lamang ang kabuhayan nilang Mag-Ama..

NGUNIT Sa tulong ng magkakaibigan Vice at Jacky nakalikom sila ng 100K..
Ipinaalam ni Vice sa mga magulang nya ang kalagayan ng Ina-Ama na agad naman nagpaabot ng tulong ang mag-asawa sa kanilang kumpadre.

Ibininta rin ni Anne ang ibang kagamitan Nila Sa talyer upang pandagdag sa gastosin.. Ngunit ang isang libong daan ay kulang na kulang pa para sa limang libong raang kailangan sa operasyon..

Anne : "Masisira na ang utak ko Sa kakaisip Kung saan kukuha ng pera Tol.. "

Vice : "Tol? Sa palagay ko kailangan na nating humingi ng tulong Sa Kanya? Sya lang ang alam kong pwede nating lapitan?"

Tila nabasa naman ni Anne kung sino ang taong tinutukoy ni Vice..

Anne: "Hinding-hindi ako hihingi ng tulong Sa taong yun Tol.. Mas maaatim ko pang manghold-Up ng bangko kaysa humingi ng tulong sa taong yun..! " tiimbagang saad ni Anne..

Sabay silang napalingon Sa taong paparating. Si Vhong.. Kasama ang kapatid na si Bella..

Anne: "Bat nandito Ka?"

Vhong : "Nalaman ko kay Bella ang nangyari Sa Papa mo.. Anne gusto kong tumulong? "

Sinulyapan ni Anne si Vice na agad namang umiwas ng tingin.. Bakas Sa mukha ang kaba..

Bella : "Anne I'm sorry? hindi ko kasi napigilang sabihin kay kuya ang about Sa Papa mo. And I think? We need to double time for the sake of your father? "

Vhong : "Anne please? Para sa Papa mo? "

Masuyong hinawakan ni Vhong ang mga kamay ng dating nobya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Anne bago nagsalita..

Anne : "Sige "

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #Vicejackحيث تعيش القصص. اكتشف الآن