53) LOVE THIS WAY 💕

395 9 0
                                    

Chapter Twelve ( page 53 )
Title :  LOVE THIS WAY💕
#comeback

      Nagulantang ang lahat ng makita ang dance instructor nilang Si Vhong..  Na Half brother pala ni Bella at Colleen.. Magkapatid sila sa Ama..  Sapagkat tulad ni Vhong maaga rin noon nabyudo ang kanilang Ama Kung kayat nakapag-asawa ulit ito ng isang half American na dalaga..

     Laking pasasalamat ni Vhong na nagkaroon sya ng mga kapatid.. Kahit papanu ay meron syang natatakbohan Sa oras ng mga problema.   Lalo na nong bawian ng buhay ang kanyang asawa na si   Denise .. Kahit papanu ay nakayanan nyang itaguyod mag-isa ang anak nilang si Princess..  At sa tulong na rin ng kanyang mga kapatid.

    Kaya noong ikinasal si Collen Kay Billy laking tampo nito Sa Kanya... Nagkataon kasi na Sa ibang bansa sya para sa isang mahalagang bagay..  Hindi na nya inabot ang petsa ng kasal kasi masyado nga itong minadali.. 

    Hindi rin nakapunta ang mag-asawang Crawford sa birthday party ni princess dahil kasalukoyan silang nasa abroad upang eenjoy ang honey moon..

    Sa kabilang banda hindi maipinta ang mukha ni Anne ng makita ang nakangiting si Vhong..  Naisip nyang matapos ng lahat lahat nakuha pa nitong ngumiti?

   Pagkatapos inisa-isa ni Bella ipakilala ang kuya Sa mga kaibigan nagulat nalang sya kasi magkakakilala na pala ang mga ito..

Vhong:  "what a Small world??"

Dawn:  "Oo nga po Sir eh..  Nahiya tuloy kami "

Vhong:  "Bat naman kayo mahihiya?  Para kayong hindi ko estudyante ah? Kaibigan pala kayo nitong kapatid ko eh.. "

Bella :  "nagsayang lang pala ako ng laway Sa pagpapakilala huh?  "

Vhong :  "yaan mo na bunso..  Oi Vice Jacky?  Napanood ko pala yung video ninyo na nagViral ah?  Sabi ko Sa inyo eh..  Iba yung Chemistry nyong dalawa..  I can picture out another Billy and Colleen couple.. Diba Bella? "    😕

Jacky :  "Hala..si Sir?  Si kuya Billy at Vice? ?  Naku Malabo..  "

Vhong :  "Kilala mo si Billy?  "   gulat nitong tanong..

Jacky:  "Pinsang buo ko po yun Sir..."

Vhong :  "what a small world talaga oh!!! Kaya pala na-gets mo agad ang sinabi ko.. "

     Hindi maitago Sa mga mata ni Vhong ang pagkamangha Sa mga natutuklasan.. Ganun din ang magkakaibigan..

    Maya-maya ang malapad na ngiti ni Vhong ay unti-unting naging seryoso ng muling tignan ang nagkuyom ang kamaong si Anne..

Vhong :  "Anyways gusto ko lang din e-hi ang kinakapatid ni Vice?  Tama bah?     Ahm... Hi Anne?  Long time No see? "    anitong iniabot ang kanang kamay upang makipag shake hands..

     Pigil ang hiningang dumapo Sa ilong ni Vhong ang kanina pang nakakuyom na kamao ni Anne..   "aaaarrayy.. " ang tanging lumabas Sa mga bibig ni Vhong.. Hawak hawak nya ngayon ang namumulang ilong..

Anne :  "Hi-hayin mo yang mukha mo!!!!! "

Nagulat ang lahat..  Agad napatayo si Vice sa kinauupoan..  Tila alam na nito ang nangyayari..  Tama nga ang kanyang hinala na ang dance instructor nilang si Vhong ay ang X ni Anne!!!! OMG?     Wala syang kaalam-alam na isang malaking COME BACK pala ang mangyayari ngayong gabi..

Bella :   "Kuya?  What's happening?"    takang tanong nito sa kapatid..   "Bat mo sinuntok ang kuya ko?!"   baling naman nito kay Anne..

Anne :    "Tanong mo jan sa kuya mo!!!"  galit nitong saad. Inayos ni Anne ang sarili at nagsimulang humakbang paalis..

Vice :  "Tol?  Hintayin mo ko..  ?"  agad sumunod si Vice.. Na sinundan rin ni naman Jacky..

Vhong :  "Anne wait..  Mag-usap tayo.. "  akmang hahabolin sya ni Vhong ng pigilan sya ni Bella.. 

Bella:  "Kuya? "   tila naghihintay ito ng kasagotan..

Vhong :  "Sya yung kinukwento ko sayong X kong titibo-tibo.. "    mahinang sagot nito at ipinagpatuloy ang balak na habolin si Anne

Nasa labas sila ng bahay at naglalakad Sa May gilid ng daan.

Vice :  "Tol?  Sandali lang naman..  Hintay...!!  Saan kaba pupunta? "

Sandaling tumigil Sa paglalakad si Anne..

Anne :  "kahit saang malayo Sa bahay nato!!"

Vice :  "Tol sorry..  Hindi ko talaga alam mangyayari to.. "

Anne :   "Wala kang kasalanan tol "

Vhong :  "Anne?  Mag-usap tayo please?"  sabi nito Habang papalapit Sa kanila..

  Haharang sana si Vice kay Vhong upang hindi makalapit kay Anne ngunit pinigilan sya ni Jacky..

Jacky :  "Hayaan na muna natin silang mag-usap.. "      nagkibit balikat naman si Vice..

   Nang makalapit na si Vhong

Vhong :  "Anne?  Mag-usap tayo.   ,please?"

Anne :  "Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa!! "

Vhong :   "Marami tayong dapat pag-usapan Anne..  Hayaan mo akong makapagpaliwag oh? "    pakiusap nito..

Anne :  "Magpaliwanag???!!!  Sana noon pa!!!  Anu ako?  Sardinas na nasa lata? Sa haba-haba ng panahon ngayon mo lang naisipang buksan kasi wala ka ng ibang maulam?!!! Hoooy!!!  Walang preservative at panis na panis na ang katangahan ko sayo noon kaya tigilan mo na ako!!! "   🤣 (Kinaya nyo ba tong linya ni Anne? PangMMK diba?) 🤣

Vhong :   "Anne please? "   pagmamakaawa ni Vhong..  Humakbang ito palapit Sa Kanya.

Anne :  "Subokan mong lumapit pa ?  Tatamaan ka talaga sakin?!!! "  ini-ere ni Anne ang mga kamao..

Vhong :  "Anne naman? "..  Humakbang ito ulit

Anne :  "Putik ng???  Isang hakbang pa bibigyan na talaga kita? "   mas lalo nitong itinaas ang mga Kamay ala-pacman!!

Vhong :   "Anne listen please? "  at muli pa itong humakbang.. 

    Isang malakas na suntok Sa panga ang inabot ni Vhong kay Anne.. 

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now