36) LOVE THIS WAY 💕

465 9 0
                                    

Chapter Ten ( page 36 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Disgrasya

JACKY POV
      Sa akin na tumabi si Vice hanggang Sa marating na namin ang Davao..  Siguro nakunsenya ang bakla kaya nya ko tinabihan..  Sinabi rin nyang Sa braso nya ako sumandal..  Kaya ako naman..  Tuwang-tuwa kasi alam kong di maipinta ang mukha ni Bella said inggit.. 

    Nasabi ko nga Sa sarili ko na...  Wow.. Babakla-bakla lang tong BFF ko ah pero nakakadali rin pala ng chiks eh..  Biroin nyo yun? Hang gang ngayon parang may pagtingin parin si Bella sa Kanya?  Katagal-tagal na nun pero parang hindi parin sya makaget-over sa best friend ko ah?!  Ibang klase talaga tong Si Jose Marie Viceral.. A.K.A Pretty Vice nadaw sya ngayon?  Napaisip tuloy ako..  Alam kaya ni Bella na bakla si Vice?  Or alam Nya siguro?  Imposible namang hindi diba?  So ibig sabihin kahit bakla si Vice OK Lang Sa kanya? 

     Napalalim tuloy ang pag-iisip ko ah?  Honestly Matutuwa ako kapag naging isang ganap na lalaki ang best friend ko..  Pero Kung si Bella lang din naman magiging girl friend nya?  Ay naku?!! Kahit na ikakasal na sila sa simbahan hahadlang talaga ako!!  Hahaha 😆😆

VICE POV

      TINABIHAN ko si Jacky..  Alam ko kasing inaantok sya at kailangan nya ang mga bisig ko..  Nakunsenya tuloy ako ng mabukolan ang mapuputi nyang noo..

     Pinasandal ko sya sa braso ko..  At kaya pala biglang nagpreno ang bus na sinasakyan namin Kanina kasi may biglang tumawid na bata..  Buti nalang hindi nahagip ng bus.. 

   Uso pa naman ang disgrasya Sa panahon ngayon.. Parang damdamin ko lang din para kay Jacky..  Parang disgrasya na hindi mo alam Kung kailan dadating..  Kung saan at kung paanu mangyayari.. Pero ito lang yung klase ng disgrasya na gugustuhin mong ulit-ulitin kasi alam mong masaya ka..  At yun ang hinahanap-hanap ng puso mo? 

    Mahal ko na yata si Jacky..  Dati akala ko kawalang-hiyaan lang tong nararamdaman ko eh?  Pero ngayon parang hindi na talaga biro tong nararamdaman ko ah.. 

    Nong magkatabi kami ni Bella?  At nakasandal sya sakin..  Di ko mapigilan ang sarili kong mapatingin Sa kinauupoan ni Jacky..  Gusto-gusto ko syang tabihan kaso nahihiya naman ako kay Bella.. Ewan ko nga bah..  Na-hook na yata ako kay Jacky.. 

   Dun ko na-realized na minsan may pagka-choosy din tong mga puso natin noh?  Kapag puso na ang magpasya Wala ka ng magagawa kundi sundin ito. 

   Dapat ko Bang sundin ang tibok ng puso ko?  Nagugulohan ako..  Natatakot ako..  Isa pa hindi pako sigurado Kung hanggang kailan ko to mararamdaman..  Siguro dadating din yung araw na bumalik na sa normal yung feelings ko..  Pero anu nga ba yung normal?  Hindi ba yong ganito?  Ang magmahal ng babae ang isang lalaking tulad ko? 

    Woo-hoo!! Masisira na ang utak ko Sa kakaisip..

  Alas singko na ng hapon kami nakarating ng Davao..  Pagbaba namin ng bus..  Nakita ko agad si Tom..  Ngiting-ngiti ng makita si Jacky...

Tom:  "Hi Jacky?  hello Vice..  And hello? "
Bumaling ito kay Bella hindi nya pa kasi ito kilala..

Bella:  "I'm Bella.. " sya na mismo nagpakilala Sa sarili nya..

Tom:   " I'm Tom..  Nice to meet you "

Bella :  "same here..  Jacky's?  Boyfriend? "

Tom:  "Huh?  Ahmm..  Hopefully..  Hehe 😁"

Bella:  " Ah OK?  So manliligaw?

   Tumango lang si Tom.. Habang hindi parin nawawala ang mga ngiti sa mga labi..

Bella:  "Ah..  Ok.  I see"

Vice:  "Tara na nga.   parang uminit bigla ang simoy ng hangin eh "

    Nauna na ako maglakad..  Ni Hindi ako lumingon..  Nainis ako bigla.   Kaya pala atat na atat umuwi nitong si Jacky kasi naman Pala may naghihintay na sundo..  Badtrip..

   Hindi ko namalayan na binilisan pala ni Bella ang paglalakad nya para mahabol ako..

Bella :  "Vice?  Kain muna kaya tayo?  Gutom na gutom nako eh..  Kahit snacks Lang? "

Vice:  "Sige... " matipid kong sagot..

Bella:  "ahm Jacky? Snack muna daw tayo huh?  OK lang bah? "

Jacky:   "Ok"

Tom:  "May malapit na coffee shop doon oh?  Dun nalang tayo? " 

    Mas nabadtrip lang tuloy ako. Mas mapapahaba pa tuloy yung exposure nitong si Tom..  Kainis..  Pwede bang bawiing wag nalang magsnacks?  Huhuh... Pero nakakahiya naman kasi Kay Bella..

   I need air..  Inhale..... Exhale... Inhale... Exhale.. Wooooohh.. Patient Vice patient..  Sabi nga ni Boy abunda gabi-gabi make your Mama proud..  And be kind!!

To be continued....

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now