57) LOVE THIS WAY 💕

383 8 0
                                    

Chapter Twelve ( Page 57 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Backoff

JACKY POV

      PARA AKONG napako Sa kinatatayuan ko sa mga sinasabi ni Bella sakin..  Seryoso ba sya Sa mga pinagsasabi nya?

Jacky :  "Nananaginip ka lang ng gising Bella?  Imposible yang sinasabi mo..  Kilala ko si Vice..  Bakla na xa noon pa..  Alam mo yun.. Masasaktan ka lang pag-umasa ka. "

Bella :  "eh Kung sabihin ko sayong..  Malapit ng maging kami?  Hindi kapa rin ba maniniwala Jacky? "

   Hindi ako nakasagot Sa mga huling salitang binitawan ni Bella sakin..

Bella :   "Kung OK lang sayo mag-usap tayo.. Yung hindi dito?  Meron akong gustong itanong sayo?"      friendly talk nito sakin

Jacky :  "OK.. "    yun lang ang tanging lumabas Sa mga bibig ko.. Loading ang isip ko Sa mga pinagsasabi ni Bella..

Nang makabalik sina Anne at Vice..  Pasimpleng nagpaalam si Bella kunwari ay uuwi na ganun din si Jacky.  Ngunit ang totoo ay nasa isang coffee shop sila nag-usap..

Jacky :  "So anu na? "    panimula ko pagkatapos humigop ng isang black coffee.

Bella :  "Look..  Since ikaw ang best friend ni Vice..  Gusto kong e-open ang lahat ng to sayo.  Parang weird pero umaasa akong susuportahan mo kami ni Vice.  ?   I'm looking forward to have relationship with him.. "

Jacky :  "Ayuko... "   

   Nagsimulang kumunot ang noo ni Bella ..

Bella :  "Why?  Ayaw mo ba talagang maging straight ang kaibigan mo?  Ayaw mo ba syang maging masaya?  Deserve nya yun?!  Kaya ko yung ibigay Sa kanya Jacky?  Aalagaan ko ang Best friend mo?!  What the hell reason is? Bat Pinagkakait mo yun?  Mahal ko sya... "

Jacky :  "Mahal ko din sya... "   mahina ngunit madiin kong sagot..

Bella :  "what? 😱  So Tama nga ang hinala ko..  Kaya ang bigat ng loob mo sakin?  Fine?!!  Karibal pala kita eh?! "

Jacky :  "Hindi mo sya pwedeng akoin Bella. "

Bella :  "At paanu si Tom?  Anu?  Nagpapaligaw ka sa Kanya tapos iba naman pala ang gusto mo? Pwede ba Jacky?  Masyado kang selfish!! "

Jacky :  "I tried so hard na ibaon Sa limot ang nararamdaman ko para sa best friend ko..  Ayukong umasa Sa wala..  Pero ngayon parehas na tayo..  I can't fight this feeling any longer Bella...  At si Tom?  Magkaibigan lang kami.. "

Bella :   "Fine...  Let see..  Umamin naman na ako kay Vice.. Kung hindi kapa nga dumating kanina siguro kami..  But i know sooner.. Magiging kami.. Kaya Kung ako sayo Jacky?  Back off!👊 "

      Pagkatapos magsalita biglang tumayo si Bella at Umalis.. Samantala nanatili akong nakaupo at Hindi ko namalayang naka kuyom na pala ang mga kamay ko..

    Pakiramdam ko dehado ako Sa Laban?  Paanu ko ipaglalaban ang nararamdaman ko Sa Best friend ko..  Gayong Sinabi na nga ni Bella na meron nang aminan Sa pagitan nilang dalawa.. 

   Matagal kong nilabanan ang pagmamahal nato Sa puso ko kasi natatakot akong masaktan..  Ang hirap umasa Sa wala..  Pero ngayon?  Sa mga nangyayari..  Parang mas mahirap makitang ang taong tinitibok ng puso mo ay nasa piling na ng iba...

    Gulong-gulo ang isip ko..  Hindi ako kasing tapang ni Bella na kayang umamin ng nararamdaman..  Lalo na't napansin ko din ang unti-unting pagbabago ni Vice.. Hindi na ito nagme-make up..  Lagi narin nagpapagupit ng buhok..  Minsan nakakalimotan na rin nitong magshave..  Pati pananamit nito nag-iba.. Mga bagay na ginagawa nya Sa tuwing umuuwi kami Sa kanila..  Yun ang nakikita ko. Pero wala naman kami Sa Kanila ah?  Bakit kailangan nyang mag-anyong tutoy?

   Hindi ko lang mabanggit-banggit sa kanya ang mga napansin ko kasi nga masyadong naka-focus kami Sa kumplikadong sitwasyon ng Papa ni Anne..

    Mas lalo akong nalungkot..  Siguro nga tama si Bella.. Nagkakamabutihan na sila kaya gani-ganito nalang ang mga pagbabago ng best friend ko.

    Simula ng dumating si Bella sa buhay naming magbest friend ang dami ng nagbago..  Si Bella nga yata ang dahilan Kung bakit nangyayari to? Gusto ko syang makausap..  Gusto kong malaman mula mismo Sa Kanya Kung nagkakagustuhan na nga ba sila ni Bella..  Pero paanu ko sasabihin?  Kaya ko kayang tanggapin ang mga posibleng isasagot nya Sa akin? 

    Nahihirapan na ako..   Kung pwede lang itigil muna ang ikot ng mundo.. Huhuh.😭

    Bakit ba kasi Sa dinami-rami ng lalaking nakilala ko bakit Sa Best friend ko pa ako na-inlove ng ganito.. Ang saklap naman ng sitwasyon ko.. 

To be continued.....

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now