66) LOVE THIS WAY 💕

495 14 0
                                    

Chapter Fourteen ( Page 66 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Babeko

      WALA ng salitang may narinig ngunit sa ngayon ramdam naming mahal namin ang isat-isa..  Magkayakap lang kami habang tinutuyo ang Luha saming mga mata..  Yun na yata ang pinakamasarap na moment?!  Yung pagkatapos ng lahat ng sakit at pighati ay may isang malaparaisong naghihintay..  Kung saan wala kanang ibang mararamdaman kundi ang wagas na pagmamahal..

VICE POV

      Hindi ako makapaniwala na yakap-yakap ko ngayon ang babaeng tinatangi ng aking puso..  Sa haba-haba ng panahon Sa wakas nasabi ko na Sa Kanya ang nilalaman ng aking puso.  Mas lalo lang ako naging masaya kasi parehas pala kami ng nararamdaman...  Parehas pala kaming bigla nalang nagising na Mahal na pala namin ang isat-isa.. Hindi bilang magbest friends kundi bilang isang magkasintahan..   Ang sarap sa pakiramdam..  Yung pakiramdam na para kang nakahiga sa ulap..  Ngunit Di ko maalis sa sarili ko ang mabahala dahil may kaagaw ako saking minamahal..

     Una akong kumawala sa pagyayakapan namin.. Hinarap ko sya..  Kasalukoyang magkalapat ang aming mga noo. 

Vice :  "Paanu si Tom? "

Jacky :  "Wala naman talagang namamagitan saming dalawa "

Vice :  "Huh?  Talaga?  Totoo? "

   Tumango lang sya sakin..  Ang ng baby Jacky ko. 

   Niyakap ko sya ulit at hinalikan ang mga mababangong nyang buhok..

Vice :   "Single ka..  Single ako? Love mo ako..  Love din kita.  So ibig sabihin nito tayo na Jacky? "

   Naramdaman ko ang maliit na kurot nito sa tagiliran ko bago kimawala sa pagkakayakap ko..

Jacky :  "Hoy anu ka?  Anu to walang ligawan?  Grabe ka Vice huh? "

     Natatawa nitong saad.

Vice :   "Jacky naman eh?  Wag mo na ko pahirapan please? Tayo na please? "

Jacky :  "Bala ka jan..  "

Vice :  "Baby Jacky please? "

    Niyakap ko sya ulit..

Jacky :  "Talagang baby tawag mo sakin huh?     lika nga lablab ko? "     hmmmmmppppp...

    Muli naming dinama ang yakap ng isat-isa..    Mas mainit..  Mas mahigpit..

Vice :  "I love you?😘"

Jacky :  "I love you more 😘"

     Dahan-dahan kong ibinaba ang mukha ko upang abotin ang mga labi nya..  Kaso pinigilan ng hintuturo nya ang mga labi ko.

Jacky :  "Oops? Amoy alak ka..  Ayuko "   pilya nitong saway sakin..

Vice :  "Hala..  Grabe grabe!!! "   niyakap ko nalang sya ulit ng pagkahigpit higpit..  Ayukong matigil ang sandaling kasama ko sya..  Ang sarap-sarap Sa pakiramdam subra..  Ganito pala ang pakiramdam ng taong nagmamahal..  Para wala ng wakas ang bawat sandali..

JACKY POV

        Unti-unting naghilum ang sugat sa dibdib ko.. Dahil sa mga yakap ng pagmamahal ng best friend ko..  Hala?  My boyfriend rather... 😍😍😍

       Boyfriend ko na nga pala si Vice.. Hindi ko sukat akalain na darating samin ang araw na ito.. Yung titibok ang puso namin para sa isat-isa.. Tumatalon ang puso ko sa saya.. Tuloyan na ngang naging isang ganap na lalaki si Vice.. Ang weird pero nangyari nah. .    Thanks God..  Sigurado akong matutuwa ang Papa nito pag nalamang ang anak nyang Si Jose Marie ay inlove sa isang babae..

       Ngunit sa kabila ng kasiyahan sa puso ko nandun parin yung bahala.. Na baka anung sabihin ng mga tao sa paligid namin.  Lalo na ang  barkada.. Sa palagay ko kailangan na muna naming ihanda ang sarili sa mga sasabihin ng iba bago kami magpakilala bilang magkasintahan.. 

     Naglinis kami ng kwarto ni Vice..  Ng babe ko..  Hehe..  😍 kinikilig ako ah.. 

     Winawalis nya ang mga mililiit na bubog Sa sahig niyakap ko sya Sa likod.. 

Vice : " Babe? Anu ka bah?  Baka masugatan ka..  Upo ka muna please? "

Jacky:  "hindi yan.. "

Vice :  "Grabe tigas ng ulo ah.. "

Jacky :   "Babe ko?  Pwede Bang humingi ng favor? "

Vice :   "Anu yun "

Jacky :     " Pwede bang satin nalang muna tong About sa atin? "

    Humarap sya sakin....

Vice :   "Bakit naman?   Kinahihiya mo ba ako? "   biglang tumamlay ang hitsura nito.

Jacky :  "Of course not?!  Babe naman? "

       Ikinawit ko ang kamay ko sa mga leeg nya.. 

Jacky :  "I need kailangan lang natin maging ready sa mga sasabihin ng iba.  Diba naiintindihan mo naman ako babe? "

Vice :  " OK..  Kung yan ang gusto mo.  Pero tandaan mong taken kana huh?  Ayukong lumalapit kapa sa Tom na yun?!
Malinaw? "

    Hinila nya ako palapit sa Kanya..

Jacky :  "Copy po yan babe!!  "

    Sabay kaming ngumiti at ginawaran ako ng halik sa noo..

Vice :  "Sige na..  Upo ka muna huh?  Taposin ko lang to.. "

Jacky :  "Ok😘 ...... Ahm  babe? Gusto mo ipagluto kita ng adobo "

Vice : "Wow gusto ko yun?!   Sige babe ko please?    Hindi pako nakakain simula pa kahapon "

Jacky :  "Sus maryusip naman sayo Jose Marie?!    Kukurotin na talaga kita!!! Yan kasi?   Gugma pa more!!! "

    Natatawa kong sabi..  Ginamit ko ang salitang bisaya na madalas kong naririnig kay mika..

To be continued...




LOVE THIS WAY 💕  #VicejackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora