141) LOVE THIS WAY 💕

450 16 10
                                    

Chapter Twenty-three ( Page 141 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Picnic

      KINABUKASAN

   MAAGANG Pinuntahan ni Jacky ang nobyo sa bahay nila.  Hindi kasi sumasagot sa mga text nya kaya baka tulog pa.   Kaya minabuti na lamang nyang personal itong gisingin.. 

    May usapan kasi silang puntahan ang tambayan nilang punong Mangga... Ito ang madalas na tambayan nila noong mga bata pa sila..

    Lalo na kapag may napapalo Sa isa sa kanila..  Si Jacky pa ang madalas na tiga-akyat ng puno kapag maraming bunga..  Noong mga panahong babakla-bakla pa si Jose Marie..  At takot mahulog gawa ng baka daw masira ang kanyang beauty..  At ngayong nagpakalalaki na ito at sila na nga ng best friend nyang si Jacky... 

    Nais ng dalagang ang nobyo ang umakyat sa puno upang kuhanan sya ng Mangga.. 

Jacky: "Babe?  Oi?  Gising na? "

    Kiniliti nito ang natutulog na nobyo... At sininghot-singkot ang kili-kili.. Dahil Sa kapilyahan..  Natatawang binunotan ng isang buhok sa kili-kili ang nobyo kaya naman napaaray ito.

Vice :  "Araaay..!! Babe naman eh? "

Jacky :  "Sabi mo sa akin?  Kukuhanan mo ako ng mangga?  Sige na? "

Vice :  "Bilhan kita sa palengke mamaya. "

Jacky :  "Ayuko..  Gusto ko akyatan mo ko ng mangga..  Bahala ka?  Magtatampo na ako. ?"😣😣😣

Vice : "Haaaays..  Oo na...  Sige na po... "

Jacky :  "Bangon na? "

Vice : "Hug muna? " hmmmmmpppp..

     Hinila ng binata ang nobya upang pumaibabaw sa kanya..  Niyapos nya ito ng pagka-higpit-higpit... 

Vice :  "Babe ko... "

Jacky :  "Hmmm"

Vice :  "Ang bigat na ng babe ko ah? "

Jacky :  "Heeeh?  Isa ka pa?!  Taba na ba ako talaga? "

Vice : "Medyo.  Pero OK lang.  Sarap nga yakapin eh..? " hmmmmmpppp

Jacky :  "Hmmp..  Bolero? "

Vice :  "Hindi kaya?"

Jacky :  "Babe?  Bangon na? "

Vice :   "Later?  Kiss muna? 😘 "

Jacky :  "Haaay naku..  Ang aga-aga..  Mag tooth brush muna babe ko? " haha

Vice :  "Ahh.  Ganun?  Ayaw mo akong e-kiss kasi wala akong Tooth brush? "

Jacky :  "Haha...  Di ah? 

Vice : "Ikaw ha?  Ayaw mo pala huh? "

   Sinimulang kilitiin at halikan ang dinaganang nobya..

Jacky :  "Babe?  Anu bah? Hahaha.. "

     Ngiting-ngiti si Jacky habang sinisiil sya ng halik ng kanyang nobyo.. 

   Nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto!!

JACKY POV

  DAHIL sa gulat?  Natadyakan ko ang aking nobyo..  Nahulog tuloy ito sa kama...

Jacky :  "Ay sorry...? "

Tita Martha :   "Susmaryusep!!! "

Vice :  "Arrraaayyyy..  Mama naman eh? "

  Grabe nahiya talaga ako??!  Kainis kasi tong isang to eh.  Huhuhuh!!!

Tita Martha:  "Bumaba na Kayo at kakain na? "

    Umalis na si Tita pero alam ko iba ang iniisip nun?

Jacky :  "Ikaw kasi eh?  Ang kulit..  !!"

     Mahina kong sinuntok ang balikat ng boyfriend ko..

Vice :  "Aray? Hinulog na nga ako? Sinuntok pa?"

Jacky :  "Kainis ka kasi eh? "

Vice : "Bakit?  "

Jacky :  "Ewan ko sayo.. "

    Iniwan ko nga sya sa kwarto at Lumabas na ako..  Hahakbang na sana ako ng hagdan pababa kaso naisip ko bigla yung hiya sa mama nya.. 

  Parang wala akong lakas ng loob harapin mag-isa si Tita ah.  Ehhhhh...  Babe naman kasi eh..  !!

   Kaya naman bumalik ako ng kwarto.. Sasabay na ako sa kanya Pababa..

Vice :  "Ohh?  Kala ko ba bumaba ka na? "

Jacky :  "Sabay na tayo.   "

    Tinulongan ko nalang sya habang tinutupi ang kanyang pinaghigaan..

Vice :  "Oh?  Tara nah? "

   Niyakap nya ako mula sa likoran.. Habang naglalakad..  At hinalikan sa buhok..

    Haaay naku.  Grabe!!!  Kung sa kakulitan lang din naman?  Wala talaga kapantay tong boyfriend ko..  Pero ewan.. Nakakamiss eh?  Kaya OK lang.. Hehe..

VICE POV

    DI KO MAIWASANG Huwag matawa kay Jacky..  Paanu kasi hiyang-hiya ito sa Mama ko?  Haha.. 😁 Si Mama kasi eh.  Pasok ng pasok agad?  Walang katok-katok..  Nahulog tuloy ako sa Kama.. 

   After naming kumain nagpunta na kami sa tambayan naming Punong Mangga..  Kung saan tahimik...  Malamig ang simoy ng hangin.. Maaliwalas...  Yung tipong nakakagaan ng pakiramdam habang pinagmamasdan mo ang kapaligiran...

   Nakakawala ng pagod at Problema.. 

  Kaya nga mula noon hanggang ngayon ito parin ang tambayang Hindi namin ipagpapalit ni Jacky.. 

   Ang lugar na ito ay puno ng alala ng aming kabataan.. 

   Kaya naman sa pagkakataong ito..  Isang panibagong ala-ala ang aming tutuklasin at iiwan sa araw na ito..

  Nagdala ako ng maliit na Tent. ⛺ upang lagayan ng aming mga kagamitan at pagkain.. At para naman mapagpahingahan kapag inantok.. 

   Ngayon lang ulit kami magpi-picnic ni Jacky...  Bilang isang magkasintahan... Kaya naman buong araw kami mag-spent ng time sa lugar na ito.

Jacky :   "GOSH!!!!  Ang daming bunga!! Anu babe?  Alam mo na gagawin mo huh?" haha... 😂

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now