96) LOVE THIS WAY 💕

438 13 0
                                    

Chapter Seventeen ( Page 96 )
Title :   LOVE THIS WAY 💕
#ISYU!!!

     LINGGO NG GABI Nagpasyang magsimba ng  magJowa..  Kasalukoyang nakikinig ng homily ng Pare pormal na nakaupo ang dalawa sa ikaapat na upoan mula sa likoran ng may marinig silang nagbubulongan...

VICE POV

       Hindi ko masyadong rinig ang pinag-uusapan ng nasa aming likoran ngunit alam kong kaming dalawa ni Jacky ang pinag-uusapan..

     Tinalasan ko ang aking pandinig upang marinig ang kanilang pinag-uusapan bagay na sana hindi ko na lamang ginawa. 

Babae1 :  "Diba sya yung baklang nakaboard kina aling -------... Magjowa na pala yan sila ngayon..

Babae2:  "Oo nga daw eh.. Talagang pinatulan nong babae huh? "

Babae1:  "Kung ako yun naku hindi..  Eewwww.. Baka magkaHIV pa ako.. Hehe "

Babae2: "Yuck!! "

     Biglang nanangis ang aking mga bagang..  Muntik ko ng makalimotang nasa loob kami ngayon ng simbahan..

    Naramdaman kong hinawakan ni Jacky ang aking kaliwang kamay..  Pinisil Kung kaya't napalingon ako sa kanya..

    Ngumiti ito at nagsalita..  Wala mang boses ang pagkakabigkas nya pero alam kong ang sabi nya ay "I love you "

    Gumuhit ang mga ngiti saking mga labi. Naisip kong Walang dahilan para bigyan ng pansin ang sinasabi ng dalawang babae sa aming likoran..  Ang mahalaga..  Wala kaming inaapakang tao at mahal namin ang isa't-isa...

    Muli kong itinuon ang pakikinig sa Salita ng dyos...

    Lagi kong pinapasalamatan sa dyos ang mga biyayang ipinagkaloob nya sa akin..  Lalo na ng ibinigay nya sakin ang pagmamahal ng isang babae na natagpuan ko sa katauhan ng aking best friend na si Jacky na ngayon ay labis-labis ko ng sinisinta...

    Malapit ng matapos ang misa..
Sabi nga ng Pari  "Peace be with you "

    Nag-peace be with you ako saking harapan saking kabilang katabi..  Pati sa mga babaeng pinagtsismisan kami kanina.  At syempre lastly sa katabi kong si Jacky..

Vice :  "Peace be with you Babe.. I love you po"

Jacky :  "Peace be with you..  I love you din po 😘"  

      Masaya kaming umuwi sa boarding house namin..  Kahit palabas na kami ng simbahan walang tigil parin ang bulongan ng dalawang babae eh.  Pero Hindi nalang namin sila pinansin..

    Kasalukoyan kaming nakasakay sa isang pampasaherong jeep..  Nasa may gitna kami pumuwesto sa kahabaan ng upoan..

    May dalawang bakla Sa aming harapan.. Yung isa baklang-bakla talaga yung isa naman parang ako lang Kung manamit noon..  Pero I know bakla rin..  Halata sa mga posisyon ng paa at kamay eh..

Bakla1:   "May chika ako sayo mamang?  Naku...Di kinery ng beauty ko."

Bakla2:  "Anu yun? "

Bakla1:   "Usap-usapan sa university namin..  May dugong berde!!  Aba..  Nagjowa ng girlalo!! Graveh!!  Hindi kinaya ng beauty ko.. "

Bakla2 :  "Oh my?  A big O....M....G!! "

     Napalunok ako ng laway habang nakikinig sa mga baklang ito.. Sarap nilang sabunotan.!! Este pag-untogin pala....😂
Baka ako ang tinutukoy nito..  Woo-hoo.. Hindi naman siguro...

Bakla1:  "At ito pa... Sabi nong founder ko huh...  Itong sisteret daw natin eh nakipagbuno dun sa lasing to save her princess!!! Oh diba? "

     Oh My?!!  Kami nga ni Jacky ang pinag-uusapan nila...   Kapwa lang kami nagkatinginan ni Jacky sa mga naririnig mula sa dalawang bakla sa aming harapan.. 

Bakla2 :  "As in? Kinaya Nya yun Teh? Amazing"

Bakla1:  "But I know for sure..  Maghanap at maghahanap parin yun ng Papa...  Haha 😂 😂 "

Bakla2:  "True..  Parang ako lang ang peg..! Haha 😂 😂 "

Bakla 1: "Oh divah?  Tama ako..  Haha 😂 "

    Sabay silang nagtawanan...

Jacky :  "Manong..  Para nga poh sa may kanto.. "

    Buti nalang kasama ko si Jacky..  Bababa na pala kami...

   Nang makaalis na ang jeep... At Habang naglalakad sa may eskinita..

Vice :  "Anu bang mga problema nila? bat sila ganun? "

Jacky :  "Babe.  Wag mo na lang pansinin.."

Vice :  "Nagugulohan ako eh..  Maraming ayaw sa bakla kasi daw kasalanan yun pero ngayon namang nagpakalalaki na may isyu parin? Ang gulo ng mundo.. "

Jacky :  "Babe?  Calm down..  Nakalimotan mo na ba kakasimba lang natin?"

Vice :  "I'm sorry..  Naiinis lang ako. "

    Mabigat ang mga paa kong pumasok ng kwarto.. 

Jacky:  "Sige na..  Magbihis ka na..  Wag na nga kumonot yang noo mo Jose Marie? Sige ka magkaka- wrinkle ka nyan. Yong beauty mo.?

Vice :  "Babe? Pati ba naman ikaw? "

Jacky :  "Oh?  Anung pati ako?"

     Hindi ko na sya sinagot.. Lumabas ako ng kwarto.. Nainis lang ako lalo..

Jacky :  "Oi Babe?  Saan ka? Magbibihis lang ako huh? Wag ka muna papasok? "

JACKY POV

    hindi man lang ako sinagot..  Anung nangyari dun?  Haaaaay naku...

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWo Geschichten leben. Entdecke jetzt