102 ) LOVE THIS WAY💕

450 9 0
                                    

Chapter Eighteen ( Page 102 )
Title : LOVE THIS WAY💕
#AngBigat😢

      KAPWA Hindi nakatulog ang magkasintahang Vice at Jacky dahil sa mga nangyari..  Magkatabi silang natulog sa boarding house ni Jacky kasi Hindi parin tumitila ang ulan..  Nakahiga na sila habang pinapakiramdaman ang bawat isa..  Tulog na ang mga kasama nilang si Dawn at Mika..  Ala una na yata ng madaling araw pero gising na gising parin ang kanilang mga mata..

JACKY POV

       Bakit ba kami umabot sa ganun?  Ngayon ko lang napagtanto yung hiya sa kalooban ko..  Huhuhuh...  Hindi naman sa Hindi ko ginusto yung nangyari pero bigla kasi akong natakot..  Baka sa susunod mas matindi pa yung pwedeng mangyari..  My God?!  Hindi pa ako ready..  Hindi pa ako handang sumabak sa ganung estado ng relasyon?  Pakiramdam ko tuloy kailangan ko yatang maging strict kapag kami lang dalawa magkasama.. 

     Kailan muna namin magtapos ng pag-aaral bago namin gawin ang bagay na yun..

     Kasalukoyan akong nakahiga at nakatalikod sa kanya.  Pero alam kong gising pa sya.  Nahihiya akong dumikit sa katawan nya baka kasi uminit na naman yung gabi naming dalawa... Naiilang na pati ako.   Kasi naman nahawakan na nya ang maselang bagay na yun sa katawan ko?  Huhuhuh!!  Napaisip tuloy ako Kung anu kaya ang iniisip ng boyfriend ko?  Baka hindi Nya nagustuhan yung anu ko..  Hala..  Ang sakit siguro pag pinulaan nya ito?  Huhuhuh..  Bakit ba kasi nangyari yun!!!  Bakit ko hinayaang mangyari yun? Nakakahiya talaga... 

VICE POV

     ANG TAHIMIK Naman ng babe ko?  Galit kaya ito dahil sa ginawa ko? Naiilang naman akong e-approach sya kasi ang tahimik nya..  Ang lalim pati ng iniisip nya.  Gusto ko syang yakapin pero parang natatakot ako..  Baka kasi sumakit na naman yung puson ko.. 

    Yung mga nangyari kanina paulit-ulit parin rumirehistro sa utak ko..  Hindi tuloy ako makatulog...  Ngayon ko lang napagtanto..  Ang lambot pala ng katawan ng babae?  Hindi nakakasawang hawakan at haplosin..  Mga labi nyang kay sarap halikan at kagatin..  Ang mahalimuyak nitong bango kapag kini-kiss ko sya sa leeg.. Yung mga bewang nya na maliit na kay Sarap yakapin..

     Para akong baliw pa kanina.   Kasi kusa nalang gumapang yung mga kamay ko sa hmmmm ng girlfriend ko..  Wooooo...  Grabe.  Paanu ako nito makaka-move on dun sa nangyari sa amin ngayong hinahanap-hanap ko ang bagay na yun?

    Hindi ako nakatiis..  Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya. 

Vice :  "Babe?  Galit ka ba sa akin? "

Jacky :  "Hmmmm.... Hindi.. "

Vice :  "I'm sorry? "

Jacky :  "Bakit ka nag so- sorry? "

Vice :  "kasi ginawa ko yun? "

Jacky :  "Wag mo na isipin yun.  Sige na matulog kana? "

Vice :  "Di ako makatulog Babe... "

Jacky :  "Ako rin..  "

Vice :  "Babe? "

Jacky :  "Hmm? "

Vice :  "I love you? "

Jacky :  "I love you too.. "

   Hinalik-halikan ko ang mabangong buhok nya.. 

   Ipinikit ko na ang mga mata ko habang yakap-yakap ko ang girlfriend ko. 

    KINABUKASAN....  Sabay silang pumasok sa School...   Simula nong mangyari ang romansang namagitan sa kanilang dalawa ay naging mas maingat na ang ginawa ng dalaga upang maiwasan ang maulit ang ganoong bagay.  Sapagkat kapwa naman nilang alam Kung anu dapat ang mas priority nila sa panahon ngayon....

     MABILIS LUMIPAS ang mga araw.. 
Disperas ng kauna-unahang buwan ng kanilang relasyon.. Habang nasa tambayan ang mga barkada..  At busy ang iba sa paggawa ng kani-kanilang mga report...
Tumigil si Jacky sa ginagawa at sinubokang lambingin ang seryosong si Vice.. 

JACKY POV

      EXCITED NA AKO BUKAS..  Saan kaya kami magde-date ng Babe ko? Ayukong masyadong magpaka-busy.. Kailangan blooming ako sa monthsary namin ni Vice.. 
Hindi ko na kayang maghintay kaya kinulit ko na sya.  Ikinawit ko ang aking mga Kamay sa braso nya

Jacky :  "Babe ko?  Saan tayo bukas? "

Vice :  "Huh?  Bakit? Anung meron? "

Jacky :  "huh?  Ahm..  Hindi ba tayo gagala bukas? "

Vice :  "Tsaka nalang tayo gumala kapag Hindi na tayo busy babe? "

Jacky :  "Ha?  Ganun? OK? "

    Para akong nadismaya..  Hindi ba nito naalala Kung gaanu kaimportante ang araw na yun para sa aming dalawa?  Biglang nalungkot ang aking puso..  Ako lang pala ang nag-aasume na magiging romantic ang araw na yon saming dalawa..

    Sinulyapan ko sya ulit..  Masyado itong seryoso sa kanyang ginagawa...

   Nong pauwi na kami.  Sabi nya bibili na nalang daw sya sa Drive Thru.  Para Hindi na ako magluluto para sa kanya.

    Syempre sinunod ko nalang din ang gusto nya.  Kaya hito.  Ang bigat-bigat ng mga paa ko habang papasok ako ng kwarto.

Mika :  "OK ka lang Jacky? Parang ang bigat-bigat ng gabi natin ah?  Nag-away kayo ni Vice? "

Jacky :  "Huh?  Wala..  Pagod lang..  "

     Hindi pa ako nakakabihis humiga na ako sa kama..  Ang bigat ng pakiramdam ko..  Gusto ko ng magpahinga..

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now