165) LOVE THIS WAY 💕

384 9 0
                                    

Chapter Twenty-seven ( Page 165 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Ebidensya

   KASALUKOYANG Nasa ilalim na pag-iisip si Vice..  Nang makatanggap ng tawag mula kay Karylle..

Vice : "Hello Miss K? "

Karylle:  "Pwede ba kitang makausap?  May mahalagang bagay lang akong gustong ipaalam sayo.. "

Vice :  "Oh sige..  Saan tayo magkikita?"

Karylle:  "Ahm..  Ese-send ko nalang sayo Kung saan.  Tsaka nga Pala? Pwede bang wag mong ipaalam kay Jacky na magkikita tayo? "

Vice :  "Ha?  Bakit naman? "

Karylle:  "Basta..  Saka ko na ipapaliwanag.. "

Vice :  "OK sige..  See you? "

Karylle:  "Thank you Vice... "

VICE POV

    NAPAPAISIP tuloy ako Kung anung mahalagang bagay ang sasabihin sa akin ni Miss K?  Anu kaya yun?  Tapos ayaw pa nyang ipaalam ko kay Jacky?  So anu naman ang idadahilan ko nito sa asawa ko?  Haaays..  Bahala na nga.   Naku-curious talaga ako..

    PAGDATING KO sa isang Coffee shop.  Kinawayan agad ako ni K.. Kaya naman nakangiti akong lumapit Sa kanya..

Karylle:  "Thank you Vice? "

Vice :  "hmm..  Kanina ka pa? "

Karylle : "Hindi naman..  "

   After naming umorder.  Napansin kong naging seryoso ang mukha ni K? Bigla tuloy akong kinabahan.. Lalo na nong nag-umpisa itong magsalita..  Halos lumuwa yung mga mata ko habang nakikinig sa mga isinisiwalat nya...

   Hindi ko alam Kung maniniwala ba ako or anu?.. 

   Hindi kasi ako makapaniwalang magkapatid daw Sila ni Jacky?  Pinakita nya sa akin ang larawan noong maliit pa si Jacky kasama ang Papa nya nakalubog sa tubig. Kinumperma ko si Jacky nga ang batang yun.  At yun ang Papa nya..  Na Ayon kay K?  Papa nya rin!!

  Grabe..  Nagulohan ako bigla sa mga nalaman ko?  Paanu nangyaring 2nd family lang pala sila ni Jacky ni Tito Lorenzo?  Ibig sabihin mistress si Mama Louisa?  My God!!!!

   Ang buong akala namin na sumama Sa isang malanding babae ang Papa ni Jacky?  Yun pala?  Bumalik na sa totoong pamilya? 

   Nakaramdan ako ng awa para sa asawa ko.  Paanu nya kaya ito tatanggapin?  Lalo na't matagal na palang patay ang Papa nila? 

   Nag-aalala ako para sa magiging reaksyon ni Jacky..  Kahit nga ako nahabag dahil sa mga narinig ko..  Ayukong paniwalaan pero yun talaga ang totoo eh.. 

   Lahat ng mga sinabi ni K magkatugma lahat.. 

   Kaya naman malaki ang naging paghanga ko kay Karylle.  Dahil sa kabila ng mga nalalaman nya ay mas pinili nya paring isipin muna ang kapakanan ng kapatid nya bago isiwalat ang lahat..

Karylle:  "Kailangan ko ang tulong mo Vice? Para sa ikakatahimik ng aming Ama..  Gusto kong mabuo kami bilang isang pamilya?  Bilang magkapatid?  Alam Kong matagal na nyang inaasam-asam makita si Dad?  Siguro panahon na para harapin nya ang totoo? Wala na si Dad pero nandito naman kami ni Macoy na mga kapatid nya.. "

    Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.. Bago nagsalita..

Vice : "Wag kang mag-alala? Makakaasa ka K?  So?  Paanu natin sasabihin sa kanya? "

  Ang sumunod naming pinag-usapan ay Kung paanu?  Kung saan at Kung kailan namin sasabihin kay Jacky ang Totoo.. 

JACKY POV

    10 o'clock na ng Gabi pero wala parin si Vice..

   Nababagot na ako sa kakahintay sa kanya.  Ang sabi nya May dadaanan lang sya saglit pero bakit hanggang ngayon wala pa sya?  Nakakainis.. 

   Nakahiga lang ako sa sofa habang nanonood ng TV..

   Umuna narin ako na kain kasi gutom na ako..  Tinitext ko sya pero Hindi naman nagrereply.

  Kaya naman pagdating nya sinimangotan ko sya ng mukha sabay higa sa Kama..

Jacky :  "Kumain kana dyan..  Nauna na kasi ako.. "

Vice :  "Ay? Bakit naman? "

Jacky :  "Anung oras na kaya oh? "

Vice :  "Wag ka na magalit?  May dinaanan Lang akong mahalagang bagay.   "

   Sabi nito Habang nagbibihis saking harapan..

   Kaya naman tumalikod ako sa kanya..  Wag na wag nya akong madadaan sa pahubad-hubad nya. Bahala sya..

   Nakita kong pumasok ito ng banyo kaya agad kong dinampot ang hinubad nyang Damit.  Inamoy-amoy ko.  At sinuri ang bawat gilid.. Baka sakaling May mahanap akong ebidensya..

   Nagulat ako ng bigla ulit itong lumabas ng Banyo. .

Vice :  "Anung ginagawa mo? "

Jacky :  "Wala. ".

Vice :  "anung wala? "  nakangiti itong lumapit Sa akin..

Jacky :  "masama bang maghanap ng ebidensya? "

Vice :  "Eh may nahanap ka ba? "

Jacky :  "Wala nga eh.  "

    Tumabi ito Sa pagkakaupo sa kama.

Vice :  "Ikaw talaga... Kung anu-anu nalang naiisip mo.  Sa palagay mo talaga kaya kong mambabae ha? "

Jacky :  "Malay ko bah...? Kumain ka na nga dun? "

Vice :  "Sige...  Gutom na ako eh.. " sabay dagan sa akin..

Jacky :  "Akala ko ba gutom ka?  Bat ka naman nakapatong jan ha? "

Vice :  "Sabi mo kumain ako? Eh di kumain? "  haha..  Sabay halik nito Sa akin..

To be continued

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now