107) LOVE THIS WAY💕

466 16 1
                                    

Chapter Eighteen ( Page 107 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Angpaghaharap

JACKY POV

          UPANG Ma-enjoy namin lahat ang Gabi..  Nagkantahan kami tapos may kunting inuman rin.. Kasama syempre ang mga barkada namin pati sina Tito at Tita at parents ni Vice na talagang Game na game nakisabay sa amin.  Grabe ang cool 😎 nila kahit pa sabihing mga millennials kami nagagawa parin nilang makisabay.  Ang saya talaga..  Hehe.

      Yun nga lang paghawak na nila ang microphone 🎤 eh puro naman 90's 80's 70's ang kinakanta.  Haha.   Lalo na si Tito Henry..  Pangtawag ng tanghalan ang boses eh..  Dito yata namana ni Vice ang galing nito Sa pagkanta..  Parehas din malamig ang mga boses nila. 

      Ang nakakatawa lang talaga kumanta ay si Launch.   Grabe sakit sa tenga pag kumakanta..  Feel na feel paman din sana nya? Haha.  Parang ako lang eh.  Pero mas malala parin yung sa kanya.  Haha 😂

   Maya-maya nag excuse si Vice.

Jacky : "Saan ka Babe?"

Vice :  "May kukunin lang ako babe.. "

Jacky :  'Ahh OK.   "   pinisil Nya yung chin ko bago sa umalis..

   Ilang sandali pay dumating na ito dala ang kanyang laptop.. 

    May binulong kay Dawn na agad naman tumango.

Natigil yung kantahan at nagsalita ang Boyfriend ko sa gitna.
    May pagtataka sa isipan ko pero binalewala ko nalang kasi magpapasalamat lang yung boyfriend ko.

Vice :  "Ahm.  Nais ko pong magpasalamat sa inyong lahat na nakisaya  kasama kami ni Jacky sa gabing ito.  Tsaka syempre Sa pinaka maganda at pinaka mabait na landlady nakilala ko kasi pumayag syang gulohin namin ng ganito ang Garden nya ngayon.  Hehe..  Tita Vic?  Thank you po..

Tita Vic :  "Walang anu man..  Hehe"

Vice :  "Thank you din syempre sa pagtulong sakin ayosin ang lahat ng ito Dawn?  Anne at Vhong?  Salamat..  Of course salamat din sa walang ka-effort2x na pagpapanggap kanina nina Launch at Mika..  Sabi ni Babe sakin kanina pwede na daw kayong pangMMK dalawa.  Haha 😂 "

Launch :  "kami kaya yung pinakamahirap na parte noh.  Haha "

Mika :  "Oo nga. Haha 😂 "

Jacky :  "Heeeeh...  Naloko nyo ako. Haha 😂 "

Vice : "Syempre..  Salamat din talaga Sa walang sawang pagsuporta ninyo sa amin dalawa Ma Pa?  Tito Tita?  Kayo pong tumatayong Guardian sa relationship namin ni Jacky alam namin na hanggat nandayn kayo sumusuporta Sa amin ay mas lalong magiging matibay ang relasyon namin ni Jacky "

      Naiiyak talaga ako sa mga naririnig ko..  Sa kabila ng kaliwat-kanang pangungutya ang pinagdadaanan namin ni Vice andito parin yung mga taong mahal na mahal kami at walang sawang sumusuporta sa relasyong sinumulan naming dalawa. 

Vice :  "Ahmmm. Bago matapos ang gabing ito. At Since nagkakasiyahan naman po tayong lahat? Gusto ko lang sabihin at ipaalam na meron pang isang tao na gustong makisaya at gustong bumati sa ating dalawa Babe?  Alam ko na Hindi ito magiging madali para sayo pero alam ko din naman na Hindi mawawala ang Love dyan sa puso mo para sa taong ito? ".

      Inilapag nito sa harapan ko ang laptop...at tumabi sya sa akin. Grabe kinabahan ako bigla..  Anu to?

Vice :  "Hello po Mama Louisa? Good evening po? "

     Napalunok ako ng laway..  Unti-unting namasa ng luha ang aking mga mata..  Matapos ang ilang taon Hindi kami nagkaharap ng mama ko Hindi ako makapaniwala na makakausap ko sya ngayon..  Ang laki-laki ng hinanakit ko Sa Kanya..  Galit ako sa biglang pagkawala nya..  Gusto ko syang sumbatan..  Gusto ko syang tanungin..  Gusto kong malaman nya kung gaanu kasakit para sa akin ang ginawa nyang pag-abanduna sa akin..  Ngunit lahat ng kagustohang yun Hindi ko mahagilap sa ngayon.   Tama ang Boyfriend ko..  Pagmamahal parin ang mangingibabaw sa mga oras na ito. 

Jacky :  "Mama?  Mama ko? "

     Tuloyan ng bumagsak ang sunod-sunod na luha saking mga mata.

Mama Louisa :  "Anak ko?  Alam kong maraming mga tanong dyan sa isipan mo.. Pero anak?  Hayaan mong sabihin ko parin sayong Mahal na Mahal kita..  Miss na miss na kita Anak. "

Jacky :  "Mahal na Mahal ko din po kayo Mama..  Subrang miss ko na rin po kayo? "

Mama Louisa :  "Masaya ako para sa inyong Dalawa ni Jose Marie anak.   Magiging kampamti ang kalooban ko. Kapag kayo ang nagkatuloyan hanggang sa huli anak.. "

      Napangiti ako sa tinuran ng aking Ina. 

Jacky :  "Oo nga po.  Mahal na Mahal ako nito eh? "   tinaponan ko sya ng tingin na may kasamang ngiti. Magkaholding hand's din kami sa mga oras na yun.

Vice : "Wag po kayong mag-aalala Tita..  Makakaasa po kayong aalagan ko ang anak nyo "

Mama Louisa :  "Salamat naman Kung ganun.. Nakikita ko Kung gaanu nyo kamahal ang isat-isa..  Sana sa araw ng kasal ninyong dalawa eh maihatid ko man lang sa altar tong anak ko..? "

Vice :  "Matagal pa po yun Tita ah? Hehe Pero alam ko Mangyayari po yan Tita.. Diba Babe? "

Jacky :  "Oo naman..  "

         Wala na yatang katumbas ang kaligayahan sa puso ko sa gabing ito. At  Tila nabunotan ako ng tinik dahil sa wakas nakausap ko na si Mama.. 

To be continued

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now