104 ) LOVE THIS WAY 💕

431 10 2
                                    

Chapter Eighteen (  Page 104 )
Title :  LOVE THIS WAY💕
#Pagkukulang

JACKY POV

         TINIIS KO Yung sama ng loob ko dahil sa Kanya...  Hindi ko ma-imagine na after one month ng relasyon namin eh mangyayari ang ganito?  Galit ako sa kanya..  Galit na galit.  Ang sama-sama ng loob ko subra!!  Alam mo yung pakiramdam ng wala kang halaga?  Yun ang nararamdaman ko..  

      Nagpunta ako ng CR kasi di ako maka-Focus sa tinuturo ni Ma'am.  Isa pa..  Namamasa na yung mga mata ko sa luha..  Bakit ganun?  Akala mo perfect na lahat pero Hindi pala?  Lahat ng sweetness na pinakita nya lahat nabura dahil lang sa importanteng araw na to na kinalimotan nya...  Para akong tanga habang umiiyak sa salamin ng Comfort room namin..

    Mas pinili pa nyang makipag siyahan kina Anne at Vhong kaysa alalahanin ang monthsary namin?!  Samantala yung girlfriend nyang tatanga-tanga nandito umiiyak?  Huhuhuh 😥😥😥

    Agad kong pinahiran ang mga luha ko ng may biglang pumasok..

    Patay malisya nalang akong lumabas ng CR..  Nagulat ako ng magring ang cellphone ko...

    Si Vice?  Tumatawag..

Hindi ko sinagot..   Nagcall ito ulit kaya sinagot ko na. 

Vice :  "Hello babe?"

Jacky :  "Hello.... "

   Walang ka-feeling feelings kong sagot.

Vice :  "Text mo ako pag pauwi Kana huh?  Hindi kaba susunod dito? "

Jacky :  "Hindi.. Kayo nalang...  Tinatamad ako..  "

Vice :  "Tsk.  Anu ba yan?  Ngayon lang naman to babe eh..  ?"

Jacky : "Lasing Kana noh? "

Vice :  "Oi Hindi ah?  Nakainum lang... "

Jacky :  "Talagang nag-eenjoy ka dyan huh? "

Vice :  "Syempre mas enjoy sana Kung nandito ka ?"

    Pigil ang iyak ko Habang kausap ko sya.  

Jacky :  "Tsk.   Alam mo Babe? Sana nga nandyan ako..  Para man lang sana nakapag-celebrate tayo..  Kaso.. Wala eh."

Vice :  "Ha? Anung? ..........  Oh my God!!! Babe I'm sorry.  Ngayon ko lang naalala..  Huhuhuh..  Sorry talaga.. Nawala sa isip ko.. "

Jacky : "OK lang..  Masaya ka naman dyan diba? Sige lang.. Enjoy.  "

Vice : "Babe ? Please I'm sorry? Hindi ko talaga naalala..  Pwede pa naman tayong mag-celebrate diba?  Sige nah..  Hintayin mo ako sa boarding house huh? Magpapaalam lang ako kina Sir Vhong..

Jacky :  "Wag na oi..  Bat kapa mag-effort?  Patapos na yung araw oh.. "

Vice :  "Babe?  "

        Pinutol ko na ang pag-uusap namin dalawa... In-off ko rin yung cellphone ko para di na magring Hindi ko na kayang makipag-usap pa sa Kanya..  Malinaw na sa akin ang lahat..  Lahat ng meron kami?  Walang halaga sa kanya... Paanu pa kami magpapatuloy sa relasyong nasimulan namin Kung ganito lang din naman pala ang kahihinatnan ng lahat..

Mika:  "Jacky?!!  Kanina kapa namin hinahanap ah..  Bigla ka nalang nawala..? "

Launch:  "Sis?  OK ka lang?  Anung nangyari? "

     Bago ko pa naibuka ang mga bibig ko tumulo na yung mga luha ko.. 

Mika :  "Jacky? "

Jacky :   "Monthsary namin ngayon alam nyo ba yun?  Ang sakit lang kasi kinalimotan nya lang.. 😢😢"

Launch :  "Oh My? Baka naman nag-uulyanin lang..? "

Jacky :  "Launch..  Yung mga ganitong bagay Hindi dapat kinakalimotan?!"

Mika :  "Oo nga naman..  Bakit naman ganun?  Ang sakit nga nun huh.  "

Jacky :  "Subra.... "

Launch :  "Itagay nalang natin yan Jacky? "

Mika :  "Sira.... Wag ganun? "

Jacky :  "Gusto ko ng umuwi.. "

Launch:  "OH sige sasabay nalang ako sa inyo. "

     Napalingon kaming tatlo ng may tumawag sa pangalan ko..  Si Tom?

Tom:  "Jacky?  Ahm..  Nakita ko kasing umiiyak ka.  May problema ba? "

Jacky :  "Ahmm.  Wala..  Ahm..  Wala to Tom... "

Tom :  "Ah..  Ganun bah?  Uuwi na ba kayo?   Tara?  Palamig muna tayo? "

Jacky :  "ahh..  Sige Hindi na Tom..  Medyo masama kasi pakiramdam ko kaya gusto ko ng magpahinga.. Next time nalang? "

Tom :  "ahh.  OK sige.. Ganito nalang? Hatid ko nalang kayo pwede? "

Launch :  "Aba..  Bakit?  Masasakyan kana Tommy? "

Tom:  "Ahm.  Oo. Bigay ng Lolo..  "

Launch :  "Wow..  Naks naman!!"

Tom:  "So? Paanu?  Hatid ko na kayo ha?  Kukunin ko lang yung sasakyan..  Tas hintayin nyo nalang ako dito...?"

    Patakbo itong nagtungo ng parking..  Hindi na ako nakatanggi kasi tinatamad akong makipag diskusyon..

Mika :  "Wow ang gara ng kotse ah..  Ayos!!"

Launch :  "Iba na talaga datingan natin Tom ah? "

Tom :  "Hindi naman.. "

    Habang nasa loob kami ng kotse.. Nasa labas lang yung paningin ko..  Samot-saring emosyon yung nararamdaman ko. 

    Hindi pala ganito kadali ang lahat..  Kahit gaanu nyo pa kamahal ang isat-isa darating at darating parin ang pagkakataong may isa sa inyong maaring magkulang..

To be continued

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackDove le storie prendono vita. Scoprilo ora