30 ) LOVE THIS WAY 💕

570 10 0
                                    

Chapter Nine ( page 30  )
Title : LOVE THIS WAY💕
#Eksinadora

JACKY POV

     MEDYO nag-iba ang mood ko ng makita ko si Bella..  Paanu kasi noon hanggang ngayon walang pinagbago yung ugali nya..

    Sinulyapan ko si Vice.. Nakangiti ito pero di ako sure kong totoo o Hindi..

Billy:   " Magkakilala pala kayo? "

Bella :  "yes kuya Billy..  Classmates kami nong elementary.. Actually..  Close kami ni Jose Marie noon..  Diba?  "    ngumiti ito kay Vice na parang may ibig sabihin..  Wooh..  Sarap pitikin eh..

Vice:  "aah..  Ehh.. Oo.. " tipid na sagot nito."

Bella:    "hmm...   Si crush mukang nahihiya"  

   Nagulat ako Sa sinabi ni Bella.  Grabe?!  Napakaprangka naman Nya? Til now crush nya parin si Vice?  OMG?! Hindi man lang nya inisip na nakikinig ang ate Colleen nya at Billy?  Ibang klase talaga sya..  Sarap sipain eh noh?..  Nanggigil ako.

   Nakita ko nagblush ang loka kong kaibigan..  Mas lalo lang tuloy akong nainis.

Billy:   "Wow..  Babe..  Mukang alam mo na Kung sino magiging brother in law mo?"

   Sinakyan pa talaga ni Billy eh.. Kainis lalo!!.

Colleen :  "Well..  Why not? "   nakangiti nitong  sang-ayon.

   Hinayupak!! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko tuloy.  Sasabog na ako sa inis..
Pero teka lang?  Bakit ba kasi ako naiinis? 
Ewan ko..  Basta gusto ko lang..  Nanggigil ako kay Bella..  Hanggang ngayon eksinadora parin talaga.. Haaay naku..

   Tapos ito namang si Vice parang tood?  Parang gusto rin ang tinutukso sya kay Bella eh..

Vice:  "Hala..  Patay tayo jan.. "  sabay Hawi ng buhok nya.. 

Bella :  "OK lang yun..  Tanggap kita.  😂 haha "    biro ulit ni Bella..

Jacky :   "Ahhhemmm... Parang malamok anu?  " sabi ko na kunwari may pinapatay akong lamok Sa paa ko.

Bella :   "Malamok bah?  Hindi naman.  Si Jacky talaga.. Pero alam mo Jacky..  Napansin ko gumanda Ka.. Marunong Kana mag-ayos ah..  "   ( tumawa ito na parang nakakaloko.. )   "Dati kasi elementary kami gusgusin yang si Jacky..  Diba Jose Marie?? .Lagi ka nga tinutukso dati diba Jacky? Buti nalang nandyan yung tagapag tanggol mong si Jose Marie..  Bakit ba kasi ayaw mong magsuklay nun ha Jacky? "

    Grabe!!  Talagang inungkat nya Yun?  Wala talagang preno tong bunganga ng Bella nato ah? Nakakapikon nato ah..  Pigilan nyo ako..!  Pigilan nyo ako..!

    Tinawanan pati ako ng Mag-asawa.  Paglingon ko kay Vice tumawa rin..

Jacky:   "Late bloomer kasi ako kaya pasensya nah..  " mataray kong sagot..

Billy:  "Oh Nga naman!!  Ganda kaya yang pinsan ko.. "

   Haaay salamat meron ding kumampi sa akin.. 

VICE POV

     Nagulat talaga ako ng makita ko ulit si Bella.  Sa haba-haba ng panahon di ko inisip na magtatagpo ulit ang landas naming dalawa..

   Nakikila ko sya noon bilang isang mataray at palaban na klase ng babae. Pero nong mas naging malapit na kami Sa isat-isa..  Lalo ko syang nakilala..  She is so sweet and caring.. Yung tipong susuboan ka talaga nya kahit pa Sa harap ng maraming tao? Kahit pa Sa murang edad namin noon nagkaroon kami ng isang mutual understanding. 

    Yun nga lang.  Nong time na yun.  Yun din yung time na pakiramdam ko magdadalaga na ako kaya waley... Pinapakisamahan ko lang sya as a friend.. 

     Ngayon nagkita kami ulit..  Parang bumalik sakin lahat ng pinagsamahan namin. 

    Ang hindi ko lang talaga alam kung bakit ang bigat ng loob ni Jacky kay Bella noon.. Hindi Nya matanggap na meron akong mga ibang kaibigan na gusto ring makasama.

   Napaisip ako.  Hindi kaya dumating si Bella sa buhay ko ulit kasi para bigyang linaw ang kagulohan Sa isipan ko ngayon? 

   Mga kakaibang sensasyong nararamdaman ko Sa Best friend ko. Posible din kayang maramdaman ko yun kay Bella?

   Gusto kong subokan..  Gusto kong malaman...

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin