149 ) LOVE THIS WAY 💕

342 11 0
                                    

Chapter Twenty-five ( Page 149 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Karga

     MAAGANG NAGISING si Bella Upang Mag Jogging sa Plaza..

   Naka-headset at nakikinig ng music habang patuloy ang pag Jogging.

  Nakakailang ikot na rin sya sa Plaza kaya naman subrang pawisan na ang hitsura nya..

   Huminto muna sya saglit habang hingal na hingal.. Ng makabawi ay uminum sya ng tubig at muling tumakbo..

   "Bella!!! "

   Napahinto agad ang dalaga ng marinig ang kanyang pangalan..

Bella: "Oh Cardo? Ikaw pala? "

Cardo :  "Nakita kita kaya agad kitang nilapitan..  Dito ka pala Nagja-Jogging? "

Bella :  "Aahh.  Oo.  "

Cardo :  "Dito din kami madalas MagJogging ng pinsan ko eh kaso Hindi pa gaanung magaling ang paa nya kaya tigil muna kami Sa jogging.. Bored din kasi pag ako Lang mag-isa. ".

Bella:  "Aaahh.  Ganun bah? Napanu pala pinsan mo? " sagot nito habang pinupunasan ang kanyang pawis..

    Mula Sa likoran ng dalaga ay sumulpot ang iika-ikang maglakad na si Zanjo..

Zanjo:  "Oh insan? Dito ka lang pala eh? Bigla kang nawala sa 7/11 dito ka lang pala.. Sya ba yung crush na sinasabi mo huh? "😨😨😨😨😨

    Halos lumabas ang mga mata nila ng magtagpo ang kanilang paningin ni Zanjo at Bella? "

ZANJO POV

    ANAK NG TINAPA!!! Ito ba yung sinasabi ng pinsan kong crush nya?  Ang chik na gusto kong Jowain?

Cardo : "Oo insan..  Sya yung kinukwento ko sayo..  Si Bella! Ang ganda nya diba?"

Zanjo:  "Ikaw? "

Bella:  "Ikaw na naman

Cardo :  "Teka?  Magkakilala kayo? "

Zanjo:  "Ha?  Ahm... Hindi..   Hindi kami magkakilala.  "

    Nakita ko sa mga mata ni Bella ang mga katanungan Kung bakit ako nagsinungaling.. Ngunit sa pagitan ng aking mga tingin ay pinaintindi ko sa kanya na sumakay nalang muna.

Bella:  "Ah..  Oh.  Di kami magkakilala. "

Cardo : "Aahh.  Ganun bah? "

BELLA POV

    HINDI Talaga ako makapaniwalang mag-pinsan pala Sila my Gosh?! Pero sa totoo lang nagulohan ako dun sa pagkukunwaring ginawa ni Zanjo Kanina huh?  Bakit naman nya naisipang huwag sabihin kay Cardo na magkakilala kami?  At sabihing ako ang dahilan kaya sya Hindi makapag-jogging at makapaglaro ng basketball ngayon..  Pwede nya namang sabihin yun ah?  Pero bakit Hindi nya ginawa?  Bakit kaya?  Napaisip tuloy ako..

   PAGKATAPOS ng mga natuklasan ko Hindi na ako nagpatuloy pa sa pagtakbo..  At nagpaalam na akong umuwi..  Hindi kasi ako kumportableng makasama ko silang dalawa ng sabay.. Naiilang ako..

         SAKAY NG ISANG YELLOW BUS 🚌
sina Jacky at Vice pauwi sa kanila.

    Nang bigla itong huminto sa terminal ng Digos. ihing-ihing na si Jacky kaya bumaba ito upang Maghanap ng CR..

Vice :  "Samahan na kita? "

Jacky : "Babe?  Gusto ko itlog ng pugo? "

Vice : "Oo.. Bibili tayo mamaya.  "

    Nanatili sa labas ng Comfort room si Vice habang hinihintay ang paglabas ng nobya. 

Nakasandal lang sya sa ding-ding nang may napansin syang isang babaeng hirap sa pagkakarga ng kanyang sanggol..

   Umiiyak kasi ang baby at mukang naaalibadbaran dahil sa ingay at init ng paligid..

VICE POV

     Nakaramdam ako ng pag-aalala para sa baby..  At sa Nanay?

Nanay:  "Wag na mag-iyak huh?  Iihi lang si Mama huh?  Tahan na tahan na..?"

Vice :  "Ahm..  Ate?  Kung gusto nyo kargahin ko si baby? Para Hindi kayo mahirapan? "

    Wala Sa isip kong magpresenta..  Kusa nalang Lumabas sa bibig ko ang bagay na yun..  Sandali akong sinuri ng babae.  Bagay na alam ko Kung mapagkakatiwalaan ba ako?
   Maya-maya naman ay napansin kong ngumiti sya..

Nanay:  "Naku..  Salamat naman?  At ihing-ihi na kasi talaga ako..  OK lang bah?  Marunong ka bang kumarga? "

    Ang totoo nyan hindi pa ako nakakakarga ng baby..  Hanggang hawak lang ng kamay at paa ang ginagawa ko kapag may nakikita akong baby ng mga kaibigan at relatives namin.. Pero ngayon Ewan?  Bakit parang gustong-gusto kong kargahin saking mga bisig ang baby na to?  Gusto kong maramdaman Kung paanu maging Ama?  Kaya naman ang ginawa ko umoo ako kahit Hindi naman talaga ako marunong magkarga..

Vice :  "Oo naman poh.. "

    Maingat na inilipat saking mga kamay ang umiiyak na baby..

Vice : "Tahan na baby?  don't cry na? " malambing kong saad Sa isang anghel na aking hawak-hawak..

   At laking pasasalamat pa ng nanay kasi unti-unting tumahan ang sanggol..

Nanay : "Sige Utoy?  Mabilis lang ako huh?  Salamat talaga.. "

    At agad na itong nagtungo sa CR..

Ngiting-ngiti akong pinagmamasdan ang baby Habang sinisipsip ang sariling hinlalaki.. Ang cute-cute.  .😘😘

To be continued.

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now