75) LOVE THIS WAY 💕

489 12 0
                                    

Chapter Fifteen ( page 75 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Thedate

JACKY POV

     Ang usapan namin ni Vice sa may bakery nya ako hihintayin..  Para walang makakita sa amin  baka kasi makahalata na sina Dawn at Mika.. 

    Pagbaba ko ng tricycle nakita ko agad ang purmado kong Boyfriend..  Sakay ng isang kulay pulang sniper.. Hindi ko lubos maisip na ganito pala kagwapo ang Babe ko? Grabe..  Ngayon ko lang na-realized...

   Habang papalapit ako sa kanya nalanghap ko ang mabangong Perfume na Gamit nito. Halos patakbo ko syang niyakap..  Hhmmmmpppp

Jacky :  "Pogi...pogi naman ng babe ko.  Namiss kita. "

Vice : "Naku naman.. Nambola pa eh? I miss you too babe? " 😘 ki-niss nya ako sa forehead.. 

Jacky :  "teka lang babe?  Dyan tayo sasakay? Marunong ka ba magdrive? "

Vice :  "Oo naman..  Ako pa ba?  Hehe.. "

   Sinuotan nya ako ng helmet pagkatapos pinisil yung chin ko..  Kahit kailan talaga chansing tong Boyfriend ko..  Hehe 😊

    Iginapos ko saking dalawang kamay ang bewang ni Vice.. Habang nakasandal yung ulo ko sa likoran nya.   Oh diba ang sweet naming dalawa?haha😁  Medyo malayo-layo rin ang ibineyahe naming dalawa..  Buti nalang sinabihan nya akong wag magsuot ng dress kasi magjojoyride pala kami.

    Nang makarating kami sa beach na tinutukoy nya nagulat ako ng piniringan nya ang mga mata ko..

Jacky :  "Babe? Ikaw huh? Kailangan pa ba to? "

Vice :  "Babe?  Basta relax lang.  "

Jacky :  "baka madapa ako huh? "

Vice :  "Trust me.. "

   Ramdam ko na papalapit na kami sa dalampasigan gawa nong mga buhangin saking mga paa.

Vice :  "OK babe?  Ready kana? "

Jacky :  "Opo..... "

Vice :  "Chaaaaraannn?! "

    Nagulat ako sa mga nakita ng aking mga mata..  Isang maliit na table na may dalawang upuon.. Sa ilalim ng isang nakatayong Nipa na hugis payong.. Nakapalibot rito ang mga ibat-ibang kulay ng mga bulaklak..  Lumiliwanag ang paligid dahil sa mga hindi ko mabilang na nakasinding kandila.. 

Vice :   "Babe?  I hope you like it? "

    Niyakap ako ni Vice sa likod habang nasa mga balikat ko ang mukha nya.  Hinarap ko ang kanyang mukha at niyakap ang mga braso nyang nasa ibabaw ng aking tiyan.

Jacky :  "Babe?  Thank you?  Hindi ko akalaing may tinatago ka palang kasweetan? 😂"

Vice :  "Babe naman? "

Jacky :  "I love you Babe? Pakiss nga ako? "

    Mwah 😘😘

   Dinampian ko ng Halik ang aking nobyo..  Walang kasing saya ang nararamdaman ko.. Ito na yata ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko ang mahanap ang taong kukumpleto ng buhay ko.

Vice :  "Let's eat? "

    Nakwentohan kami habang ninanamnam ang mga pagkain lalo pang napasarap ang kain namin dahil Lahat ng nakahain ay seafoods.

Jacky :  "Babe? Na-miss ko to..  "

Vice :  "Sige lang kain ka ng marami ah?  Para naman magkabilbil ka? " hehe

Jacky :  "Hala?  Yuko nga?  Baka pag naging Chubby ako humanap na ng iba? "

Vice :  "Hindi kaya.."

Jacky :  "Sus?  Pag ikaw naman naghanap ng iba naku..  Ewan ko nalang.. "

Vice :  "Babe?  Hindi yun mangyayari..  Loyal ko kaya sayo..  "

Jacky :  "Hmmm..  Dapat lang Jose Marie?!   Ipapadala kita sa Marawi kapag nagloko ka haha 😂 😂 "

Parehas kaming napahalakhak sa Kung anu-anung pinag-uusapan namin..

   Pagkatapos naming kumain itinabi namin ang aming inuupoan habang nakatingin sa dalampasigan.. Nakahilay ang ulo ko sa dibdib nya.. At  Ramdam ko  rin ang init ng mga palad ni Vice na nakalapat sa mga balikat ko ...

VICE POV

      WALANG Kasing saya ng puso ko dahil kasama ko ngayon ang babaeng pinakamamahal ko..

Vice :  "Babe?  Thank you?  Kasi Simula noon hanggang ngayon hindi ka nawala sa buhay ko. Salamat kasi dahil sayo nahanap ko ang sarili ko.. "

Jacky :  "thank you rin?  Kasi hindi mo ako pinapabayaan..  At thank you Kasi minahal mo ako.."  

Vice :  "Syempre... Wag mo ako iiwan ha? "

Jacky :  "Hinding-hindi.. "

Vice :  "Pangako?" 🖐

Jacky :  "Pangako!" 🖐

    Dinampian ko sya ng halik sa mga labi at niyakap ng pagkahigpit-higpit..

   Sana hindi na matapos ang gabing ito.   Ang gabi Kung saan malaya kaming iparamdam ang pagmamahal ng bawat isa..

Vice :  "Mahal na Mahal kita Jacky 😍"

Jacky :  "Mahal na Mahal din kita Vice..😍 "

    At Muling naglapat ang aming mga labi..  Mariin at dahan-dahan..  Ito ang halik na kahit kailan ay hinding-hindi ko pagsasawaan..  Kapwa kaming nakapikit habang dinadama ang bawat galaw ng aming mga labi.  Saksi ang libo-libong mga bituin at ang liwanag ng buwan sa wagas naming pagmamahalan..

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now