162) LOVE THIS WAY 💕

363 7 0
                                    

Chapter Twenty-seven ( Page 162 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Magnanakaw

BELLA POV

   NAKASAKAY ako ngayon Sa LRT..  First time ko dito sa manila kaya nangangapa pa ako sa mga sakayan.. Next week na kasi ang wedding day ng pinakamamahal kong kaibigan na si Kim...

  Eh nakakahiya namang Hindi ako pumunta.  Kahit malayo kami sa isat-isa sinikap ko paring um-attend.. Sigurado kasi akong magtatampo sya. Haaays.  Kaya naman one week before bumyahe na ako.  Para naman ma-enjoy ko rin ang pagiging Manila girl. 

   Ito pala yung sinasabi nilang LRT?  Super sikip..  At talagang halo-halo na yung mga naaamoy ko..  Parang hihimatayin nako ng maamoy ang putok ng katabi ko..

  Bullsh*t!! Kung alam ko lang na ganito?  Sana nag taxi nalang ako!! Huhuhuh..  Pwede bang pumara sa may kanto?  Kainis naman..

   Para akong tanga nito..

Binunot ko ang nakasuksok kong cellphone saking bulsa  . Nanlaki ang mga mata ko ng wala akong madukot?!!  Ha?!!  Asan na ang cellphone ko? 

"my phone?  Where is my phone?!!! "

   Sigaw ko sa loob ng LRT.

Nagtinginan sa akin ang mga pasahero. Tiningnan lang nila ako parang mga tanga?!!  Ganito ba ang mga tao dito?  Walang paki?

    Inalala ko nalang kung paanu ito na nawala..  Tama!!!  May bumangga sa akin kaninang lalaki!!  Naka sumbrero!!!  Anak ng tinapa ka pag nakita kita..  Hinabaan ko ang aking leeg upang hanapin ang nagmamay-ari ng pulang sombrerong bumangga sakin kanina. 

   Sa di kalayuan..  May nakita nga ako dalawang nakasumbrero..

   Siniksik ko ang sarili ko sa masikip na daanan ng sasakyan..  Hanggang sa marating ko ang unang lalaki.. 

   Tiningnan ko syang mabuti pero Hindi ito ang lalaking bumunggo sakin kanina.

   Dumeretso ako sa pangalawang option..

   Biglang huminto ang LRT at nakita kong palabas na ang lalaki..  Agad kong hinabol sya at dahil sexy ako.  Haha.. Binigyan ako ng way ng mga kalalakihang nadadaanan ko..

Bella:  "Hoy!!  Kuya!!  Sandali!!! "

   Sigaw ko sa kanya..  Ng makita nya ako.  Agad nitong binilisan ang paglalakad.  Anak ng tipaklong!!!  Nasa kanya nga ang cellphone ko!!!  Kahit bilhan pa kita ng cellphone ibalik mo lang mga contact's ko!!

Bella :  "Hoy!!!  Magnanakaw!! Magnanakaw!! "

   Wala na akong choice kundi ipagsigawan na magnanakaw ang paalis na lalaking yun!!!

  Pagtapat ko sa may exit..  May nakaharang.  Anu to?

"Miss?  Yung card mo kanina nasaan?  Insert mo dito ulit? "

   Sabi nong isang lalaki.

"Haa?  Hindi ko alam eh.  Na miss placed ko yata?  Pwede bang balikan ko nalang?  May hinahabol akong magnanakaw eh.  Basta balikan ko nalang ha? "

   Walang  sabi-sabi kong tinalon ang bakal na nakaharang!!

"Oi miss!!!! Kailangan mong bumili ng bagong card!!!! "  sigaw ng lalaki..

  Bala sya dyan..  Sabing babalikan ko nalang eh..

  Patakbo akong bumaba..  Tanaw ko ang lalaking tumatakbo.. 

"ibalik mo ang cellophane ko!!! "

  Sigaw ko habang nasa taas ako ng hagdan..

    Nagulat nalang ako ng may biglang mala FPG na kamao ang humablot sa kulukoy na magnanakaw.. 

   My hero!!!  Dali-dali akong bumaba upang makatadyak man lang ng isa sa kasalukoyang binubugbog na magnanakaw..

JACKY POV

    AFTER NG nakakapagod na pangangarera namin ng Mahal kong si Vice. Ay kumain na kami at nagpahinga..

   Nagkukwetuhan kami habang magkatabi sa paghiga..

   Napagdesisyonan naming buksan na sa lalong madaling panahon ang restaurant.. 

  ViceJack  ang ipinangalan ko sa restaurant dahil gusto kong ipagsigawan sa lahat na ang nagmamay-ari ng bagong open na restaurant ay isang Couple forever.. 

Vice :  "Babe? Gusto ko sanang mag bakasyon tayo Next month sa atin? Miss ko na sila dun eh..? "

Jacky :  "Hmm.  Sige why not... Nandyan naman si Launch na pwede nating pagkatiwalaan at the meantime"

Vice :  "Sabi mo yan ha? "

Jacky :  "Oo naman..  Kailan ba kita Hindi pinagbigyan huh? "   nakangiti kong saad sa Kanya..

    Niyakap nya ako at hinalikan Sa noo. 

VICE POV

    NEXT MONTH!!  next month ko isasagawa ang planu kong proposal..

   Tutuparin ko ang aking ipingakong proposal sa ilalim ng Punong Manggang tambayan naming dalawa..  Perfect place para hingin ang kanyang "I do.. "

   Excited na ako subra..  Ibinahagi ko narin kina Mama at Papa. Tita Amy at Tito Joey nya ang pinaplanu kong proposal kaya pati sila ay nanabik narin.. Hindi na ako makapaghintay..  Gustong-gusto ko ng tuloyan ng maging sagrado ang pagsasama namin ni Jacky. At isa pa..  Gusto ko na rin talagang magka-baby..

    To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now