54) LOVE THIS WAY 💕

392 9 0
                                    

Chapter Twelve ( page 54 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Loading

         ISANG SUNTOK ulit Sa panga ang natamo ni Vhong.  Agad naman pumagitna ulit si Vice sa dalawa..

Vice :  "Tol?  Uwi na tayo.. "

Jacky :  "Sir mas makakabuti Kung next time nalang kayo mag-usap? "

      Pagkatapos masuntok ng dalawang beses hinayaan na ni Vhong silang umalis..

Na sya namang paglabas ng mga natirang naSa loob na sina Tom, Dawn at Mika.. Habang nakabuntot rin Sa kanila si Bella.

Mika:  "Naku naman..  Iniwan na nila tayo?"

Dawn:  "Hayaan mo na..  Alam mo naman ang nangyari.. "

Tom:  "Taxi nalang tayo pauwi.. "

      Himas himas ni Vhong ang kumikirot nyang panga..  Dahil Sa lakas ng suntok ni Anne.. Humingi rin sya ng paumanhin Sa tatlong natirang magkakaibigan..

Bella :  "Kuya?  Nasan na sila Vice?  Si Anne?"

Vhong :  "Umalis na sila...  I'm sorry "

Bella :  "😨"

Vhong : Tara?  Pasok na tayo.. "

        KASALUKOYAN silang nasa boarding house ni Vice Habang sinusubokang pakalmahin ang kanina pang nagwawala na si Anne..

Jacky :   "Inum kapa ng tubig Te Anne? "
    Ate ang tawag nya rito noon paman..

Vice :  "Tol mauubos mo na ang isang petsil ah? Masyado ka bang nauhaw Sa laban mo kanina? "   pagbibiro nito..  Baka sakaling tumalab..

Anne:     "Hindi lang yun sana ang aabotin nya sakin eh..  Nanggigil ang mga kamao ko Sa Kanya😠 "   uminum ulit ito ng tubig..

Vice :  "Relax lang.. Buti hindi namaga tong kamay mo nakasuntok Tol?  Namula lang eh oh?  "    sabi nito Habang sinusuri ang mga kamay ni Anne..

Jacky :  "naku Sis?  Ibahin mo yung kamay mo Sa kamay ni Anne noh?! Haha😂 dami na siguro nasuntok yan kaya ganyan. "

    Hindi napigilan ni Jacky ang tumawa. 

Anne :  "Nakasuntok kana Tol? "

Vice :  "One time nong may nangbastos kay Jacky sa bar "

Anne :  "Talaga?  Hayop naman tol oh?  Manang-mana ka pala sakin eh!!!! "    sabi nito Habang nakikipag spadahan ng balikat kay Vice.. 

Vice :  "Syempre...  Pababayaan ko ba naman itong si Jacky"

Anne :  "naks naman!!!!  Sagotin mo na kaya tong Utol ko Jacky?  Para naman tuloyan na tong maging superman!!! "

Tumaas ang isang kilay ni Jacky na tila nagtatanong..?
   Isang malakas na batok tuloy ang tinamo ni Anne mula Sa kinakapatid.

Anne :  "arrray naman?  Tol?  Joke lang..  Joke lang yun Jacky ha? Pwede ring tutohanin Kung gusto nyo?  😂 haha "

Vice :   "loko -loko ka talaga. "   lihim na tinatapakan ni Vice ang mga paa  ni Anne..

Jacky :  "Sis?  Bagay raw tayo oh? " natatawang saad nito..

Vice :  "Tao tayo tao.   Hindi tayo bagay... "

Jacky :   "Ouch sakit naman nun.. "  haha 😂 haha. Reaksyon ng dalaga..

     Napaaray nalang si Anne sa ginagawa ni Vice sa paa nya..

Jacky :   "Makauwi na nga..  Baka andun na sina Dawn at Mika sa boarding house.. Sis?  Una nako ha?  Te Anne?  Bye 👋 "

Anne :  "Ingat Jacky" 👋

Jacky :   "ingat sila sakin😉 "

Vice :  "hatid na kita Sis..."

      Matapos ihatid ni Vice si Anne sa boarding house nito.  Agad nitong binalikan si Anne

Vice :   "Tol?  Baliw kaba?  Muntik na akong ma-hot seat  sa ginagawa mo eh? "

Anne :   "Ang hina mo kasi Tol?! Tinutulongan Kana nga eh oh? Sabi ko na Bagay kayo?tapos  Binasag mo naman eh..  Badtrip naman tol oh?  Paanu ka magiging ganap na lalaki nyan tol?  Tuturpe ka?!  Huh? "

Vice :   "Nagmamadali?  Nagmamadali?    Kailangan ko muna Mag transform bago ang ligawan na yan tol?   Sa tingin mo sasagotin ako ni Jacky ganitong babakla-bakla ako?"

Anne :  "Sus!!!  Wala nang transform2x Tol?! Matatagalan tayo jan eh?  Pang Optimus prime lang yan eh? "

Vice :   "Haaay naku..  Ewan ko sayo Anne? Basta diskarte ko To.. "

Jacky :   "Bahala ka.. Pag ikaw naunahan ng Tom na yun?! Sigurado akong kay Bella ang bagsak mo..  Haha 😂 "

Vice :   "Bat naman tayo napunta kay Bella? "

Anne :   "Tol?  Dios ko naman?!! Kakakilala ko palang kay Bella pero napansin ko na ang lagkit ng mga tingin Nya sayo. Hangang-hanga talaga ago sayo  . Lakas ng karisma mo ah?  Binabae kapa nyan huh?  Panu na kaya Kung magtatransform ka? "  sabi nito sabay kindat.. 

Vice :  "loko-loko ka talaga..  Kung anu-anu nalang napapansin mo "

Anne :   "pero seryoso Tol?  Balik tayo Sa Jacky mo ha?  Ito seryosong tanong ko lang to..  Paanu Kung sagotin na ni Jacky si Tom?   Kakayanin ba ng beauty mo yun huh? "

    Sandaling natigilan si Vice.  Nag-isip..

Anne :  "Oh diba?na-  Loading ka Tol? Kaya Kung ako sayo.  Gurabels na ako!!! Pak ganern?!!!    pak pak ganern! ganern! ".

Vice :  "Ewan ko sayo?!  Matulog kana nga?!  Dami mong nalalaman eh.. "

      Natatawang humiga si Anne at nagtalukbong ng kumot.

   Naiwan naman Sa isipan ni Vice ang mga sinabi nito.  Kung magiging paanu nga ba? Kung sagotin nga naman ni Jacky si Tom?  Tila mawawalan sya ng pag-asa at tiyak na guguho ang kanyang mundo kapag nangyari yun.

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now