58) LOVE THIS WAY 💕

381 8 0
                                    

Chapter Thirteen  ( Page 58 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#matasamata

        PAGAKATAPOS ng isang masinsinang pag-uusap ni Bella Kay Jacky.. Minabuti nitong magmukmok Sa kwarto habang malalim na pinag-iisipan ang mga magiging hakbang upang makamit ang pag-ibig ng taong matagal ng itinitibok ng kanyang puso..

      Kailangan nyang maging malakas at maging palaban dahil alam nyang hindi biro ang kanyang kabangga na si Jacky...  Wala na syang ibang maisip na paraan Kung kaya't marahil kinakailangan nya ng tulong mula Sa isang taong labis din ang pagmamahal....

    Dali-daling dinukot ni Bella ang kanyang cellphone Sa kanyang bulsa at nagsimulang magDial..

Bella :  "Hello? ""

Nasa kabilang linya:  "Hello?  Napatawag ka Bella? "

Bella :  "I think we need to talk? "

Nasa kabilang linya:  "tungkol saan? "

Bella :  "Magkita nalang tayo Sa coffee shop "

Nasa kabilang linya:  "OK.  "

    Mga ilang sandali ay narating din ni Bella ang coffee shop Kung saan magtatagpo silang dalawa ni Tom..

    Kapwa seryoso ang mga mukha nila Habang nag-uusap..ikinuwento nya rito ang mga pinag-usapan nila ni Jacky at ang pag-amin nitong may lihim din pagtingin kay Vice..  Halos hindi makapaniwala si Tom sa mga narinig.  Labis-labis ang sakit na kanyang nadarama..  Paanu na ang pagmamahal nya para Kay Jacky?  Gayong iba pala ang tinitibok ng puso nito. ..

Tom :  "Hindi ko kayang paniwalaan ang lahat ng tong sinasabi mo Bella.   Paanu mo na-take sabihin ng lahat ng to sakin gayong alam mong masasaktan ako?! "

Bella :  "Pasalamat ka nga kasi sinabi ko sayo..  Now....  You have enough time to win!! Win the hearts of Jacky?! Gaya mo rin lang ako Tom.. Umaasang mahalin. Pero ako? Handa kong ipaglaban ang taong Mahal ko eh ikaw?  Kaya mo din bang lumaban? "      hamon ng dalaga Sa Kanya..

Tom :  "Mahal ko si Jacky...  Hindi man ang pangalan ko ang nakaukit sa puso nya ngayon..  Alam kong mapapasaakin sya pagdating ng panahon.. "

Bella :   "Kailan pa Tom?  Kapag huli na ang lahat?  Kailangan mo ng kumilos. Do your moves and I'll do mine... "

      Matapos ang pag-uusap nilang dalawa umuwi si Tom na parang balisa Sa mga natuklasan..

TOM POV

       Hindi ako papayag na mapunta ka Sa baklang yun Jacky..  Tayo ang para sa isat-isa... Hindi mo ko pwedeng gagohin Jacky!!!  Pinapaasa mo lang pala ako!!!

     Nasa kwarto ako ngayon katabi ko ang maliliit na bote ng beer.. Wala akong ibang gusto kundi ang maglasing..  Kaya pala hanggang ngayon hindi parin ako sinasagot ni Jacky kasi meron palang ibang laman ang puso nya!!  "Lintik ng!!" dumapo ang mga kamao ko sa pader. Sa labis na galit na nararamdaman ko. 

      KINABUKASAN Sa wakas na-discharge rin ang Ama ni Anne sa Hospital.. 

Jacky :  "Sana tuloy-tuloy na ang recovery ni Tito.. "

Vice :   "sana nga "

   Pag-uusap ng magbest friend Habang inihahanda ang kamang hihigaan ng pasyente pagdating Sa bahay..  Nagpresenta naman si vhong na ihatid ang mga ito Sa gamit ang kanyang sasakyan upang Hindi sila mahirapan..

   Sinilip ni Jacky ang bintana matapos marinig ang busina sa labas.

Jacky :  "Sis nandito na sila.  "

    Tulong-tulong silang umalalay sa pasyenting hirap sa pag-galaw kaya ng sa wakas ay nasa maayos na ang kalagayan nito Sa hinihigaan at nakapagpahinga ay laking ginhawa narin nila..

Jacky :  "it's time to cook na.  Ako na muna bahala sa kusina Te Anne huh? "

Anne :  "Salamat Jacky "

Vice :  "Sige Sis..  Gutoms na talaga ako.. Super Sir Vhong?  Salamat huh? "

   Tumango lang ito at ngumiti..

    Agad nagtungo ang dalawa Sa kusina...

Vhong :  "So panu?  Mauna na ako. Anne? "

Anne :  "Sige salamat ha? "

Vhong :  "Wala yun... Sige..  Alis na ako? "   paalam nito..

Anne :  "Sandali?  "

Vhong :  "Yes Anne? "

Anne :  "Baka gusto mong sumabay ng haponan sakin?  Este Sa amin ibig kong sabihin..  Kung....  Gusto mo lang naman? "
   Naiilang na alok ni Anne sa dating nobyo..

    Tila naman nagulat ang binata Sa naging alok ng dating kasintahan kaya hindi nya napigilan ang labis na kagalakang nadarama..

Vhong :  "Oo naman!!  Sige bah?😍 "

   Nanatili si Vhong Sa Salas nanonood ng TV. Si Anne naman ay nasa tabi ng kanyang Natutulog na Ama..

Patuloy naman Sa paghahanda ng makakain sina Jacky at Vice..

Habang naghihiwa ng kamatis bawang sibuyas at luya..  Hindi mapigilan ni Jacky ang kabahan.. Naalala nya kasi ang mga pag-uusap nila ni Bella noong nakaraang araw.

Jacky :  "Sis?  Napansin ko lang?  Bat parang nakikita ko si Tutoy ngayon ah?  Stress kaba o talagang trip mo lang yan ngayon? "

Vice :  "Wala....  Tinatamad lang siguro akong mag-ayos alam mo namang nakakaloka ang mga nangyayari lately "

Jacky :  "Aahhhhh..  OK..  Akala ko kasi nagbabalik loob kana.. "   pagbibiro ng dalaga ..

     Natawa naman si Vice pero saglit lang agad ring sumeryoso ang mukha nito.

Vice :  "Bakit Jacky? Sa tingin mo kapag nagpakalalaki ba ako?  Tatanggapin kaya ako ng babaeng mamahalin ko? "

     Seryosong tanong ni Vice sa dalaga.. Bahagyang iniangat n Jacky ang paningin upang tagpoin ang mata ng kaibigan.. Sandali silang nagkatitigan..


To be continued....

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now