84) LOVE THIS WAY 💕

429 10 0
                                    

Chapter Sixteen ( Page 84 )
Title : LOVE THIS WAY💕
#Maarti

VICE POV

       Habang naglalambingan kami ng girlfriend ko nakaramdam ako ng pananakit ng gilid..  Naiihi na yata ako..  Paanu ba to?  Hindi pa ako nakakapunta ng banyo kasi masyadong masakit pa ang sugat sa tyan ko. 

Vice :  "Babe? Patawag naman ako kay Mama oh? Naiihi kasi ako eh..? "

Jacky :  "Ha?  Kausap nya pa yata ang doctor eh.  Ako nalang?  Anu ba gagawin ko? "   pagpe-presenta nito.

Vice :  "Babe naman eh?  Sige na?  Naiihi nako.   "

Jacky :  "Grabe ang arti naman nito.   Diba ito lang naman ginagamit mo? "   hinawakan nito ang isang plastic bottle Kung saan ako umiihi..

Vice :  "Babe? Sira ka talaga..  Wag mo nga hawakan yan?! Babe naman eh? "

Jacky :  "Babe ang OA mo?!  OH?!  Umihi ka na nga? "   natatawa nitong inabot sakin ang bagay na yun..

    Parang gustong umurong ng ihi ko Sa hiya eh..  Naiilang akong umihi talaga..  Hirap pa naman akong ibaba yong pajamang suot ko..  Huhuhuh!!! 

Vice :  "Wag kang titingin? "

Jacky :  "Hindi kaya.. "  saad nitong pigil ang tawa..

   Ipinasok ko sa kumot ang plastic bottle at bahagyang tumagilid..  Wooooo.. Kahirap talaga..  Buti nalang pumasok si Mama..

Vice :  "Mama?  Tulong please? "

Jacky :  "Naku Tita.  Ang arti-arti ng anak nyo ayaw magpatulong sakin.. "

Mama Martha :  "Aba?  Ang anak ko talaga..  paanu na kapag mag-asawa na kayo ni Jacky tatawagin mo parin ang Mama mo? "  nakangiting pahayag nito.

Jacky :  "Kaya nga.. " haha.

Vice :  "Hala..  Iba naman yun..  Syempre baka di nako mahihiya nun.  " haha 😂 😂

   Sa Wakas nakaihi na rin ako..  Hirap kasi pag ako lang..  Hindi ko naman maigalaw ang isa kong kamay..

    Nahihiya rin talaga akong pagserbisyohan ni Jacky gaya nito..  Basta..  Nako- conscious lang akong makita nya ang bagay na yon sakin..  Nakakahiya kaya..  Haha 😂 😂 😂

     Sabay kaming napalingon ng may kumatok sa pinto. 

Mama Martha :  " pasok. "

    Sina Anne pala.  Kasama si Vhong?

Anne :  "Magandang umaga po? "😊

Vhong :  "Good morning po. "😊

   Nagbigay galang ang dalawa sa Mama ko.
Ang laking pagtataka ko..  Naka holding hands silang nakapasok?  Huli pala namin silang dinalaw kahapon..  yung nanharana si Vhong sa kanila.  At Yung gabing nasaksak ako.

Mama Martha :   "Buti naman napadalaw kayo Anne.. Kamusta na pala Papa mo? "

Anne :  "Maayos na po ang lagay ng Papa Tita.. Salamat nga hoh pala sa tulong nyo ni Tito..  "😊

Mama :  "Aba. Wala yun..  Pamilya tayo kaya dapat lang magtulongan.  Sino nga pala itong kasama mo?  Nobyo mo?"

Anne :  "hoh?  Aaahmmm"  nagloading ang  isip ni Anne ..

Vhong :  "Ahmm..  Opo Tita..  Nice to meet you poh.. "

Jacky :   "Wow!! Talaga?  Kayo na ulit?  OMaayy Gaaaad?! " hehe..  Kinikilig nitong reaksyon..

Anne :  "Ahmm..  Oo..  Hehe... Sya nga pala Tol?  Kamusta na ang lagay natin? OK Ka na ba? Nataranta ako ng malaman kong nangyari kagabi ah..  Kakatawag lang sakin nitong jowa mo kanina..  Hindi ko na natapos labahan ko sa kaba eh..  Buti naman OK kana? "

Vice :  "kaya nga eh..  Baliw kasi talaga yung mukong na yun! Gusto pa namang hiramin si Jacky sakin?! Gago talaga.. "

Anne :   " naku pag nakita ko yun..  Bugbog sarado sakin yun "

Vhong :  "Oo nga lakas kaya nitong manuntok.. "    Sinampolan ng isang mahinang suntok ni Anne si Vhong sa braso.    Ganun lang talaga sila maglambingan..

   Masaya akong makitang masaya ang kinakapatid ko  . Sa wakas pinili nya na ring palayain ang puot sa kanyang puso..  Parehas pa kaming nahanap muli ang aming mga sarili..  Sa piling ng aming mga minamahal.

      ILANG ARAW din namalagi si Vice sa Ospital.  Dumadalaw dalaw parin ang mga kaibigan nila at barkada..  After class ay dumederetso si Jacky sa ospital upang alagaan ang nobyo..  Nakakagalaw galaw narin si Vice at nakakatayo..  Nakakaihi narin itong mag-isa sa banyo. 

   Kahit nahihirapan dahil nga  bukod sa sariwa pa ang mga sugat Sa kanyang katawan.. hindi rin nya maigalaw ang kanang Kamay dahil nakatali  ito sa isang kulay bughaw na tela na nakasabit naman Sa kanyang kabilang Balikat..  Sinadya ito upang hindi mabinat ang tahi sa malalim na hiwa ng kanyang kanang braso..

   Napagpasyang hindi muna papasok si Vice sa school at susubokang pakiusapan ang mga professor na magHohome class nalang muna ang anak nila..  Upang mapadali ang pag-galing nito.  Kumpyansa naman ang mag-asawang makakapasa parin ang anak pagdating ng exam dahil matalino naman ito.

   Isa o dalawang linggong hindi papasok sa school si Vice.. Bilang advice ng doctor..  At para mapadali ang pag-galing nito..

    Bakas sa mukha ni Jacky ang lungkot ng malaman ang sitwasyon..  Dalawang linggo silang mawawalay sa isat-isa? 😢



To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now