142) LOVE THIS WAY 💕

407 11 2
                                    

Chapter Twenty-three ( Page 142 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#HabolinMoAko

JACKY POV

       Ngayon lang ulit kami magpi-picnic ni Vice...  Bilang isang magkasintahan... Kaya naman buong araw kami mag-spent ng time sa lugar na ito.

    At masaya akong nakabalik sa lugar Kung saan maraming ala-ala ng aming kamusmosan..

Jacky :   "GOSH!!!!  Ang daming bunga!! Anu babe?  Alam mo na gagawin mo huh?" haha... 😂

   Dati-rati..  Ako yung mala-unggoy na umaakayat sa punong ito.. Hehe..  Bihasa ako sa pag-akyat ng mga puno ng mga bata pa kami eh  . Ang arti-arti kasi ng maganda kong best friend noon..  Na gwapong boyfriend ko na ngayon.!! Haha oh diba?  Sino bang mag-aakalang magiging kami?  Kahit nga sa panaginip di ko talaga naisip yun..  Pero yun nga?  Heto kaming dalawa..  Masayang binabalikan ang mga nakaraang nagdaan..  Na kahit kailan..  Kapwa naming hindi makakalimotan..

Vice :  "Babe?  First time kong aakyatin to?  Sure ka di mo ko pipigilan? "

Jacky :  "Ehhhh..  Sige na? "

Vice : "Ehh..  Nanginginig tuhod ko eh..? "

Jacky :  "Eh bakit pag langit kaya mong akyatin?  Babe?  Mangga lang yan eh oh?  Haha 😂 "    pilyang biro ko sa kanya... 

  Gusto ko lang syang pagtripan.  Hehe..

Vice :  "Iba naman kasi yun..  Hehe "

    Ngiting-ngiti itong hinakbang ang paa paakyat.. 

   Haha 😂..  Ang cute nyang tingnan habang umaakyat..  kaya naman kinuhanan ko sya ng picture's.. 

Jacky :  "Dahan-dahan lang huh? Baka mauna ka pang mahulog kaysa bunga babe huh?  Haha 😂 "

Vice : "Pag ako nahulog..  Salohin mo ako.. "

Jacky :  "matagal na kitang nasalo oi..  Haha 😂 "

Vice :  "Haha..  Sapol na sapol talaga babe?"

Jacky :  "Oo..  Bull's-eye!!! 💘"

MAKALIPAS NG ILANG SANDALI.

      HAAAY SALAMAT...  Makakain na ulit ng mangga.  Lahat ng hilaw sa akin.. Yung hinog nasa kanya.  Hehe..  Ganun talaga..  Iba-iba kami ng trip eh.. 

   Kanya-kanya kami ng talop habang nagkukwentuhan.. Magkatabi kaming Nakaupo sa harap ng Di kalayoang tanawin ng Water dam... Habang kapwa nakasandal ang aming likoran sa puno ng Mangga...

Jacky :  "Buti nalang Hindi tinuloy ng Papa mo na ibenta tong lupa babe ah? "

Vice :  "Kaya nga eh.  Napigilan yata ni Mama..  Tsaka...  Sabi ni Mama..  Ipinangalan na daw to sa akin.. "

Jacky :  "Talaga?  Eh di mabuti?  Iiyak talaga ako kapag nawala ang lugar na to..  "

Vice :  "Kaya nga..  Sa dami ng memories natin dito hinding-Hindi ko to Kayang  e-give up.. Pag nag propose ako?  Dito ko gagawin? " hehe

Jacky :  "Weeeh?  Di nga?  Haha... Malayo pa yun babe oi.  "

Vice :  "Walang malayo at malapit sa taong gusto kang makasama habambuhay?  "  

    Halos magkalapit na yung mga mukha namin sa isat-isa.. 

    Magkalapat ang aming mga ilong habang nakangiti..  

   Dahan-dahang ibinaba ng aking nobyo ang kanyang mga labi.. 

    Dahil sa kapilyahan ko..  Agad ko syang sinubuan ng isang hiwa ng mangga..  Haha..  Panu kasi Ki-kiss na naman?! Haha..  Gusto ko muna magpakipot.  Bala sya jan.  Haha 😂

Vice :  "Eeeeh.. Ang asim..  Babe naman eh?"

Jacky :   "Charap-charap kaya? "

Vice : "Bala ka dyan..  Yuko nyan  . Masaya na ako dito..  Matamis.. "

    Sabay kagat sa hinog na mangga..

Jacky :  "Aaah ? So paanu Kung isa akong manggang hilaw?  Ibig sabihin ayaw mo na akong tikman? Kasi ang asim-asim ko na? "

Vice :  "Syempre ayaw!!! "

Jacky :  "Aah..  Ganun? Sige! "

Vice :  "Haha..  Joke nga lang...? "

    Ikinulong nya ang aking ulo sa kanyang mga bisig habang hinahalik-halikan ang aking ulo.

   Pilit akong kumawala hanggang sa nakatayo ako.. 

Jacky :  "Bahala ka dyan.. "

    Hinakbang ko ang aking mga paa patakbo..

Vice :  "Oi babe?  Saan ka? "

Jacky :  "Habolin mo ako Jose Marie?!! "

    Nilingon ko sya at kinindatan.. 

Vice :  "WOW..  Gusto ko to..  Sige..  Pag ikaw naabotan ko..  Hmmmp.. "😋

   Para kaming mga batang naghabolan sa damuhan..  Dati-rati ang Habolan naming dalawa ay isa lamang pambatang laro. Ngunit ngayon ay isang romantic moment para sa magkasintahang kagaya namin ni Vice  .   Yung tipong  hinahabol ka?  Tapos kailangan Hindi ka nya maabotan..  Pero gugustuhin mong bagalan ang takbo kasi para yakapin ka nya?  Ang Sarap sa pakiramdam..

Vice :  "Huli ka!!!  Haha 😂 "

   Niyakap nya ako mula sa likoran at inikot sa ere..  Nang makaharap ako sa Kanya..  Muli nya akong binuhat at muling inikot Sa kawalan..  Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin..  Habang masayang pinapakinggan ang tawa at hagikhik ng isat-isa..

     Ilang Segundo ng isang nakakahingal na takbohan at ikotan. Muling nagtagpo ang aming mga mata..  At maging ang aming uhaw na mga labi. 💋

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now