38 ) LOVE THIS WAY 💕

420 11 0
                                    

Chapter Ten ( Page 38 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Deleted

   PAGDATING nila sa boarding house..

Jacky:  "salamat sa pagsundo at paghatid Tom ha? Gusto mo pumasok muna? "

Vice :  "Tom?  Pagpahingahin mo na muna si Jacky.   Galing byahe eh diba?  Parang hindi naman kayo magkikita bukas eh .diba? "

     Bahagyang siniko ng dalaga si Vice..

Tom:  "oh nga naman Jacky.  Sige mauna na ako ha?  Tulog ka muna Jacky.   Kailangan mo ng pahinga.. "

Jacky : " salamat ulit Tom.. "

Vice:  "salamat Sa libre Tommy.. Sa uulitin ha?  Hehe " biro nya..

Tom:  "Ahhh..  Sya nga pala Jacky? Ahhm... Para sayo "

    Nagulat si Jacky ng may hinugot si Tom sa loob ng jacket nya.  Isang kulay pink na rosas.. Kanina pa pala ito nakatago Sa loob ng jacket nya..

Jacky:  "Wow..  Ang sweet naman..  Color pink?  My favorite color..  Thank you Tom..  Ikaw talaga.. Hindi ko akalain may pa- surprise kang nalalaman huh? "

     Nakangiti at kinikilig na sabi ni Jacky.. Para namang binuhosan ng malamig na yelo ang katabing si Vice..

Tom:  "masaya akong nagustuhan mo Jacky. "

    Inamoy-amoy ng dalaga ang bulaklak..

Vice :  "oh baka magkaugat na yang rosas na Hawak mo Jacky huh?  Makapasok na nga Sa loob.. "

   Tumawa lang ang dalawa..

Jacky : "Pasensya Kana kay Vice huh?  Lam mo naman bitter Lang yun. "

Tom:  " OK lang Jacky..  Wala sakin yung pang-aasar ng best friend mo..  Ang mahalaga naman kasi sakin ikaw?  Yung tayo? "

Jacky: "Salamat Tom huh?  Na-appreciate ko talaga.. "

    Hinawakan ng binata ang mga Kamay ni Jacky.

Tom:  "Ako nga dapat magpasalamat Jacky eh..  Kasi binibigyan mo ako ng time para makasama ka. "

Vice:  "Hoooy!!!  Jacky?!! Diba sabi ni Tita Amy aral muna diba? Anu ka?  Pumasok ka na nga Jacky!! "     sabi nito habang nakasilip sa bintana..

   Napakamot tuloy ng batok si Tom..

Jacky :  "Sis?  Matulog Kana nga? "

Tom:  "Sige na Jacky..  Alis nako.   Ang ingay ng Nanay mo eh. Hehe 😁"     pabulong nitong sabi na bahagya pang inilapit ang mukha sa taenga ng dalaga..

   Tumawa lang si Jacky...

Jacky:  "Sige babye na poh Soyti. Ingat ka.. Text ka pag nakauwi Kana ah.  "

   Sabay silang nag wave Sa isat-isa 🖐🖐

JACKY POV

    PAGPASOK ko Sa loob ng kwarto namin ni Vice.   Nakita kong nakabusangot na naman ang mukha nito.

Vice :  "Kaya pala atat kang umuwi ng Davao noh kasi alam mong susundoin ka ni Tom?  "

Jacky :  "Hindi ah!"

Vice.:   "Nadedevelop kana ba kay Tom Jacky huh? "

Jacky:  "Maybe?  I think so... "

Vice:  "Anung maybe2x?  Binigyan ka lang ng nakabukadkad na bulaklak jan para kanang ewan... "

Jacky :  "Bakit ba napaka bitter ng awra mo ngayon sis? Wag ganun.. Di ka makakahanap ng forever nyan sige Ka?"

Vice :  " ewan ko sayo. ". Sabi nito na dumapa ng higa.

     Hinayaan ko nalang ang kaibigan ko..  Bala nga sya... Ang bitter2x nya..  Daig pa nya si Mr. Amplaya eh..

Makalipas ang ilang minuto..
    Humiga ako Sa tabi nya.   Kanina inaantok talaga ako pero bakit hindi ako makatulog ngayon?  Nilingon ko si Vice..  Mahimbing na ang tulog nya.. 

   Pilit kong ipinikit ang mga mata ko.  Baka sakaling makaidlip..

   Nang biglang nagring ang message tone ni Vice..  Napamulat ako.  Parang nate-tempt ang mga kamay kong alamin Kung sino ang nag text.. Baka kasi si Bella na naman yun eh?? Tingnan ko kaya?  Basahin ko pagkatapos ededelete ko. Hehe 😁

    Kinuha ko nga ang cellphone nya at inopen..  Syempre alam ko ang password..  Hehe..

              Mama
         09123456789

Nak? Magpahinga ka pagdumating Kana ng Davao ha?  Tsaka wag mong kakalimotan yung regalong pinapabili ko sayo para sa Papa mo.. Love you nak. Miss kana agad namin ng Papa.

    Sweet naman  ng Mama ni Vice.  Nakaramdam tuloy ako ng inggit..  Matagal-tagal naring panahon na hindi ako nasasabihan ng ganito ng Mama ko ah..  Tuloyan Nya na akong kinalimotan.. Kamuzta na kaya si mama ko?  Nalungkot ako bigla..  Sana hindi ko nalang pala pinakialaman ang message ng kaibigan ko.  Ito tuloy..  Nalungkot ako.  Huhuhuh.

     Muling tumunog ang cellphone ni Vice..

            Bella
     09123456789

Hello Vice?  Pwede ba tayo magmeet bukas  After class? 

    Talaga naman nagtext nga ang loka eh?

  Replayan ko kaya?  Wag nalang pala baka makahalata..  Delete ko nalang.  Bala sya jan..  Neknek mo Bella..

Messaged deleted..

Hahahahaha.... 😂😂😂😂

To be continued....

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now