52) LOVE THIS WAY 💕

438 10 0
                                    

Chapter Twelve ( page 52 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#therevelation

     ISANG araw..  Hindi parin maalis Sa isipan ni Jacky ang mga bawat eksinang nagpaloka sa Kanya sa panaginip nya.. Pauli-ulit itong rumerehistro sa isip nya..  Kaya naman hindi nya maiwasang matawa kapag nakikita nya si Vice..

   Minsan kakaisip nya sa kanyang napanaginipan Hindi nya namamalayang May tumatawag na pala Sa pangalan nya..

  "jacky?    Jacky?  Oi Jacky? "

Tawag Sa kanya ni Tom..

Jacky :  "Oh Tom?  Anjan ka pala.. "

Tom :  "kanina pa..  Bat mukhang matutulala ka jan huh?  Ang layo ng iniisip mo eh.. "

Jacky :  "Aahhh.  Sorry.. "

Tom: "Sya nga pala..  Kasama ka samin Sa birthday-han diba?  Nong pamangkin ni Bella?

Jacky :  "Hindi naman ako ininvite eh.. "

Tom :  "Sus..  Imbitado kaya ang lahat..  Ikaw talaga.. Tsaka matanong ko lang.. Wag kang ma-offend huh?  Bat parang hindi kayo in good terms ni Bella jacky?  Nagseselos kaba sa Kanya? "

Jacky :  " huh?  Bat naman ako magseselos?  Hindi ah..  Anu naman pagseselosan. Ko Sa Kanya? "

Tom:  "dahil malapit sya kay Vice? "

    Sandaling natigilan si Jacky sa narinig kay Tom..

Jacky :  "ganun naman talaga yun noon pa..  Masyadong pa-FC.. Kaya ayuko Sa kanha"

Tom:  "yun lang? "

Jacky :  "Owo... "

Tom:  "wala ng ibang dahilan? "

Jacky:  "Pwede bang wag nalang natin sya pag-usapan?  Baka nagkanda-dulas dulas na yon sa nilalakaran kawawa naman..  "

Tom : " OK..  Sige poh.. "

DUMATING ang araw ng kaarawan ng pamangkin ni Bella kung saan imbitado sina Tom, dawn, mika,  Vice at Jacky.. 

    Habang nag-aayos ng gamit si Vice kasi maya-maya ay aalis na sila papuntang party nagulat nalang sya ng bugling dumating ang kinakapatid nyang si Anne..

Vice :  "Oh Tol? Napadalaw Ka?"

Anne :  "Oo Tol.. Balak ko sana makitulog Sayo eh..  Nag away kasi kami ni erpat eh? Kahit isang gabi lang tol.. Sige na naman.. "

Vice :  "ay sya..  Oh sige.  Kaso May pupuntahan pako tol eh.  Baka madaling araw na kami makauwi..  Gusto mo sumama ka nalang samin.. ?"

Anne :   "inuman ba yan Tol? Game ako jan! "

Vice :  "Sunog baga ka talaga kahit kailan Anne.. "

Anne :   "Minsan nga lang Tol..  Ito naman."

Vice :  "Kaya ka pinapagalitan ng ninong eh..  Etetxt ko si ninong na andito ka huh?  Para hindi na yun mag-alala..  Ikaw talaga."

Anne : "Oh sige ikaw bahala tol..  Basta dito muna ako makikitulog sayo ah.. "

Vice :  "Basta ngayong gabi lang huh?  Baka sabihin ni ninong kinukunsinti kita.. "

Anne:  "Ayos Tol.. Walang problema..basta wag mo na ko sermonan..  "

Vice :  "Ikaw talaga..  Kahit kailan pasaway ka..  Tara na Nga? Baka naghihintay na yon sina Jacky..

    Habang naglalakad ang dalawa napag-usapan nila ang tungkol Sa lihim na damdamin ni Vice para kay jacky..

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now