Chapter Five

1.5K 88 4
                                    

Mandi

Sabado ng umaga ay nilinisan namin ang lahat ng dapat linisan sa bahay. Walang gig at hindi nag-text si Debby kung anong oras siya pupunta kaya aasahan ko na baka mamayang hapon pa ito. Inayos ko na rin ang ibang bayarin kaya ang prino-problema nalang namin ngayon ay ang sa bahay. Masyadong mahal kasi ang bayad, at alam kong hindi ko agad ito matutubos sa iilang pera na nakukuha ko mula sa gig.

Mga alas diyes ay nakarinig kami ng katok sa pintuan, kaya nagtinginan kaming tatlo. Pumasok agad sa isip ko baka ang mga tao itong pumunta noon dito para pagbayarin kami. Pero nang buksan ko ang pinto, laking gulat ko nang makita ko si D na parang bagong labas sa magazine. Nakasuot ito ng leather jeans na may chain design sa gilid at naka crop top ng band shirt ng Paramore. Nahiya naman ako sa suot kong short at tshirt at wala pang ligo. Bakit ba hindi ito nagpaalam?

"Hi! You must be M's sister, I'm Debby, her friend, " magiliw na bati ni Debby sa isa sa aking kapatid.

Medyo naka awang ang bibig ng kapatid kong si Mavie habang si Maddie naman ay takang nakatingin sa kanya.

Oops, nakalimutan ko palang magpaalam.

"D! Pasensya na, hindi ko alam na maaga pala ang lakad. Ito nga pala ang mga kapatid ko, si Mavie-" itinuro ko ang katabi niya, "-at si Maddie." ininguso ko naman ang nasa tabi ko.

Namula ang pisnge nito. "I should be the one apologizing. I forgot to inform you what time. It's going to start at 8PM but I have nothing to do at my home so I'm here. Sorry to interrupt you guys."

Ngumiti ako at pinaupo siya sa kabilang upuan. "Sorry, kakatapos lang namin maglinis kaya ganito ka-stress ang mga mukha namin. Gusto mo ba ng maiinom? Tubig? Juice? Kape?"

Umiling siya at ibinaba ang bag niyang hawak-hawak. "No, I'm really sorry to interrupt you guys. I'm fine. Do you want me to come back later ba? Baka you have some things to do pa."

Umiling din ako. "Wala na kaming gagawin. Magluluto ako mamaya para sa lunch, dito ka nalang kumain," nahihiya kong alok.

"Really? I mean, if it's fine with you guys..." Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa dalawa.

Tumango-tango ang mga kapatid ko at ngumiti ako sa kanya.

"Sige. Pero sandali lang, maliligo lang ako. Mad at Mags, kayo muna bahala sa bisita natin 'ah?"

Tumango ulit ang dalawa at nagmadali naman akong umalis dahil hindi ko kinaya ang kahihiyan ko sa itsura ko. Bakit naman kasi ang aga makagala. Hindi tuloy ako nakapag handa. Hindi naman sa kailangan kong magpaganda pero nakakahiya naman sa kanya na sobrang ganda na.


"Kalma, Mandi. Kalma," wika ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Mabilis ang pagligo at bihis ko dahil ayaw ko siyang paghintayin. Hindi na rin muna ako nagbihis nh outfit ko para mamaya, magluluto pa kasi ako ng lunch.

Nang makabalik ako ay nadatnan ko silang nag-uusap sa baba. May pinapakita si Debby sa cellphone niya at tutok na tutok naman ang dalawa.

Umubo ako ng mahina. "Uhm, magluluto lang ako..."

Nan-angat ng tingin si Debby at mabilis na nagtaas-baba ang kanyang mata sa katawan ko. Namula ako sa ginawa niya, habang siya ay mas lumapad lang ang ngiti. "Hey, you look nice!"

Strange Compatibility Where stories live. Discover now