Chapter Twenty-seven

1.1K 71 9
                                    

Mandi

Hindi ko inakalang mahuhuli ako ni Debby ngayon dito sa opisina. Inaakala ko talagang sa susunod pa kami magkikita, pero mas mabuti nalang din siguro na nakausap ko siya ngayon. At least naging okay na kami. Medyo nakakapagod na rin kasing umiwas sa kanya. Ilang minuto ang lumipas at bumalik na si Debby sa loob matapos siyang makipag-usap sa telepono niya. Ibinalik ko naman ang cellphone na hawak-hawak ko at magtatanong na sana ako sa kanya kung ano ang meron nang magsalita siya.

  “Hey, M.”

  "Okay ka lang ba?"

  Tumango ito. "Yeah, well, I want to tell you something."

  Natigil ako. Sa tono pa lang ng pananalita niya, alam ko na kung saan ito papunta.

  Lumunok ito. “Maybe I am not ready for a relationship now. I'm sorry, it's not like I don't like you but we're so different. I can't handle a relationship now. I really adore you, but I don't think it'll work out now. I constantly look out for new things with you, it drains me sometimes. I have to be hone-”

  Para akong nadurog sa natinig. So in short niyan, ayaw niya sa akin? “Hindi mo naman kailangan mag explain. Sabibin mo lang na hindi ka na comfortable sa akin, ako na ang magkukusang lalayo,” pagputol ko sa kanya.

  Hindi ito makatingin sa mata nang sumagot, “I'm really sorry. Commiting right now is just not on my list. We can still be friends, you can still be my concert buddy.”

  Kahit na gusto kong umiyak, hindi ko rin naman magagawa kasi ako ang nag sign up sa ganito at nangako akong rerespetuhin ko kung ano man ang desisiyon niya. Ngayon andito na ako, kailangan kong panindigan ang una kong desisyon. “Huwag ka na mag sorry. Hindi naman masama magsabi ng no. In fact, nagpapasalamat nga ako sa pagiging honest mo.” Binigyan ko siya ng pilit na ngiti.  Ilang minuto pa ay ibinalik niya naman ito.  "But don't expect me to be okay kaagad, Debby ah? Siguro masasaktan ako kasi I really like you eh. But we all have our firsts naman noh? Ito na siguro ang first basted ko."

  Agad itong nag iwas ng tingin sa akin."I'm sorry, M."

  Matapos ang ilang minuto na awkward na katahimikan ay nagpaalam na ako. Iniligpit ko ang gamit ko saka ako umalis. Hindi niya na rin ako pinigilan, pero hindi ko rin tinanggap ang alok niyang ihatid ako pauwi. Dumeretso ako sa puntod ni Mama at Papa upang doon muna magpahangin. Ikinwento ko sa kanila ang nararamdaman ko, lahat-lahat ng sakit. Alam ko kasi na mas maiintindihan nila ako ngayon at alam kong hindi nila ako huhusgahan sa pinasok ko. May choice naman kasi ako, pero mas gusto kong sumugal kahit alam kong malaki ang posibilidad na matalo ako. At ito na nga, natalo na nga. Wala na akong ibang magagawa kung hindi ay tanggapin nalang ang desisyon ni Debby.

  Isang oras din akong nakatunganga roon. Nang makauwi ay hindi ko pinansin ang tanong ng mga kapatid ko kung bakit namumula ang mata ko. Dumeretso lang ako sa kwarto at humiga sa kama.

  Ang sakit pala mabasted.

* * *

  “Hindi ko pa rin matanggap na nag no siya sa'yo.”

  Umiling ako sa sinabi ni Rafa. “Normal lang naman na mambasted. Hindi naman masama na umayaw kung ayaw,” sagot ko naman habang nagsusulat. Kahit na masakit ay tinatanggap ko na ang gusto ni Debby. At least friends pa rin kami.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now