Chapter Thrity-three

1.2K 64 6
                                    

Mandi

Kanina ko pa napansin ang pagkawala sa mood ni Debby. Lahat kami ay nanibago, pero sabi naman ni Tatiana na ganon lang daw siya kapag naiinis. Ang pinagtataka lang naming lahat ay kung bakit naman siya naiinis? May nangyare bang hindi namin alam?

  “At nakawala ka rin sa bihag ni Gail,” sabi ni Rafa at lumapit sa akin habang nag-aayos ako ng kahoy na gagamitin mamaya sa camp fire.

  “Nag-usap lang kami. Maka bihag ka diyan, friendly lang ang tao.” Totoo nga naman, sobrang bait ni Gail at palakwento rin ito. Sila lang naman ang nagbibigay malisya sa amin.

  “Asus, ang haba naman ng hair mo. Si Debby mo parang mamamatay na sa selos kanina tapos ikaw dedma lang?”

  Selos? Bakit naman siya magseselos?

  “Huwag kang gumagawa ng kwento, Rafa ah,” wika ko sa kanya.

  Umismid ito at ipinasa sa akin ang hawak-hawak niyang kahoy. “Sa true lang kasi, teh. Sakit nga ng kamay ko kasi sinubukan kong saluhin ang spike niya, grabe para akong nag receive ng bakal. Alam namin ang mga ganung akto at tingin. Pero anyway, masaya ako na may progress ka na sa pagmomove on mo. Mukhang hindi ka na affected ng bongga.”

  Binigyan ko ito ng pilit na ngiti. “Acceptance lang talaga,” sagot ko. Medyo totoo naman si Rafa. Sinusubukan ko talaga na hindi maging affected kay Debby dahil alam ko kung ano ang kahihinatnan ko sa huli kapag hindi. Kaya nga umiiwas ako sa kanya at mabuti nalang na iniiwasan niya rin ako. Mas napapadali ang kailangan kong gawin.

  “Hey, can I help?”

  Napatalon ako nang marinig ko ang boses niya. Ito na naman ang traidor kong puso.

  Hindi ko sinalubong ang kanyang tingin, bagkus ay mas tinutok ko pa ang kahoy na para bang mawawala ito sa harap ko kung ibabaling ko sa iba ang tingin ko. “Uhh, sure. I-foform lang natin ng circle ang mga kahoy.”

  “Great!”

  Nang tignan ko ang gawi ni Rafa, nawala na ito sa tinatayuan niya. Ang bilis niya naman atang makaalis. At ang galing din talagang mang asar.

  “M, are you alright?”

  “Ikaw nga dapat ang tinatanong ko. Okay ka lang ba?” sagot ko habang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

  Naramdaman ko ang paglapit niya sa hinuhurma kong mga kahoy at sinusubukan din ang ginagawa ko. “Oh, don't mind me. I'm glad Gail finally decided to get away from you.”

  Dito na ako napatingin sa taka. “Huh? Bakit naman?”

 “Nothing. I'm just glad.” Binigyan niya ako ng ngiti at pinagpatuloy na ang pag-form sa mga kahoy. Hindi ko na rin siya binagabag dahil ayaw ko na rin malaman pa.

  “It's done! So we sindi this and okay na?” tanong niya nang matapos na ang aming ginagawa.

   Tumango ako at inabot ang lighter na nasa kamay ko. “Marunong ka ba?”

  Tinanggap niya ito at lumuhod para masindihan ang kahoy. Agad naman akong napatalikod nang mapansin kong naka tube lang pala siya. Okay, ngayon ko lang napansin ang suot niya. Ilayo n'yo po ako sa temtasyon.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now