Chapter Thirty-one

1.2K 69 6
                                    

Mandi

Isinama kami ni Lyrie sa isang beach kung saan namin napagpasyahang mag camping. Dalawang araw at isang gabi lang kami dahil gusto naming mag celebrate ng Christmas eve sa bahay ng tita ni Lyrie. Ang iba sa mga kaibigan namin ay nag-set up ng volleyball net, tent, at picnic table habang inaayos naman namin ni Lyrie ang mga pagkaing dala.

  “Kumusta naman ang puso mo?”

  Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti. “Ayos lang naman ata.” Naging civil na ang pakikitungo namin ni Debby sa isa't-isa. Hindi na rin kami masyadong na awkward nang magtabi kami sa higaan.

  Napadpad ang tingin namin kina Debby at Tatiana na tumatawa habang inaayos ang ibang tent.

  “Ang ganda noh?”

  Tumango ako sa sinabi niya at agad na napailing. “I mean, syempre. Sila naman lahat magkakaibigan magaganda,” mabilis kong sagot.

  “Sinong maganda?” biglang singit ni Rafa.

  “Ikaw,” nabigla kong sagot.

  Tumawa lang si Rafa sa akin at napalingon naman kami nang mapansin naming may sasakyan na dumating. Lumabas dito ang iba pang kaibigan nila Lyrie sa isla na may dala-dala rin bawat isa.

  Si Carrie ang unang lumapit sa amin at inabot ang isang tupperware. “Hi! Nagdala kami ng dessert.”

  Tinanggap ko ito at inilagay katabi ng iba pang pagkain.

  “Sumama pala si Ate Gail, siya rin ang nag drive sa amin, ” dagdag ni Carrie.

  Tinignan ko ang sasakyan na dala nila at ilang minuto pa ang lumipas bago may lumabas na isang matangkad at tisay na babae.

  “Ate Gail! Mabuti naman napasama ka,” masayang bati ni Lyrie. Tatakbo na sana ito nang may biglang humawak sa kamay niya.

  “Where are you going?” nakataas kilay na tanong ng jowa niya.

  Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Tatiana at Lyrie na parang nag uusap gamit ang kanilang mga mata.

  Lumapit itong Gail sa amin at ngumiti. “Hi, Ly. Oo, nagsawa na ako sa bahay eh. January pa ako babalik sa City so why not join you guys.” Napalipat ang tingin niya sa akin at inalok ang kamay.

  “Hi, I'm Gail.”

  Tinanggap ko ito at ngumiti. “Mandi. Nice to meet you Gail.”

  Matagal pa bago namin nabitawan ang kamay ng isa't-isa na ikinatawa ni Lyrie. “Ehem, ang tagal ah.”

  “Enjoy na enjoy sa handshake?” singit ni Rafa at niyakap si Gail.

  “I am just mesmerized. I heard her song kasi, super fan ako,” depensa ni Gail habang nakatingin sa akin.

   Namula na naman ako sa narinig. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na may nakakakilala sa akin.

  Agad na napadpad ang tingin ko kay Debby na mag isang inaayos ang ayos na tent. Padabog niya pang inilagay ang nga gamit sa labas na muntik na atang masira.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now