Chapter Forty-nine

1.2K 57 5
                                    

Mandi

Inabot sa akin ni Stacy ang ice pack at tsaka nauna na itong naglakad papunta sa pwestong pinag-iwanan namin kina Debby at Lewis.

  Sumunod ako sa kanya at nang makarating kami roon ay nagtaka na ako dahil wala na silang dalawa.

  "Saan ba sila, Stacy?"

  Tinaasan ako ng kilay ni Stacy. "How would I know? I was with you the whole time."

  Napakamot-batok naman ako. "Oo nga pala. "

  Naglakad ito patungo sa beach habang palingon-lingon sa paligid hanggang sa natigilan ito.

  "Those two are really stupid. "

   Agad akong tumakbo sa kinatatayuan ni Stacy para tignan ang kanyang tinitignan. At nang matanaw ko ito ay napanganga ako.

  Ilang metro mula sa gawi namin ay silang dalawa ni Lewis at Debby, naglalaro ng volleyball.

  Napakunot ang noo ko. "Namumula pa 'yang kamay ni Lewis ah! Tsaka kakagaling lang ni Debby. "

  Napailing naman si Stacy na mukhang pagod na sa nangyayare. "I swear, I'll drown them both and you'll be next, Mandi. "

  Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ako? Bakit? Anong kasalanan ko?"

  Hindi ito sumagot, bagkus ay naglakad lang papunta sa naglalarong Debby at Lewis.

  "Last na!" sigaw ng isa sa mga batang  nakatayo sa gitna ng net. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa dalawa. Hindi pa rin bumababa ang bola, panay salo at palo pa rin nila. Nabigla ako nang medyo lakasan ni Lewis ang pagkapalo, at halos mawala naman ang hininga ko nang tumalon si Debby at biglang nag spike.

  Hindi nasalo ni Lewis ang bola, nag dive ito bigla sa buhangin kung saan muntik nang masubsob ang mukha niya roon. Agad akong tumakbo patungo sa gawi niya para tulungan siyang tumayo.

  "Lewis! Ano ba ang nangyayare sainyo?"

  Hinawakan niya ang braso ko at naramdaman ko ang biglang pagyakap niya sa akin. "She really is serious about you." Nabigla muli ako nang halikan niya ang pisnge ko. "She won."

  "Lewis! You stupid fool!" Biglang litaw ni Stacy sa harap namin.

  Bigla nitong hinila si Lewis na siyang ikinabigla ko.

  Ang attitude talaga nitong si Stacy, parang everyday dinadatnan!

  "Paano ba 'yan? Nakapaglaro na ako at natalo na. Sayang."

  Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. So andito lang siya para maglaro?

  "Shut up, you almost made Debby come back to the hospital again! Why aren't you thinking, stupid techie!"

  Natawa ito. "She's fine. She's still the same Pancho with the ball. I'm sure she's smiling right now.

  Naguguluhan ako sa nangyayare ngayon. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Lewis, at hindi na rin mahagilap si Debby.

  Ano ba talaga ang nangyare sa kanilang dalawa?

* * *

  Matapos ang ilang sermon ni Stacy kay Lewis ay nagpaalam na ito para hilain pauwi si Lewis. Nagpaalam ako sa kanila at binilin na mag-iingat sa byahe. Pagkatapos ay tumakbo na ako kaagad papunta sa kwarto namin.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now