Chapter Thirty-five

1.3K 57 4
                                    

Mandi

Pasko na ngayon, isang araw simula nang magkaayos at magkausap kami ng masinsinan ni Debby. Halos hindi na kami mapaghiwalay simula nang gabing 'yun, na napapansin na rin ata ng mga kaibigan namin. Hindi pa kasi namin ikinwento sa kanila ang nangyare sa amin. Pero alam kong may idea naman na sila.

  “Good morning,” mahinang bulong ni Debby. Magkatabi kami ngayon habang akap-akap niya ako. Nakakapanibago pa rin ang lahat, ngunit mas lamang ang tuwang nararamdaman ko.

  Napangiti ako sa pagbati niya at sinagot ito ng magiliw na, “Merry Christmas, D!”

  Sumiksik ito sa akin hanggang sa makapwesto na ito sa aking dibdib. “Merry Christmas, M! I'm so happy I'm with you today.”

  "Masaya rin akong kapiling kita ngayon, D," malambing kong tugon sabay hawak sa pisnge niya

  Nagulat ako nang bigla itong gumapang para humalik sa akin. Hindi pa rin ako sanay sa sweetness niya kaya hindi ko pa kayang pigilan ang pamumula at pagkahiya ko, lalo na kapag nanghahalik na siya na para bang wala nang bukas.

  Mabilis niyang kinurot ang pisnge ko bago umupo. “How about we have a date today? Just the two of us. Let's go and lakad-lakad around, spend time with each other.”

  Lumapad ang ngiti ko at agad na tumango. May naisip din ako kahapon na gawin para ngayon pero mamayang gabi pa naman 'yon kaya pwede pa kaming mag date ngayong umaga.

  Nagtagal muna kami sa kwarto upang mag-ready, nauna akong natapos kaya nauna na rin akong lumabas. May kani-kaniyang plano ang iba. Sina Tatiana at Lyrie ay maaga pang umalis. Sina Sasha at Kuya Roldie naman ay pumunta na sa venue na pagdarausan bukas. Si Kate at Aik ay missing in action na, pati ang dalawang magpinsan wala na rin. Inayos ko ang nakalapag sa mesa bago napagpasyahang lumabas.


  Masaya akong naglakad palabas sa gate habang hinihintay si Debby. Nakasuot ako ngayon ng white plain cropped top shirt at short, hindi na ako nag handa masyado dahil mainit naman dito sa isla.

  Ilang minuto pa at nakalabas na rin ang inaantay ko. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko napigilang mapalunok. Ang ganda. Ibinaba ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakasuot ito ng sundress at flats. Nakataas din ang buhok niya sa isang bun kaya mas klaro ngayon ang kanyang mukha.

  Patalon itong lumapit sa gawi ko at inilahad ang kamay niya. “You look cute in white, babe.”

  Halos hindi naman ako makapagpigil sa ngiting gustong kumawala sa labi ko dahil sa tawag niya sa akin. Hinayaan ko nalang ito tsaka sinagot si Debby, “Ang ganda mo, D.”

  Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Wala masyadong tao sa daan, may dalawa lang ata kaming nakasalubong at pareho kaming binati ng mga ito. Napansin ko lang ang babait ng mga tao rito, 'yung tipong kahit hindi kayo magkakilala ay binabati ka pa rin at binibigyan ng ngiti. Pati sa dry market nila sarado ang mga tindahan. Sabi naman ni Debby na maglakad-lakad lang raw kami hanggang sa makita namin ang isang bukas na restaurant. Nang marating namin ito ay kami lang at ang dalawang teenager ang tao sa loob, kumakain din sila habang kami ay naghihintay sa inorder namin.


  “Is your feet alright lang ba?” tanong ng kasama ko habang nag-aalalang nakatingin sa akin.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now