Chapter Forty-seven

1.2K 63 7
                                    

Mandi

Ilang oras na kaming nasa byahe papuntang beach resort kung saan kami magsta-stay kasama ang pamilya ni Debby. Matapos niya akong kumbinsihin na sumama as a friend, napapayag din ako. Hindi ko naman matanggihan ang nagmamakaawa niyang mukha noon. Tsaka tapos na rin ang prelims namin kaya wala na akong masyadong iisipin pa.

  Magkasama kaming dalawa dahil nauna na ang pamilya niya kaninang madaling araw sa kadahilanang may aasikasuhin ito doon. Pinayagan na siyang mag drive basta raw ay mag-iingat na siya at huwag na huwag mawalan ng atensyon sa daan. Nakikinig rin kami sa kung ano ang nag-shuffle sa playlist na hinanda niya, at paminsan minsan ay napapasabay din sa pagkanta.

  “We're almost there. Are you comfortable in your seat ba?”

  Tumango ako habang nakatingin sa labas. Halos kada-minuto ata kinukumusta niya ako na para bang may mangyayare sa akin sa kinauupuan ko kung hindi siya magtatanong.

  May nadaanan na kaming mga resort at may glimpse na rin ng dagat. Ilang minuto pa ay pumasok ang sasakyan sa isang malaking nakabukas na gate, at ipinark ito ni Debby sa malawak na parking space. Isang bag lang ang dala ko na may lamang tatlong top, swim wear, pants, shorts, at ang mga toiletries at iba pa na pangangailangan ko, habang si Debby ay may dalang maleta, isang hand bag, at may shoulder bag pa. Nagtataka tuloy ako kung dalawang araw lang ba kami o aabutin ng isang taon sa sobrang dami ng dala niya.

  “Tulungan na kita sa gamit mo.”

  Aabutin ko na sana ang isang bag pero umiling ito at ngumiti. “No, I can handle this. Do you want me to carry your bag? I want to be a gentle woman ngayon.”

  Agad akong umiling at hinigpitan ang hawak sa bag. Gentle woman, sus. Mukha ngang hindi niya kaya buhatin ang tatlo, isasali niya pa ang backpack ko.

  “M? Are you fine with us sharing a room? There's two beds naman. I swear, I won't do anything to make you uncomfortable.”

  Napahinto ako sa sinabi niya. Kaming dalawa? Sa isang kwarto ulit? Last time na nagtabi kami ay sa isla pa at sobrang close pa kami noon. Sobrang sobra.

  Napansin niya siguro ang pagdadalawang isip ko kaya mabilis itong nagsalita. “If you don't want to, I can request another room for you.”

  Umiling ako at ngumiti. Nakaka-kaba man na magsasama ulit kami sa iisaang kwarto, at least magkaibang higaan na. Safe na 'yun kumpara noon.

  “Ayos lang, Debby.”

  “Really? Are you sure?”

  Tumango ako. Wala naman atang masamang mangyayare kung magkapareho kami ng kwarto.

  “Deb!” “Sis!” Dalawang bulto ng tao ang biglang lumapit sa amin. Namukhaan ko ang isa na kuya ni Debby, at ang isa naman ay pamilyar lang ang mukha.

  “Hello, couple!” Nakipag beso si Debby sa dalawa habang ako naman ay kinakabahan sa gilid. Sa tuwing nakakasama ko kasi ang pamilya ni Debby sobrang nai-intimidate ako. Mababait naman sila pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko.

  “This is Mandi pala. M, my brother and her future wife, Ally.”

  Hindi agad ako nakapag react nang isa-isa nila akong bineso. Ganito pala ang pagbati sa kanila.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now