Chapter One

5.9K 135 20
                                    

Mandi

Tahimik akong nakaupo kasama ang aking barkada sa canteen. Isa akong Accountancy student na may marami pang kailangan basahin, pero dahil wala pa akong gana, ipinagliban ko muna ang aking dapat istudy. May time pa naman siguro ako mamaya. Ngayon ay iniipon ko muna ang aking enerhiya para sa darating na mga araw, kung saan masusubok na ulit kami sa dami ng kailangang gawin. Kakatapos lang din kasi ng foundation day namin kaya wala pa masyadong maayos na klase.

  Busy ngayon ang mga kabilan ko sa pag-uusap habang ako naman ay busy din sa kakatingin sa mga dumadaan sa paligid namin. Nakasanayan ko nang makinig muna sa kanila bago ako nakikisali sa usapan, hindi rin naman kasi ako palasalita.

  “Pero si Tatiana? Ano na balita sainyo?” rinig kong tanong ni Kate, isa sa mga kaibigan ko.

  “Kate ang panget ng pangalan bakit mo minemention? Kumakain ako oh!” wika naman ni Lyrie na itinuro pa ang pagkain niya. Si Tatiana kasi ang ex niyang nang ghost at ngayon ay biglaan nalang nagparamdam.

  Napalingon naman ako sa isang kasama namin. “Ikaw ang suplada mo na ah. Pero, girl, mas gumanda si ateng ghoster ngayon,” sabat ni Rafa, ang pinsan ng isa naming kaibigan na si Hugo, habang umiling-iling. Napatango naman ako. Sa totoo lang, ang ganda talaga nilang magkakaibigan. Nakasama na kasi namin sila noon, at madalas ding sumasana sa amin ang isa sa kaibigan nila Tatiana na si Sasha, ang pinakamabait sa kanilang tatlo. Ito lang din kasi ang madalas na nakakapansin sa akin at nakikipag usap minsan.

  “Lyrie.”

  Naglipat kami ng tingin kay Aikah, ex ni Lyrie na naging kaibigan namin, at ngayon ay naging jowa na rin ni Kate. Sinabi naman nila Lyrie na hindi raw seryoso ang naging past nila ni Aikah kaya hindi problema kung magjojowa ito ng kaibigan niya. Isang internet love lang naman daw 'yun na hindi nag work.

  Seryoso ang mukha ni Aikah kaya inayos ko ang upo ko para makinig sa kanila. Interesado kasi akong malaman kung ano ang maibibigay nitong advice dahil hindi naman ako expert sa ganitong larangan. “Naalala mo ba ginawa ko sa'yo noon?”

   Tumango si Lyrie.

  “Pinatawad mo ba ako?”

   Tumango ulit ang kaibigan ko.

  “Gawin mo rin sa baby mo, ” tugon ni Aikah at ngumiti.

  Umirap ang kanyang jowa. “Gaga! Forgiveness is important but revenge is amazing,” sabat ni Kate na ikinatawa naman namin. Kahit kailan talaga. Nasanay na kami sa words of wisdom, kung ganun man 'yun, ni Kate. Kahit walang sense, pinapakinggan pa rin namin.


  Naglipat ako ng tingin kay Lyrie, at ngumiti ng konti. “Ako, I agree kay Aikah. Si Tatiana nagkamali lang din at wala tayong alam kung bakit niya ginawa iyon, kailangan mo malaman ang side niya. Pero syempre, huwag kang marupok sa kanya. Hindi ka dapat magpa easy to get ha, ” wika ko naman kay Lyrie, na sinagot niya nang yakap. I am really grateful dahil hindi ito nagtatago ng kanyang nararamdaman. Alam ko pa naman kung gaano kabigat magsarili sa mga hindi kaaya-ayang pangyayare sa buhay. Gawain ko eh.

  Habang nagyayakapan kami ay biglang may bumati na may pamilyar na boses. “Hello, people! ”

  Napatigil kaming lahat sa biglang pagsulpot ng isang kaibigan ni Tatiana, na naging kaibigan na ngayon ni Lyrie, si Deviana. Pinasadhan ko ito ng tingin. As usual, nakasuot na naman ito ng damit na para bang rarampa siya sa isang fashion show. Sa kanilang tatlo, ito ata ang medyo may kaartehan pagdating sa maraming bagay, pero hindi naman siya nagmamaldita. Alam ko rin na siya ang may maraming manliligaw dahil kalat naman sa social media ang mga gustong magpapansin sa kanya. Yes, I've stalked her before noong una ko siyang nakita. She's really pretty, 'yung tipong mukha na kahit araw-araw mo pang makita ay hindi ka talaga magsasawa.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now